Legal Documents

Dear Ate Jevz,

This coming March ay ga-graduate na rin ako at last.  Happy and at the same time, kabado rin po ako. Kabado kasi, ‘di ba po mahirap ang maghanap ng work ngayon?

Ang plano ko po kasabay ng aking pag-a-apply ay maglakad na ng mga legal documents, gaya ng birth certificate, SSS, Voter’s ID, NBI Clearance at kahit passport.  Ano po bang mga dapat kong tandaan kapag kukuha ako ng mga ito?

Salamat po and have a nice day!

Joanna Eloisa Cruz

Dear JEC,

Hello! Tama ‘yan na maglakad ka ng mga papel para habang naghahanap ka pa ng work ay nakukumpleto mo na rin ang mga requirements mo sa work. Isa pa ay mas masasanay at  lalawak pa ang iyong kamalayan sa paligid mo.  Yes this time, hindi na sina professors at teachers ang magbibigay sa iyo ng lessons kundi  ang mga karanasan at mga makakasalamuha mo.

May iba kasi diyan, tumanda na lang ay ‘di pa ata nakakapasok ng city hall at marunong maglakad ng mga papel.  Sa huli kailangan pa nilang makiusap o magbayad ng maglalakad para sa kanila. Anyway, narito ang  kabagayan na tingin ko ay dapat mong malaman  sa paglalakad ng mga kapapelan sa buhay.

Gumising ng maaga. Wala kang mapapala kung aalis ka ng bahay ng tanghali na.  Bukod sa may LIMIT ang oras ng mga ‘yan,  mahahahaba rin ang pila sa dami ng tao. Mapapansin mo rin na iba na ang ngiti nina Sir at Ma’am sa counter kapag bandang hapon ka pumunta.

Alamin san ang City Hall. Hindi lang naman sina Mayor, vice at  councilors  ang mabibisita mo sa inyong city hall.  Mayroon ding mag mini offices diyan ang COMELEC, N.B.I. at pwede ka na ring kumuha ng birth certificate diyan (‘yan ay kung diyan ka sa lungsod ninyo, nagka-ugat). Oh ‘di ba ‘di ka na makikipagsiksikan sa Carriedo (para sa N.B.I.) o kung saan-saan pa.  Alamin mo rin kung meron talagang mga ganyan sa city hall ninyo, kasi sa amin meron eh.

Laging magdala ng two valid IDs.  Laging ang mga ‘yan ang hihingin sa iyo, every time na may transactions ka sa mga government agencies or saan mang businesses.  So kahit pangit ka sa school ID mo, wala ka ng magagawa kundi iwagawayway ‘yan.

Magtanong sa tamang tao.  ‘Wag kang basta-basta makatanong lang, especially kung pagbabayad ang gagawin mo.  Pumunta ka sa mismong information desk o lumapit ka na lang kina manong guard. Maiigi sila kaysa kung sinu-sino d’yan na nagmamagaling or worse manloloko sa iyo.  Naku po, lalong-lalo na sa DFA (Dept. of Foreign Affairs) kung saan ka kukuha ng passport ang daming fixer d’yan kaya mag-ingat ka.

Magdala ng  mga gamit. Bukod sa wallet mo na may laman na pera at IDs, o mga ATM or credit cards (sosyal), magdala ka na rin ng black ballpen (gawin mo ng 2), maliit na notebook, pamaypay, bimpo o panyo, payong at maging ng mga babasahin o bagay na magbibigay aliw sa iyo habang naghihintay sa mahabang pila.  Pero utang na loob, tama na siguro ang brick game o mp3 player, kaysa PSP dahil mang-iinggit ka pa eh.  Baka ‘pag nagdala ka pa ng mamahalin gadgets mo ay sa presinto na ang diretso mo.

Magsuot ng simple o komportbleng damit pero umaktong ismarte.  Siguro tama na ang t-shirt, pantalon at sandals or rubber shoes na pinaka-overall attire mo. Bahala ka na kung susundin mo ‘yong trip mong porma, ikaw din naman mahihirapan sa maghapong paglalakad.  Basta kahit ano pang suot mo ay ipamalas mo na hindi ka naman ganun kaignorante. Magbigay ka lang ng impression na hindi ka basta-basta.  Ang iba kasi d’yan, idinidepende ang serbisyo nila sa kung ano  tingin nila sa tao. Mapi-feel  mo naman ‘yan e!

Itago ng maigi ang mga kapapelan.  Ayaw mo naman siguro  mapunta sa wala ang paglalakad mo at magpabalik-balik hindi ba?  Pagkakuha ng mga ito ilagay mo kaagad sa iyong  bag o file case. Kahit yong mga resibo, wag mong wawalain.

Maging pasensyosa o matiisin.   Matuto kang makisalamuha at makisama sa ibang tao. Kahit mukhang snub sina Ma’am at Sir sa counter, intindihin na tao rin sila na napapagod at maraming inaasikaso.  Smile lang at maging mahinahon sa sagot, kahit malaman na ‘yong sinasabi mo.  Iba ‘yong sumasabat na may paggalang at mahinahon pa rin kaysa nagmumukha ka ng palengkera.  Tandaan, balwarte nila ‘yon at saka maganda na maging okay ka sa kanila para pag bumalik ka, NGISIAN (a plastic’s smile) pa rin kayo.

