Masaya ba ang blogging?

Nitong October 3 ay limang taon na ang Kwento’t Paniniwala ni Hitokirihoshi.  Bago ito, dumating ang dami kong naisip na pakulo. Gusto ko maging bongga naman dahil biruin mo ay nakakalahating dekada na ako sa pagba-blog sa una kong site. Pero hindi ko rin nagawa, abala ako sa aking offline life (na mas importante pa rin sa buhay ko at sa buhay nating lahat).

Kamakailan lang ay may nagtanong sa akin kung masaya ba ang blogging (Hello Grace!). Medyo natagalan ako sumagot, hindi dahil sa nablangko kundi “mahirap sagutin ‘yan kasi passion ko ang blogging.”  Sa una hindi, pero nung nagtagal ay naging part na ito ng lifestyle ko.

Photo by Olya Kobruseva on Pexels.com

Blogging is an outlet to express yourself

Lahat ng tao ay pinapayuhan na ilabas ang saloobin. Ang kati-kati sa dila ‘pag may gusto kang sabihin na masaya o malungkot pero hindi mo magawa. Puwede mo rin sabihin, pero parang hindi ka naman pinakikinggan. Puwede ring pakikinggan ka nga, pero alam mong hindi naman interesado ang kausap mo. Sa blogging, walang limitadong espasyo. Walang editor or advertiser na magdidikta sa iyo na hanggang d’yan lang ang word count at characters na puwede mong isulat. O kung hindi man kahiyaan ay hindi ka pipilitin na magsalita sa lengguwahe na hindi mo naman talaga gamay. Malaya kang magpahayag ng iyong pananaw at ng iyong emosyon.

At tiyak na may mga taong  babasa sa iyong post lalo na kung ito ay malaman, may katuturan at makatotohanan.

Rediscovering yourself

Kapag matagal  ka nang nagsusulat at may nababasa ka ring kapwa mo bloggers, you can’t help but to compare and analyze yourself to them, intentionally or not. Hindi  ito usapang inggitan kundi isang realization sa iyong craft at pagkatao. Hanggang dito ka na lang ba? May gusto ka pa bang gawin? Paano ba  mas magiging buhay ang aking blog? Paano ko magagawang mas maraming makasama rito?

Hindi mo makikita ang kabilang panig kung hindi ka magbubukas ng bintana. Hindi ka makakatawid sa kabilang daan kung hindi ka gagamit ng tulay. Gamitin mo ang blogging para matulungan mo ang sa sarili mo na mahanap ang gusto mo. Tiyak na rito ay maraming bagay kang matutuhan na minsan ay hindi mo inaakalang gusto mo pala.

Blogging provides you a company

Puwedeng mababa ang blog hits mo, bibihira ang nagko-c0mment sa iyo pero definitely you are not alone sa blogworld. Ilan na ba rito ang nagsabi sa akin na “nakaka-relate ako sa iyo.”  Hindi ko sila ka-edad, hindi kami pare-pareho ng estado sa buhay at  malamang kanya-kanya kami ng ganda (ano pa?). Pero, madadama mong sincere ang kanilang comment. May iba rin kasi sadyang nagbabasa lang nahuhuli mo na lang kung saan nanggagaling na site, saang bansa at anong keywords ka na-search (weird nga minsan e).

parang maka-blue pa ko d2 hehe

You can communicate with people around the globe

Funny sabi sa isang web tool na ginagamit ko, ang baba raw ng rate ng mga lalaking na bumisita sa site ko, especially sa Hoshilandia.com. Paano kaya ‘yon eh puro lalaki ang nagko-comment dun at  majority rin dito? Hind naman din panlalake ang mga blogposts ko? Pero whatever gender, status, at cheverlou-  you know tao ang kausap mo.  Ako ang saya-saya ko ‘pag may nakakausap akong interesante o kahit hindi, basta pareho kaming into blogging.

Nakakabasa ka ng naiibang kuwento,  istoryang totoo at karanasan na maaari mong kapulutan ng aral.

Blogging opens up possibilities/opportunities

Yes I believe that there’s money in blogging or shall we say blog monetization… (teka lang magpapahid lang ako ng blood sa aking nose ).

star kumot

Pero I think  ang pinaka-possibility or opportunity na magagawa ng blogging sa iyo ay personality development kung magpapaagos ka sa positive effect nito.

