mahirap makasanayan, mahirap matanggal

I

Maraming bagay ang may-umpisa, may rurok at mayroong hangganan.

Gaya ng isang mausisang bata na nagnanais mapunan ang wala sa kanya

Maaaring matutuwa o mabigla sa pagkakataong ipinagkaloob pero kapag

Masabi niyang ‘ah maganda ito,” dadamhin niya iyon ng buong puso

II

Mahirap makasanayan ang isang bagay dahil mahirap ding iyong maalis

Lalo na’t kung ito ang dahilan kung bakit magaan ang iyong pakiramdam

Pero hindi mo napapansin nagiging bahagi  na ito iyong sistema,

Nang iyong pagkakakilanlan at ng pang-araw araw mong  buhay

III

Subalit dumarating ang punto na iyong susuriin ang iyong sarili

ano na ba ang nangyari?  Kailan ba ang huling… ? Paaano kaya?

Tulad ko, napagtanto ko na marami na pala akong pantalon

At ang tagal, tagal ko ng hindi nagpapalda as in taon na.

Komportable kasi e.

Advertisements

12 thoughts on “mahirap makasanayan, mahirap matanggal

  1. Ang seryoso ng first two stanzas akala ko kung ano na, pantalon pala. hehehe

    Naalala ko tuloy mayroong akong friend, napaiyak namin dahil sa palda.

    At isang masamang pangitain nga pala kapag nagpalda ka dito sa office. Waaaaaahhhhhh

  2. oo nga basta nagpapagaan ng pakiramdam ng isang tao, kahit ano pa man ito, para sa kanya ay mahirap ng alisin yun. Kahit di nya alam na nakakasama na sa kanya o sa ibang tao..

    ako nga nakasanayan ko ng humarap sa computer 4 hours sa umaga paggising. Kasi na rerelax ako. Pero di ko namamalayan na nangagawit na pala mga mata ko at kamay kaka-kikikikikilik sa mouse. Siguro kelangan ko ng palitan itong nakagawian kong to. pagdating ko pa sa office, hala Computer na naman!!

    1. yeah minsan di natin alam yung reklamo natin sa katawan dala na rin ng ating life style.

      yung routine na ating kinababagutan eh mahirap din namang palitan. gulo natin no!

      ako weekend lang nagko-computer.

      magdamagan. eheheh

  3. ganun talaga ang layf…minsan mahirap talaga ang nakasanayan na….pero kwidaw…minsan nagiging hadlang din ito to explore new ideas, things, experiences…hala ka ma-stuck-up ka dyan!

    1. hmmm ayoko sana sagutin ‘yan pero sige…

      kung magpapalda ako para masabi lang magandang tingnan uhmm ‘di na rin. sandamukal este may ilan naman na nanligaw at nagka-crush sa akin kahit mukha akong gusgusin. hahaha

      fashion statement itich. buhahaha.
      naku magagandahan ka kay leng-leng lagi nakapalda yun mini & pink pa. (nagreto?!)

  4. haha.. bakit di subukang minsan magpalda para maiba naman. flawless ka naman siguro..hahaha(joke)

    mahirap talaga kapag nakasanayan mo na kaya dapat sa una palang ay pag-isipan mo muna kung iyong sisimulan dahil baka kasi kapag nagtagal eh mahirap ng tanggalin.

    1. yes kuya pinag-iisipan ko na yan, matagal na actually. gusto ko bongga yung effect. hehehe

      korek, parang along the way pumapaloob na rin yung pride. na ayaw mo i-try kasi ito ka e.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s