Changes: Blog Life Contest

why are you blogging? Damhin ang presensya ng keyboard, alalahanin ang silbi mo sa likod ng iyong monitor at ano ka sa mundo ng blogosphere o cyberworld.

dahil sa hectic sched ko offline hindi ko maasikaso bigla ang contest na ito. Hindi ko ma-promote at hindi ko rin ma-analyze pa ang mga kabagayan.  Pero base sa mga nakaraang comment. i think, kailangan ng konting pagbabago.  pero ganun pa rin ang aim ng contest

Damhin ang presensya ng keyboard, alalahanin ang silbi mo sa likod ng iyong monitor at  ano ka sa mundo ng blogosphere o cyberworld.

  • Writing. Pa-explain in less than 500 words. Bakit nga ba ako nagba-Blog? (Why Am I Blogging?) Bahala ka na sa title o kung lalagyan mo ng pix o video. Mas creative ang post mo sa iyong blog, mas cool. Palagay na lang sa ilalim na “ang post na ito ay sagot sa Hoshi’s Blog Life Contest” ng kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com
  • Share ang iyong entry sa akin by liking my facebook fan page at pag-follow sa Twitter (@hitokirihoshi) Dun mo na post ang iyong link with hash tag #hitokirihoshi #hoshilandia
  • Criteria. Mas masaya siempre  kung isi-share mo ang iyong entry at magiging happy ako kung mangolekta ka ng likes, pero ang pagpili sa winner ay base sa nadadama ng sincerity, relevance at promise nito sa masaya at matinong pagba-blog.
  • Duration. Ang pagsali sa contest ay mula January 12 (my birthday) to February 28 (date na sana may date ako) at ang winner ay makikilala sa March 2 (ilang araw ng sweldo na sana mayroon ako).
  • Winner. Siya ay magkakamit ng 2 first session Candela Laser (hair removal that eliminates unwanted hair permanently) sa Shinagawa Lasik & Aesthetics, OPM record album (to follow ang title) courtesy ofVerJube Photographics, 2 LoadXtreme retailer cards courtesy of Ah Jane BussanPhp 300 Discount Voucher  sa Lazada Philippines  at accessory mula sa Gawanifemi. Ang mga price ay hindi convertible sa cash.

 Ang mananalo at ang kanyang entry ay ipi-feature sa Hoshilandia.comlandscape-logo-brush-stroke.png

Para sa iba pang tanong?  O pagkaklaro. Comment na lang sa comment box, i-tweet ako sa Twitter (@hitokirihoshi) , mag-iwan ng mensahe sa aking fan page (https://www.facebook.com/hoshilandia) o mag-email sa hitokirihoshi@gmail.com.

Masaya ba ang blogging?

Nitong October 3 ay limang taon na ang Kwento’t Paniniwala ni Hitokirihoshi.  Bago ito dumating ang dami kong naisip na pakulo gusto ko maging bongga naman dahil biruin mo nakakalahating dekada na ako sa pagba-blog sa una kong site.  Pero hindi ko rin nagawa kasi abala ako sa aking offline life ( na of course mas importante pa rin sa buhay ko at sa buhay nating lahat).

Kamakailan lang ay may nagtanong sa akin kung masaya ba ang blogging (Hello Grace!). Medyo natagalan ako sumagot, hindi dahil nablangko kundi ” mahirap sagutin ‘yan kasi passion ko ang blogging.”  Sa una hindi, pero nung nagtagal ay naging part na ito ng lifestyle ko.

Outlet to express yourself

Lahat ng tao ay pinapayuhan na ilabas ang saloobin. Ang kati-kati sa dila ‘pag may gusto kang sabihin na masaya o malungkot pero hindi mo magawa.  Puwede mo rin sabihin pero parang hindi ka naman pinakikinggan. Puwede ring pakikinggan ka pero alam mong hindi naman interesado ang kausap mo. Sa Blogging, walang limitadong espasyo. Walang editor or advertiser na magdidikta sa iyo na hanggang d’yan lang ang word count at characters na puwede mong isulat. O kung hindi man kahiyaan ay hindi ka pipilitin na magsalita sa lengguwahe na hindi mo naman talaga gamay. Malaya kang magpahayag ng iyong pananaw at ng iyong emosyon.

