Head to Toe presents “Bad Trip”

Head To Toe by Ate Jevz Ikling-Jaba

  Dear Ate Jevz

Hello po Ate Jevs, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan kapag nabasa ninyo ang aking liham. Hindi ko po akalain na pati ako ay susulat sa inyo dahil sa aking karanasan at problema.

Kahapon lamang ay talagang literal na bad trip ang aking biyahe, papunta’t pabalik sa aming bahay. Kapag papasok po ako sa opisina, sumasakay ako sa FX para kumportable at hindi na ako lalakad.  Dumadaan po kasi mismo sa harapan ng aming building yung mga FX na sinasakyan ko.

Kahapon ng umaga, nagkataon na sa unahan ako napaupo. Kung tutuusin isa yun sa magandang puwesto pero hindi ko yun naramdaman. Ganito po kasi, ugali ko ang matulog na lang sa biyahe kaysa tumingin sa mga kapwa ko pasahero. Minsan kahit hindi naman ako inaantok, pinipikit ko na lang mata ko.

Itong babaeng nakatabi ko ay payat naman di hamak sa akin kaya ako na ang nag-adjust dahil nakakahiya naman sa kanya at baka ukupado ng rich behind ko ang aming inupuan. Feeling jackpot naman ako dahil naabot ng aking ulo iyong sandalan.  so feeling ko ulit okay na ang lahat, medyo naiidlip na nga ako, aba itong katabi ko, panay ang kislot. As in hindi mo siya pwedeng ipagwalang bahala.

So ako although, nakapikit  pa rin ang eyes I tried my best na umusog pa, although feel ko na rin yung cambio nung fx. Aba, etong babaeng ito wala pa ring tigil, so dumilat na ako  malapit sa medical city.

Tiningnan ko yung babae, walang hiya! Natutulog din pala, malikot lang. sumasandal-sandal pa sa akin.

Nung uwian naman po ay sumakay ako sa bus, kasama ang bago kong ka-opisina.  Dahil wala ng maupuan dun na kami sa  pinakadulo naupo. Sa totoo lang, may phobia na ako sa pag-upo sa  parteng yun dahil may masilumuot na akong karanasan dun pero dahil may kasama naman ako kaya carry lang.

Maya-maya may nakitang kakilala ang ka-opisina ko at doon niya pinaupo sa tabi niya. Tas maya-maya pa ulit may umupo naman na  Mama sa tabi ko. Napansin ko na lang panay ang kampay ng binti niya sa binti ko. Siempre deadma muna ako sa umpisa nakikiramdam. Baka naman kasi nangangati yung binti niya o ‘di kaya ay nasisikipan siya at naiipit yung “twit twit” niya.

Nung as in panay na, pumadyak ako. hindi pa rin siya tumigil, nagsabi naman ako na “ nasisikipan po ba kayo?”  ang kaso ang umusog e, yung ka-opisina ko.

 

The whole time madaldal naman kami, kung matino yung mama alam niyang pinag-uusapan naming nung ka-opisina ko pati na yung kaibigan niya na kung saan kami nagwo-work, hindi pa siya ninikawan ng ulirat nun. 

 

Gusto ko ng patulan, kung baga kukuha lang sana ako ng back up sa kasama ko, kaso ayaw ata ng gulo. So nung nakakita ako nung bumaba sa may unahan, kumaripas ako ng   lakad papunta doon.

Siempre feel ko harassment yun pero pumasok din sa kokote ko baka style niya lang yun para lumayas ako sa tabi niya dahil nasisikipan siya. Pero tingin ko pang waluhan yun eh anim lang kami nandoon, kahit na ba may dalawang mataba dun, imposibleng  kasikipan at naiipit lang yung twit twit niya kaya panay ang kampay ng binti niya.

 

Nakakainis po talaga, dahil gusto ko lang ay matiwasay na viaje taz gaganunin ka. Yung sa babae nakakapika pero  mapapagpasensyahan ko pa  yung sa lalaki talaga ang nakaka-bad trip.

Actually, hindi ito ang first time na feeling ko na na-harass ako, may ilang beses na rin.

Siguro mula ng mag-work ako ditto sa ortigas, may tatlong beses na rin at lahat sa bus.

 

Una yung, lalaki kunwari tulog pero yung kamay lumalakbay  malapit sa hita ko.  Nilabasan  ko nga ng pamatay kong patalim .14 o katorse (yung sa nail cutter), pinagsabihan at ito ang matindi pag baba ko pinasabugan (pohhhhh) ko siya hahaha!!!

 

Pangalawa yung matindi, as in yun ang dahilan bat ayaw ko ng pumuwesto sa likod.  In your face naglalakbay yung kamay ng lalaki sa bandang tiyan ko. Timang, ata eh, ako hindi ko ma-appreciate yung  bel-belly ko siya natatakam.   Tinignan ko siya ng matalim, eh iba yung reaction niya kakaiba. Binelatan ako, “pusang ina!!!”  baliw ang “tostado.”

 

Nakakaasar po talaga ate Jevz, nakakabastos na talaga. Bad trip!!!

 

Banas na banas,

Conchita Macaspac

  Reply: 

Dear Cochi,

Tnx sa pgsulat u sa column me!

 

Azar tlga ang mga eksenang ganyan,  but if I wer u kung grl lang eh, patient k n lng. E kung sa mrt n nga lng siksikan dun pero w care ang mga babes.

 

Sa guys ka mag-churva… pg my chnce cla 2 attack all out ang mga hitad. Jst b brave and ipaglbn ang ung ryt. Wag k n lng umupo sa pinaka-bck ng bus ksi mrami ngang mga toasted (Tustado) dun at motherly cat(pusang ina)!

 

Tc and Gbu!

 Ate Jevs     

Advertisements

10 comments

  1. neng saan mo ba pinag kukuha ang pangalang binabanggit mo. saang bundok..sa bundok ba yan ng timbukto or tralala.

    anyways., atleast kahit na chansingan ka dapat matuwa ka kc na prove mo girlalush ka.hehehehe joke lang …love u poe!

  2. neng! ano ba yang sasaring masalimuot na buhay ang nangyayari sayo ano ka ba DIYOSA NG KAGANDAHAN at lapitin ka ng anu-anong karanasan siguro nga dapat sayo eh bayaran mo nalang ung sa harapan para masolo mo nalang at nang hindi na maulit yan. o kaya umpisahan mo ng mag ipon ng piso-piso at bumili ka nalang ng bike. hahahahahahaha joke lang po!

  3. Oo nga bat ngayon nyo lang nabasa? sa bagay kasi, kapag sinisipag ako 2-3 sa isnag upuan.. eh siempre ang binabasa lang ng lahat eh yung pinakahuling na-post. …nakakabaliw nga ang decription ni conchita.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s