Ilang blog events ba ang nagbubukas sa isang taon, ilang organisasyon ang nagbibigay ng  slots para sa mga bloggers at kung anu-ano pa. Ilan na rin ang nakadaupang palad ko because of blogging kung nakaka-inspire yon.  Iilan na lang din ang tumitingin ng mabababa sa isang blogger. Hindi ka na lang basta-basta kung pagyayamamin at magiging masaya ka sa gawain na ito.

kaya!

Happy Blogging!

May-akda: Ate Jevs

fairy god sister ni Hitokirihoshi ng Hoshilandia.com, eat food, sing songs, explore life, travel places, meet people and love...advice/stories/tips

17 na mga thought (isipan) sa “Masaya ba ang blogging?”

  1. nung simula ay nag blog ako para labanan ang lungkot… mahirap kasi ang malayo sa pamilya.. pero nung tumagal, nagulat na lang ako at may nagbabasa pala ng blog ko.. kahit puro kalokohan pinaglalagay ko… kaya natuwa akong gumawa pa ng mga post na nagbibigay saya sa iba… nakaktuwa kasing malaman na sa simpleng kwento mo, may ibang tao kang napapatawa at napapangiti… hello hoshi!! *kaway kaway*

    1. moshi-moshi potsquared! aregato gozaimasu isa ako sa napapatawa mo.

      see! nakakagawa tayo ng something different kapag nagba-blog tayo. we can make people smile! siguro marami kang nagamot na may depression na nawala dahil sa kakabasa ng iyong mga post. Nung napanood ko yung video mo sa pool, sobrang na motivate kaya ako doon. hehehe

      1. ahahahaha oo nga.. teka, namotivate? namotivate kang tumalon din sa pool at mag shoot sa salbabida? ehehehehe.. pero yun nga.. hindi man natin mapasaya ang buong sambayanang pilipino, at least yung mga may access sa internet at nagbabasa ng mga blogs ay sumaya.. sabi nga ng aking “sensei” hindi magkakaroon ng kanin kung hindi ka magsasaing…

      2. oo, na-motivate ako doon. Biruin mo naisip at nagawa ni Potsquared ang challenge na yun. dapat ako rin di ba?! hohohoho! try ko naman sa salbabidang umaapoy (chuz)

        oh di ba, dami na rin kayang Pinoy na naka-online at malay mo magkaroon ka narin ng apps. salbabida apps

  2. happy fifth year on blogging! okay naman ang magblog. nung una, ang aim ko lang naman ay magpalaganap ng kalokohan. pero ngayon, magpalaganap pa rin ng kalokohan, este, makapagbigay din naman ng kahit konting (at minsa’y mga trivial na) impormasyon. 😀

    1. Salamat sa iyo Apollo! Salamat din sa pagiging masugid na visitor lalo na sa Hoshilandia.com!
      Natural naman na sa simula hindi natin alam ang trip natin sa blogging. Wala rin naman masama kung para sa sarili ang blogging, in a way naman ata parang online journal ang konsepto nito. Call na ng blogger, na siempre sinasaluduhan ko, kung gagawin niyang kapaki-kapakinabang ang kanyang mga kuwento.

      Isa ako sa nakikinabang sa mga trivia mo. yung iba talaga dun hindi ko alam dati. lalo na yang mga experiment m mo. naku po. hehehe

  3. hello… congrats on this important milestone of your blogging journey, hoshi… saludo ako sa iyo, kapatid. ibang level pag ang site ay naka-limang taon na. at ang iyong blog ay isa sa mga hinahangaan ko dahil vibrant, may variety at laging may pagtataya at pagsasaalang-alang sa mambabasa. keep on writing, blogging and soaring. kudos and warm regards… 😉

  4. wow limang taon na pala ang iyong mga pahina…
    tuloy lang po, bagaman nakakaligtaan minsan… (tulad ko – di minsan kundi madalas)
    (sabay check kung kelan nga ba talaga ako nag-umpisang magpaskil ng “tilamsik”)

Mag-iwan ng puna

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.