At tiyak na may mga taong  babasa sa iyong post lalo na kung ito ay malaman, may katuturan at  makatotohanan.

Rediscovering yourself

Kapag matagal  ka nang nagsusulat at may nababasa ka ring kapwa mo bloggers, you can’t help but to analyse yourself against them, intentionally or not. Hindi  ito usapang inggitan kundi isang realization sa iyong craft at pagkatao. Hanggang dito ka na lang ba? May gusto ka pa bang gawin? Paano ba  mas magiging buhay ang aking blog? Paano ko mapapataas ang aking Google page rank or Alexa ranking? Sali kaya ako sa Saranggola Blog Awards, PEBA o Philippine Blog Awards?

Hindi mo makikita ang kabilang panig kung hindi ka magbubukas ng bintana. Hindi ka makakatawid sa kabilang daan kung hindi ka gagamit ng tulay. Gamitin mo ang blogging para matulungan mo ang sa sarili mo na mahanap ang gusto mo. Tiyak na rito ay maraming bagay kang matutuhan na minsan ay hindi mo inaakalang gusto mo pala.

You are not alone

Puwedeng mababa ang blog hits mo, bibihira ang nagko-c0mment sa iyo pero definitely you are not alone sa blogworld. Ilan na ba rito ang nagsabi sa akin na “nakaka-relate ako sa iyo Hoshi.”  Hindi ko sila ka-edad, hindi kami pare-pareho ng estado sa buhay at  malamang kanya-kanya kami ng ganda (ano pa?) pero madadama mong sincere ang kanilang comment. May iba rin kasi sadyang nagbabasa lang nahuhuli mo na lang kung saan nanggagaling na site, saang bansa at anong keywords ka na-search (weird nga minsan e).

parang maka-blue pa ko d2 hehe

You’re interacting with human

Funny sabi sa isang web tool na ginagamit ko, ang baba raw ng rate ng mga lalaking na bumisita sa site ko especially sa Hoshilandia.com. Paano kaya ‘yon eh puro lalaki ang nagko-comment dun at  majority rin dito? Hind naman din panlalake ang mga blogposts ko? Pero whatever gender, status, at cheverlou-  you know tao ang kausap mo.  Ako ang saya-saya ko ‘pag may nakakausap akong interesante o kahit hindi, basta pareho kaming into blogging.

Nakakabasa ka ng naiibang kuwento,  istoryang totoo at karanasan na maaari mong kapulutan ng aral.

Lots of possibilities/opportunities

Yes I believe that there’s money in blogging or shall we say blog monetization… (teka lang magpapahid lang ako ng blood sa aking nose ). Puwede ka ring makatanggap ng advertisement proposal at makatanggap ng invitations as a simple blogger.

star kumot

Believe pa lang din kasi  hindi ko pa naman masyado nae-experience nyahahaha.  Pero seryoso mayroon naman kahit papaano pero ayoko sya i-discuss sa post na ito.  I think  ang greatest possibility or opportunity na magagawa ng blogging sa iyo ay personality development kung magpapaagos ka sa positive effect nito.

Ilang blog events ba ang nagbubukas sa isang taon, ilang organisasyon ang nagbibigay ng  slots para sa mga bloggers at kung anu-ano pa. Ilan na rin ang nakadaupang palad ko because of blogging kung nakaka-inspire yon.  hehehe. Iilan na lang din ang tumitingin ng mabababa sa isang blogger. Hindi ka na lang basta-basta kung pagyayamamin at magiging masaya ka sa gawain na ito. kaya?

Happy Blogging!

The Bus!!!!!

Kahit ano sinasakyan ko pa-puntang work pero isa lang ang choice kong sakyan pauwi at dahil dyan ito ang sunod na kuwento….

  •  Malubha na ito

Love na love ng mga Pinoy ang pagpapaiksi ng mga salita. Okay naman siya depende sa sitwasyon. Pero parang weird lang pag lugar na ang pinag-uusapan

Kong, Doktor: San ‘to ( habang piniplip na ang pera sa kanyang mga daliri)

Binata, Pasaherong: Malaria (Caloocan via Commonwealth Ave.,) boss!

Kong Doktor: Galing?

Binata, Pasaherong: Kidney (or National Kidney Transplant Institute na hospital sa East Ave., at kahilera rin ng Lung Center of The Philippines at Heart Center)

Hoshi:  (na kanina ay nakatulala) whoooh!

