post office

May kailangan akong ipadalang dokumento (hindi po epektus) kahapon at suhestiyon ng aking kuya na ipadala na lamang sa post office kaysa sa isang sikat na kompanya na may ganun ding serbisyo para makamura.

Matagal na rin akong hindi nakakapaghulog ng sulat, taon. Bukod sa wala naman akong padadalhan, eh halos lahat naman ng mga kaibigan o kakilala ko na nasa malayong lugar ay abot-kamay sa pamamagitan ng email at text. Mas convenient at mas mura pa nga eh kasi kahit magbayad ka ng P40 per hour sa isang internet café ay maaaring hindi na mabilang ang makakausap o mapapadalhan mo ng mensahe saan mang panig ng bansa o sa buong mundo. Basta ba may PC at internet din sila, hindi ba?!

Malapit-lapit lang naman sa amin ang post office, although sadyain.  Kung tutuusin, mas mahayaay talaga kung nagpunta na lang ako roon sa isang sikat na kompanya kasi nasa loob iyon ng mall at may viaje pa na ikot papuntang mall. Pero iyon nga sa post office ako nagpunta, kahit tirik ang araw.

Dati-rati ay talagang nagkakabungguan ang mga naghuhulog ng sulat sa post office. Kahapon, ako lamang ang naghulog ng sulat ng mga oras na ‘yon.  Tingin ko naman ay tila napaglumaan na ng panahon ang lugar. Malamang kung ano ‘yong sinusulatan ko noong bata pa ako nung sinasama pa ako ng mga nakatatanda kong kapatid ay iyon pa rin ‘yon. Naalala ko pa nga, doon ko nalaman ang exact zip code ng baranggay namin. In fairness,  nababasa pa naman ang yong bulletin board, hindi na nga lang kahali-halina (sa bagay, hindi naman dekorasyon ‘yon.)

Pero kahit ako lang nandoon, nakita ko sa likod ng kausap ko sa counter na marami pa naman silang inaasikaso na sulat.  ‘Yong mga umasikaso sa akin, siguro mga nasa 40s o 50s na rin. Mukha silang masungit pero hindi ko na ininda. Baka kako, mukha lang din ako Nene kaya ganun. Muhahaha!

Sa totoo lang, nahihirapan akong pakinggan ang mga sinasabi nila bukod pa sa hindi ko talaga siguro maintindihan. Dinig ko kung, registered daw ba. Although ayoko magmukhang aanga-anga, mas gusto kong malaman na lang ‘yong sinasabi niya kaysa oo ako ng oo.  Tinanong ko kung ano ang ibig niyang ipakahulugan. Tanong niya kung mahalaga raw ‘yong ipapapadala ko. Siempre, sabi ko oo.  Tanong naman nung nasa isang counter, bibigyan ba ng resibo? Sagot ako ulit, opo!  Naisip ko, siguro akala nitong dalawa, pinag-uutusan ako nina Ati at Koya, pwede nga ring akala nila isa akong ignoranteng high school student (buhahaha, ‘di pa talaga college no).

Pagkatapos kiluhin, ay sinabi sa akin ang presyo. Tas binigyan na ako ng selyo. Dami rin ha, pwede ko ng gawing scrapbook ‘yong 2 long brown envelopes. Iyon ang masayang part, dikitan ng stamp. May tubig naman doon, kaya hindi ko na kailangan lawayan isa-isa yung maraming selyo.  Hehehe.  Pagkatapos nun sinurender ko na sa isang counter, the end.

Nung  palakad na ako palayo, hindi ko mapigiln na lingunin ulit ang post office. Nag-aalangan akong kunan ng litrato sa cp kong yong lugar kasi may mga guwardiya sa katabing office nun. Tuksuhin pa ako. Pero, naisip ko mabuti na lang hindi na. Kung ano man ang aking nakita ay may rason ang mahalaga ay murang-mura pa rin ang kanilang singil at alam ko na garantisado ang kalidad ng kanilang serbisyo. Sana lang ay hindi mamatay ang kanilang serbisyo at maging ng iba pang post office sa bansa.    miss ko na rin yong kartero sa amin before, san na kaya siya?  Lagi namin inaalok ng tubig yon eh.

Advertisements

13 thoughts on “post office

  1. Marami pa rin naman talaga ang nagpapadala ng snail mails iyon nga lang siguradong kumonti na dahil sa Internet. Iyong dating mag-penpal baka textmates na ngayon. hehe

  2. hello VF!

    hmmm. wala na akong nakikita e na rcpi. one time na mai-feature yun parang palugi o pasara na rin.

    eh bat ka nga naman magtitipid pa sa mga words… eh sa text nga pati sa letters tipid na rin ang pgkktyp

  3. HI blurosebluguy! welcome to hoshilandia!

    oo, sa pagkakaalam ko 2004 pa ata ako huling napadpad doon, bago kahapon. well sana lang, wag naman mamatay uyng negosyo na yan.

    kasi may mga bagay na masarap pa ring damhin. kapag nagbabasa ng isinulat na sulat. dava!

    mabuhay! sige visit ako sa blog.

  4. ay basta ako kahit na nagboblog e halos parati pa rin akong may sulat sa koryo, hehehe

    sarap yata magpadala ng postcards, panginggit, hehehe

  5. hello erhardconsulting! welcome sa hoshilandia!

    mabuti naman at tuloy-tuloy ang paghulog ng iyong mga postcards… teka ano ang blogsite mo?

    mabuhay!

    1. hi mel and thanks sa iyong pag-visit!

      hndi ko masbi kung saan, kasi siempre depende yan kung saan ka malapit. pero usually may post office sa mga cityhall kaya try mo na rin doon. mas mahal siempre ang international at ang presyo nun ay ibabase sa bigat, destinasyon, at kabilis ang gusto mo for ur letter.

      hindi mo na kailangan ng I.D. pero kung sobrang importante nyang letter mo. dala ka na rin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s