Dahil sa article tungkol sa pagiging single ni Carmi Martin’(pep.ph) na-inspire akong mag-share ng paniniwala ko bilang single. Dahil una sa lahat single ako.
I don’t know when nag-umpisa pero yung huli na tinukso ako na bat hindi pa ako nag-aasawa ay yung matandang driver ng taxi na sinakyan ko. Well may lagi akong sagot dyan, “mamaya na (o bukas) maaga pa e (o gabi na).” In fairness, napapangiti ko yung mga pala-tanong.
Impokrita ako kung sasabihin ko na hindi ako naghihintay o naghahanap ng special someone. Pero talagang passive ako sa issue ng love and commitment. Basta ang sa akin ay i-develop na lang ang aking relasyon sa aking pamilya, kaibigan at komunidad. Then siempre yung karera at ang aking well-being. For me ang relasyon ay hindi gaya ng pag-a-apply sa iba’t ibang kompanya at napakadaling magpasa ng resignation letter. Takot akong masaktan? Siguro nga! Pero mas takot akong makasakit.
Ngayon, hindi naman tama na sabihin na hindi masaya ang maging single porke’t walang love life. Ang kasiyahan ay nasa pagkatao at pananaw sa buhay. May asawa ka man o wala, kung talagang malulungkutin- malungkot nga ang buhay mo. At hindi naman puwedeng ikumpara ng iba na masaya ang mag-bf o gf dahil masaya sila. Bakit lahat ba ng lalaki o babae magkakatulad? Sige test natin, maghiraman tayo ng syota.
For me, isang interesting na journey ang pagiging single. Kaya mong i-maximize yung individuality mo and i-push ang iyong limitation on your own. Mata-try mo yung mga posible mong gawin na hindi mo magagawa na once na may asawa ka na or magkaanak. Hindi ko sinasabi na malungkot ang magpamilya ha! ibang kasiyahan meron dun.
I don’t know kung ano life ko kung what if may asawa na ako ngayon, pero sa sitwasyon ko- okay ako, suave lang. Ini-earn ko kung ano ang pinaghirapan ko at ini-enjoy ‘yong opportunities na available. Hindi ko na napi-feel na cute na cute ako gaya nung teenager ako but mas fun and free ako ngayon.
Pana-panahon naman ‘yan ‘di ba. Pag bata ka, follow them. Kapag teenager or student may liberty pero limited (puwedeng dahil sa baon). Pag may work ka, go! May resources ka na e. Masuerte ka na nga lang, kung may partner kang sasakay sa sarili mong trip.
To be honest, hindi ako naniniwala sa prince charming o sa partner nakasalalay ang lahat ng kaligayahan. Gusto ko ang mga babaeng hindi nag-i-stay sa shadow ng lalaki at nile-let go yung mga pinaghirapan at pinangarap nila. Kasi at the end of the day, kahit masaya ang paligid mo kung sa sarili mo bilang single individual ay nadadama mong hindi mo na-fulfill yung trip mo. Maghuhumiyaw pa rin yan at mapu-frustrate ka.