  • Sizzling Hot

Nakaka-tense din ang maka-witness ng mga eksenang sagutan sa loob ng bus. Pero ito, nakakawindang nang tunay…

Galit na galit si Ale dahil ang layo-layo ng pinagbabaan sa kanya ng driver. Tinatalakan nya talaga ng kondoktor at ang driver sa unahan.

Ale: Kanina pa ako para ng para hindi ka humihinto.

Driver: Misis hindi  ko po kayo puwedeng ibaba dun dahil may nanghuhuli

Ale: (tatatatatatattttt)

Hoshi: (nakatingin lang ng parang nanood ng sine nasa bandang unahan kasi)

Tindero: Ahhhh Mainiiiiit ng Mani! Mani kayo dyan, ahhh maniiii!

Hoshi: Sakto  ang banat, mainit nga!!!!

  • Sinong mas mayaman?

Nagkukuwentuhan kami ng isa kong ka-opisina nang sumabat ang kondoktor…

Officemate: mahal na ng pamasahe ngayon.

Hoshi: hoho nga

Kondoktor: buti nga kayo nag-oopisina

Officemate: ikaw nga laging may dalang pera sa kamay e.

Kondoktor : kayo walong oras lang pasok, kami mag-hapon.

Hoshi: kayo nga libre pamasahe e, balik-balik pa

(Hayun balik sa may pintuan si kuya).

When there’s sonata…

May iba’t ibang musika depende sa trip ng bawat tao – may metal, ballad, pop, jazz, standard etc. at asahan na may susulpot pang bagong uri nito.  ako nga ‘di ko alam dati na may bossa at standard pa pala. Basta ang alam ko, ayoko nakakarinig ng masyadong mabagal/malungkot o maingay na song kasi nalulungkot at naiingayan din ako.

Kadalasan ay nahahati sa lima hanggang pitong kategorya ang aking playlists gaya ng OPM, Oldies, Danceable song, English songs (usually love songs), loud or rock, foreign songs (as in Spanish, French, Taiwanese, Japanese and Korean) at inspirational songs (including Christian songs). Minsan may hinihiwalay ako na puro mga instrumental. Pampakalma lang like yung kina Bach, Beethoven, Maxim and theme songs ng Harry Potter, Twilight Zone and of course yung sa Winter Sonata.

Subalit ang gusto kong ibahagi ngayon ay ang mga awitin na nakapagbibigay sa akin ng inspirasyon. Yung tipong pakikinggan ko kapag nalulungkot ako, pinanghihinaan ng loob, at kung gusto kong mangarap o magtagumpay.  In no particular order, ito na ang mga songs na part ng aking playlist na either pinamamagatan kong “mind & “soul or “winspirazion.”

Ito ang kanta para sa mga nanliliit sa sarili at gustong patunayan ang kanyang kakayahan sa mundo na kung saan ang akala niya’y mahirap pasukin o baguhin.

  • Beautiful by Christina Aguilera

Well hindi naman ito para lang sa napapangitan sa karakas niya kundi para sa mga taong napi-pressure sa dinidikta ng ibang tao sa kanya. Maniwala ka lang na may abilidad, talento at sarili kang ganda na hindi pwedeng balewalain.  Gusto ko rin yung kanta ni Christina na “Fighter”, “Turn to you” and “Voice Within.”

Ito ang kanta na dahilan bat ako napasulat ng ganitong entry. Gusto ko sana ilagay sa panel kaso di ko magawa. Di daw kaya ng wordpress ang music code na may java sabi ng aking blog mentor.

Anyway,  ang kantang ito ay pwede sa mga kabataan at kahit theme song dun sa “Ako Mismo “at “Ako ang Simula.” Pakinggan na lang bat k nasabi.

  • A New Day Has Come and That’s the way it is By Celine Dion – ang maganda sa mga kantang ito ay ipinapadama ng mga ito na kailangan ng pagtanggap ng realiad at saka mo sabayan ang pag-inog nito. darating din ang pagkakataon mo para makabuwelo.

Well astig lang ni Celine nakatungtong talaga sa alapaap ha!

Honestly hindi ko pa napapanood ang Polar Express pero nagustuhan ko ang kantang ito. parang imbes na pagbigyan mo na pasukin ng negtibong elemento ang iyong isipan bat hindi mo muna i-enjoy ang life at hayaan ang sarili mo na mangarap.

