nakakabinging himutok

sino bang ayaw na makatulong at sino rin ba ang walang dinadalang problema?bksg0016

madalas kahit na may dinadamdam na sa puso at gumugulo sa isipan ay ipinapagamit pa rin natin ang ating tenga sa iba para naman kahit papaano ay makatulong tayo sa pasan-pasan nilang hinanakit.

maganda naman yun. madalas sa isang masinsinang kwentuhan ay mas masarap kausap ay iyong handang maglahad ng tunay na istorya at handa ring makinig sa iba. pwedeng maging inspirasyon o hamon ang mga tinuran ng iyong kaharap kung tutuusin. ang siste, may mga abusado sa tenga ng iba. walang tigil na sa kakatalak, puro negatibong bagay pa ang lumalabas sa bunganga.

ilang ulit bang dapat sabihin ng tao ang kanyang problema para magtigil na siya? Kailangan pa bang balik-balikan ang nakaraan na ang hinatid lang ay pasakit sa iyong hinaharap? kaya bang matugunan ang suliranin sa pamamagitan ng puro salita pero wala namang aksyon?

ang babae o lalake na puro reklamo sa kanyang karelasyon, masarap sabihin na ” hoy, hiwalayan mo na nga kung ayaw mo!”

ang tao na balik ng balik sa kanyang nakaraan, na kahit bagong-bago isyu na ang pinag-uusapan ay talagang nakakahanap ng paraan para mapunta sa kanyang sarili ang atensyon. “sana mag-move on na ‘di ba!? wag mong pahirapan ang iyong sarili!”

sa indibidwal na puro reklamo sa buhay? “doon ka sa baranggay magpaliwanag! don’t spread your negative energy, Utang na loob!”

sa tao na hindi maubus-ubusan ng problema at nakikipagkompetensya sa palungkutan ng istorya… “ah e may issue rin kami, pwedeng pagbigyan mo naman ang iba! WALA KA SA LOLO KO!”

lahat tayo ay may mga pinagdadanan o may krus na pinapasan. mahirap talaga ang laging maging positibo, may ilan pinag-aaralan ‘yan habang ang iba ay likas ng masayahin sa buhay. kung hirap ka, pwes ‘wag kang mangdamay ng iba!”

Advertisements

24 thoughts on “nakakabinging himutok

  1. ganun talaga!
    maraming taong magaling magreklamo kaysa gumawa ng kabutihan!

    i have been a believer of what a friend told me.

    instead of complaining what you cant have and what you dont have, count your blessings instead!

    trust me, you will later learned that you are the luckiest person alive! πŸ˜€

  2. i agree with you geisha!

    dapat maisip ng mga tao na para maging positibo ang takbo ng buhay nila. mag-isip, gumawa, at magsalita sila ng positibo.

    at sana patahimikin nila ang iba…

  3. Sa ikauunlad ng bayan, discretion ang kailangan, di ba Aleng Jevs? Ops, Hitokiri pala.

    Teka, magkuento ako ng discreet and dicretion para hindi ka na maghimutok at di na puputok yang tuktok mo πŸ™‚ .

    Minsan nakita ng sekretarya na nakabukas ang zip ng boss. Trained to be discreet, ibinulong niya sa boss:

    “Your garage is open, Boss”

    The boss, trained to be receptive, naintidihan kaagad ang ibig sabihin ng seksitary. He discreetly zipped the unzipped.

    “Thank you Seksi. Nakita mo ba yung Hummer car?” nakangiti si Boss.

    “Oh no sir,” sagot ni Seksi. “But I saw a mini-cooper, piyot with flat rear tires!”

    πŸ™‚

  4. hi mike! thanks and welcome in hoshilandia!

    sorry i edit a part of your message, hope you understand. hoshilandia has “strict” rules and regulations too.

  5. mabuti ka ate kengkay! dapat imbes na sa pangit na side ay doon na lang sa maganda. kung may asar factor , tama na ang ibulalas ng isang beses. nakakarindi talaga!

  6. Napa-smile ako sa “mag-move on” na line, may iba akong naalala. hahaha Kakanta na lang ulit ako. :p

    Minsan kasi mas madaling makita iyong negative side kaysa sa positive. At the end of the day, desisyon ng tao na un kung saan siya papanig.

    If one person would always opt to be cynical and pessimistic, he’ll never be too happy in his life.

  7. cynical? di ba pampapayat yon? heheh..

    yes, i agree with you ms. manileng-leng. being negative is a choice. a choice na pwedeng maging positive sana.

  8. everyday we make choices in life….dahil na rin siguro ng maraming factor paiba-iba ang choice natin everyday..right! minsan gusto mong maging positive …pero ang mga outside factors pushes you to sulk…minsan naman nega ka…pero minsan may hangin na dadaan…at sasabihin mo na lang bigla sa iyong sarili….ngayong araw na ito babangon ako!..hahahahah minsan nakakatawa ang buhay natin di ba….basta ako isa lang…start the day with a smile…ito kasi libre.!!!!hhihihihihi…see my smile….

  9. yes, being negative or positive is a choice. actually, it’s understandable naman na maging negative especially if yung tao na yun ay nasa saddest moment of his life.

    ang punto lang ay yung ginagawang negatibo talaga ang kanilang pananaw sa buhay. kahit wala namang big factor para mag-push sa kanila. and reklamo ng reklamo pero wala namang ginagawa.

  10. hehe
    panalo yun opening statement natin, ha
    este di pala statement – question pala
    hehe

    hindi ako mahilig magreklamo
    kaya ayaw kong makarinig din ng mga nagrereklamo
    hehe

  11. eh parang nagrereklamo ka na rin eh… hehehe.

    dapat ikalat mong pag-uugali na yan… para mabawasan ang poverty, grassroots or marginalized, graft and corruptions, at magkaroon ng world peace. hehehe

    sinu-sino nga ba ulit, kinaiimbiyernahan mong chikas? nge-nge-nge-nge-nge peace tayo!

  12. “yesterday is a history, tomorrow is a mystery and today is a gift, that’s why it’s called present” — master Oogway (kungfoo Panda)

    All negative things have positive effects… – Dudong

  13. naks… lulusot ka pa eh…

    kung may reklamo ka, kina Tulfo ka lumapit.

    kung payong malupit kay ate jevs. hehhee

    pero sige, punta na ako… malakas ka sa akin eh. buhehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s