Advertisements

23 thoughts on “Legal Documents

  1. Nais ko ring imungkahi ang magdala ng inumin at pamahid ng pawis (o di kaya pamalit na damit) dahil tiyak na pagpapawisan ka sa burokrasya dito sa atin. Alamin din kung nasaan ang CR at magdala ng baby wipes in case may “emergency”. Kilalanin din ang kasama ninyo sa pila para kapag tumawag si Inang Kalikasan, hindi nyo kailangang pumila ulit.

    Kapag kukuha naman ng lisensya, madali lang naman magparenew. Kapag bago lang naman, hanapin si “Cool” sa LTO Tayuman para makakuha agad ng authentic na plastic ID within the day. Hehehe.

    Sa NSO naman, mag-ipon na lang kayo ng pambayad sa delivery kaysa hintayin na tawagin ang number 437 ninyo habang nasa 215 and sineserbisyuhan nila.

  2. ate jevz: salamin sa iyong mga ginuntuang karagdagang tips… curious tuloy ako kung sino si Cool ng LTO at ano ang nasa likod ng number 437 at 215 na ‘yan… buhehehe!

    makapila lang kasi ako.

  3. Para ba kanino yang baby wipes, baby tim-tim? Baka naman pangsuhol yan kay Cool ng LTO?

    Ate Jevs, pwede din magdala ng instant sofa aka papel o dyaryong mauupuan kung ngawit ka na sa pila.

  4. ate jevs: wahahaha, naku mas lalo akong naiintriga hahahaha!

    ay okay rin ‘yang dyrayo… may babasahin ka na , mayuupuan ka pa.

  5. ate jevz: salamat na rin sana blurosebluguy kaso may hirit pa. joke-joke. pero Thanks talaga.

    oo nga, nakakainip at nakakagutom ang pumila. pwede na siguro ang pamatauy na crackers, at fruit juice or mineral water. basta siguruhin muna sa mga guard na okay na kumain. or better wag kaligtaan na kumain bago pumunta sa pilahan . baka imbes na makuha ang inyong mga forms eh reseta ni doc ang matanggap ninyo.

  6. naka naman si VF… ganyan pala ang style mo ha….. eh pano naman kung lalaki si civil servant? yun pa rin ba ang linya ko at sabay kindat.

  7. Random lang naman iyong mga numero na aking nabanggit. Yung baby wipes, hindi yung tinatanggap ni Cool ng LTO Tayuman. Ninoy lang ang pwede sa kanya.

  8. ate jevs: yang ba si cool eh fixer? naku mahirap ipayo yan ginoong tim. doon na lang ako sa baby wipes.

    akin na lang ang P500.

  9. Oo, siya ay isang taga-ayos. Pero tried and tested na ito, dito ako lumapit nung nagpakuha ako ng lisensya sa LTO. Authentic ID galing mismo sa loob, with matching test questions pa. Yung hindi lang niya nabibigyan ng garantiya ay kung papasa ka sa exam o hindi. All within 3 hours. Hindi katulad ng normal na sistema, maghihintay ka ng isang buwan at babalik ka pa para makuha ang ID mo.

  10. ate jevs: bahala na ang mga mambabasa kung susunod sila sa iyo pero I think mas mabuti na dumaan sa tamang proseso para hindi na lumala ang gabyang gawain.

    malamang nga dahil sa revelation mo eh maging hot na si cool. anyway , thank you na rin sa tip mo Ginoong tim

  11. ate jevs: korek ka diyan ms. leng-leng. mahirap na mabago ang ganyang sistema kaya better na mag-prepare na lang ang mag sasabak sa pagpa-process ng mga kapapelan. ang mga ito ay para pa lang sa mga fresh grads ha, wala pa diyan yung mga mag-a-abroad. tingin ko mas mahirap yun.

    tama ba ako?

  12. haynaku, yang mga taga-dfa, saksakan ng pagkasungit. kahit yung strategyko, di u-ubra lalo na yung mga tameme. sobra ang pa-importante ang mga taohan ng mga consulates natin worldwide. you need to take a whole day off to get a simple certification.

    pero huwag ka, marami na akong napaiyak. pina-gma ko pa sila…

    ngayon, red carpet na ako pag ako ang pumupunta.

    🙂

  13. ate jevz: wow pa-red carpet, red carpet na si VF… pasama naman gusto ko rin feel ang ganyang status… kalangan ba naka-gown… pag ganun, ayawan na.

  14. Dear ate jevz,

    nakaka-aliw ang palitan nyo ng kaalaman ni tim. anyways maipapayo ko ay magdala ka ng kasama para naman di mapanis ang laway mo at kung saka sakali ay meron kang karelyebo sa pagpila just in case eh may call of nature ka di ba!

  15. dear ate yme,

    hindi lang po si tim ang kabatuhan ko ng komento dito, kaya batiin mo rin dapat sila. salamat sa iyong payo, alam kong iba diyan ay hindi nakakalakad ng walang kasama. tama, gawin nyo silang kapalitan sa pila at katu-tulong pero siempre ang ibig sabihin niyan ay ilibre nyo rin sila sa pakain at pamasahe.

    mabuhay!
    ate jevs

  16. nyahaha
    panalo ito, as usual

    naalala ko tuloy noong ako ang kumuha ng police clearance dito sa pasay city hall

    syempre pa
    wala akong dalang ballpen
    napabili pako sa pulis
    20 pesos yata
    pucha
    naisahan ako

    tapos katabi pa namin ang city jail
    tama bang sipulan ako?
    hehe

  17. ate jevs: naks may bola pa…

    wahhh mahal ng ball pen… tas malamang ordinary pa yun

    lakas talaga ng karisma mo, pati mga parak… nahatak mo. charus…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s