Pwede siya para sa magsing-irog pero maaari ringi-interpret  na ang need natin ay SIYA.  Kailagan natin siya gaya ng water, hangin o ano pa man.

Hindi ko pa rin napapanood yung animated film kung saan theme song ito. pero every time na napapakinggan ito parang nadidiligan ang aking faith na kaya  ko maniwala sa imposible o himala.

Okay na rin yung mga kanta ni Mariah like yung “They Can’t Take That Away from Me” at “Through The Rain.”

Alam nyo kung ‘di pa naging winning piece ito ni Mau Marcelo (Philippine Idol ng TV5) baka di ko na-discover kung gaano kaganda ang kantang ito.  hmmm… tingin ko ay para ito sa mga babaeng nawalan ng identity dahil sa sobrang pagmamahal at gustong hanapin ang kanilang sarili. Ngayon kung gusto niyo banayad lang pero sing mensahe rin doon na kayo kay Karen Carpenter.  Pakinggan ninyo ang “Love Me For What I Am.”

  • Journey by Angela Zhang

Kung napanood mo na ang Taiwanese series na “at the Dolphin Bay” malamang ay aware ka sa kantang ito.  Noong una akala ko para lang siya sa paglalakbay mo para sa iyong pangarap pero na-realize ko na about siya sa pagbabalik loob sa Dios.  By the way ni-revive ito ni Aiza Seguerra sa kanyang international album.  maganda rin naman.

Gustong –gusto ko makagawa ng pictorial or music video about dito.  Kasi naniniwala ako na anuman ang ating relihiyon at sino man ang ating pinaniniwalaan, kailangan natin ng gabay para hindi tayo maligaw ng landas. Mahirap mamumuhay sa dilim ‘di ba?!

  • I see You Lord by Aiza Seguerra

Naku  talagang di nawawala at madalas nangunguna ito sa aking playlist  (well bukod kapag in-alphabetical).  Sobrang namo-move ang kantang ito na maghinay-hinay at damhin ang lahat ng pagpapalang natatanggap ko. Na ang presensya Niya ay nasa paligid din natin.

Marami pa siempreng laman yung playlist kong ito gaya yung kina Regine V., Don Moen,  Gary Valenciano, namayapang Michael Jackson, Tina Arena at iba pang local artists natin gaya nina Gary Granada (Kahit Konti at Balon), Butch Charvet (“Bilangin ang Bituin,” “Awit Para Kay Kleyr,” “Lumilipas kumukupas,” “Aasa pa rin,” “Nasaan Kaya Ako,” Hukom,” at “Tupang Ligaw.”)

Wahhh ito ang ilang kanta ni Butch… I’m glad meron na sa Youtube.

original version:

Head to Toe presents “Bad Trip”

Head To Toe by Ate Jevz Ikling-Jaba

  Dear Ate Jevz

Hello po Ate Jevs, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan kapag nabasa ninyo ang aking liham. Hindi ko po akalain na pati ako ay susulat sa inyo dahil sa aking karanasan at problema.

Kahapon lamang ay talagang literal na bad trip ang aking biyahe, papunta’t pabalik sa aming bahay. Kapag papasok po ako sa opisina, sumasakay ako sa FX para kumportable at hindi na ako lalakad.  Dumadaan po kasi mismo sa harapan ng aming building yung mga FX na sinasakyan ko.

Kahapon ng umaga, nagkataon na sa unahan ako napaupo. Kung tutuusin isa yun sa magandang puwesto pero hindi ko yun naramdaman. Ganito po kasi, ugali ko ang matulog na lang sa biyahe kaysa tumingin sa mga kapwa ko pasahero. Minsan kahit hindi naman ako inaantok, pinipikit ko na lang mata ko.

Itong babaeng nakatabi ko ay payat naman di hamak sa akin kaya ako na ang nag-adjust dahil nakakahiya naman sa kanya at baka ukupado ng rich behind ko ang aming inupuan. Feeling jackpot naman ako dahil naabot ng aking ulo iyong sandalan.  so feeling ko ulit okay na ang lahat, medyo naiidlip na nga ako, aba itong katabi ko, panay ang kislot. As in hindi mo siya pwedeng ipagwalang bahala.

So ako although, nakapikit  pa rin ang eyes I tried my best na umusog pa, although feel ko na rin yung cambio nung fx. Aba, etong babaeng ito wala pa ring tigil, so dumilat na ako  malapit sa medical city.

Tiningnan ko yung babae, walang hiya! Natutulog din pala, malikot lang. sumasandal-sandal pa sa akin.

Nung uwian naman po ay sumakay ako sa bus, kasama ang bago kong ka-opisina.  Dahil wala ng maupuan dun na kami sa  pinakadulo naupo. Sa totoo lang, may phobia na ako sa pag-upo sa  parteng yun dahil may masilumuot na akong karanasan dun pero dahil may kasama naman ako kaya carry lang.

Maya-maya may nakitang kakilala ang ka-opisina ko at doon niya pinaupo sa tabi niya. Tas maya-maya pa ulit may umupo naman na  Mama sa tabi ko. Napansin ko na lang panay ang kampay ng binti niya sa binti ko. Siempre deadma muna ako sa umpisa nakikiramdam. Baka naman kasi nangangati yung binti niya o ‘di kaya ay nasisikipan siya at naiipit yung “twit twit” niya.

Nung as in panay na, pumadyak ako. hindi pa rin siya tumigil, nagsabi naman ako na “ nasisikipan po ba kayo?”  ang kaso ang umusog e, yung ka-opisina ko.

 

The whole time madaldal naman kami, kung matino yung mama alam niyang pinag-uusapan naming nung ka-opisina ko pati na yung kaibigan niya na kung saan kami nagwo-work, hindi pa siya ninikawan ng ulirat nun. 

 

Gusto ko ng patulan, kung baga kukuha lang sana ako ng back up sa kasama ko, kaso ayaw ata ng gulo. So nung nakakita ako nung bumaba sa may unahan, kumaripas ako ng   lakad papunta doon.

Siempre feel ko harassment yun pero pumasok din sa kokote ko baka style niya lang yun para lumayas ako sa tabi niya dahil nasisikipan siya. Pero tingin ko pang waluhan yun eh anim lang kami nandoon, kahit na ba may dalawang mataba dun, imposibleng  kasikipan at naiipit lang yung twit twit niya kaya panay ang kampay ng binti niya.

 

Nakakainis po talaga, dahil gusto ko lang ay matiwasay na viaje taz gaganunin ka. Yung sa babae nakakapika pero  mapapagpasensyahan ko pa  yung sa lalaki talaga ang nakaka-bad trip.

Actually, hindi ito ang first time na feeling ko na na-harass ako, may ilang beses na rin.

Siguro mula ng mag-work ako ditto sa ortigas, may tatlong beses na rin at lahat sa bus.

 

Una yung, lalaki kunwari tulog pero yung kamay lumalakbay  malapit sa hita ko.  Nilabasan  ko nga ng pamatay kong patalim .14 o katorse (yung sa nail cutter), pinagsabihan at ito ang matindi pag baba ko pinasabugan (pohhhhh) ko siya hahaha!!!

 

Pangalawa yung matindi, as in yun ang dahilan bat ayaw ko ng pumuwesto sa likod.  In your face naglalakbay yung kamay ng lalaki sa bandang tiyan ko. Timang, ata eh, ako hindi ko ma-appreciate yung  bel-belly ko siya natatakam.   Tinignan ko siya ng matalim, eh iba yung reaction niya kakaiba. Binelatan ako, “pusang ina!!!”  baliw ang “tostado.”

 

Nakakaasar po talaga ate Jevz, nakakabastos na talaga. Bad trip!!!

 

Banas na banas,

Conchita Macaspac

  Reply: 

Dear Cochi,

Tnx sa pgsulat u sa column me!

 

Azar tlga ang mga eksenang ganyan,  but if I wer u kung grl lang eh, patient k n lng. E kung sa mrt n nga lng siksikan dun pero w care ang mga babes.

 

Sa guys ka mag-churva… pg my chnce cla 2 attack all out ang mga hitad. Jst b brave and ipaglbn ang ung ryt. Wag k n lng umupo sa pinaka-bck ng bus ksi mrami ngang mga toasted (Tustado) dun at motherly cat(pusang ina)!

 

Tc and Gbu!

 Ate Jevs