my bedtime discoveries

Yeah- yeah malapit na ang Valentine’s Day. Ang nakakatawa nito ay imbes na punuin ko ang aking imahinasyon na ma-meet si Mr. Hoshi ko sa pamamagitan ng pag-attend sana sa kasal ng pinsan ko last Saturday ay mas inuna ko pang inalam kung paano ba ang maging maalagang ina.

Nagpunta kasi kami ng aking blog mentor na si Avi sa Japan room ng Ascott building para maki-join sa Johnson’s baby Bedtime Discoveries. Actually, dahil majority ng mga participants ay mga mommies dapat ay ma-feel naming ma-outplace pero hindi e. Na-enjoy ko ang very informative discussion doon dahil kahit wala pang anak, lahat naman tayo ay napapaligiran ng mga cute na cute na mga bata. Sa ngayon nga ay may mga pamangkin pa akong may edad na 5 months to six years old. At ilan doon ay personal kong naalagaan before.

“The Importance of Sleep in Infants” ang pinakatinalakay sa event na ipinaliwanag naman ni Dr. Luis F. Rivera, MD DPPS,FPPSM, Pediatrics – Pediatric Pulmonologist mula sa Makati Medical Center Asian Hospital and Medical Center Philippines. Bahagi rin siya ng Philippine Society of Sleep Medicine.  Sa pamamagitan n’ya ay naintindihan ko ng husto ang kahalagahan ng pagtulog, lalong-lalo na sa mga bata. Naisip ko tuloy na kaya pala ako medyo tuliro ay dahil lagi akong nagpupuyat. Hehehe

Anyway, ayon sa kanya

  • Babies don’t sleep as deeply as adults do
  • Babies take longer to go to sleep and have vulnerable periods for night waking
  • They have twice as much active, or light, sleep as adults
Johnson's Sleep Study
Johnson's Sleep Study

Kung tutuusin ay hindi lamang tungkol sa kanilang kalusugan ang kino-consider kapag tulugan portion na, kundi maging ng mga mommies, daddies, at kung sino man ang nagbabantay sa mga babies. Eh teka bakit ba kailangang “magmeme na?

“Sleep is important for the development and function of

  • Growth
  • Immune system
  • Learning and memory
  • Health of cardiovascular system
  • Hormonal Function –Insulin resistance
  • Body metabolism

Kailangan din nating i-note na habang tulog ang mga tsikiting ay tatlong beses na mas maraming growth hormones naipo-produce sa kanilang  katawan kumpara ‘pag sila ay gising. Interesante ring malaman na habang dumi-dream sina bebe ay nagbi-burn na sila ng fats, napapalakas ang kanilang ligaments and tendons at nai—enhance pa ang kanilang protein synthesis.

what is enough typical sleep requirements for children?
what is enough typical sleep requirements for children?

Gaya ng mga adults, mas mabilis silang ma-badtrip este magkaroon ng mood and behavioral disorder. At siempre kapag wala sa tamang wisyo, apektado ang kanilang physical, emotional, cognitive and social development.

Oh eh puwedeng sabihin na cute naman si baby at nako-conceal naman ng kanyang pagiging bibo ang kanyang antok o sabihin na nating parang kumpleto naman ang kanyang tulog. Puwes…

Ang habitual snoring; snorting, gasping; increased respiratory effort, bed trashing, restless sleep;  and unusual or bizarre sleep positions, ay proof na hindi solved ang kanyang pag-i-sleep. At para maging makakatotohanan ang pagbating “sweet dreams!” sa iyong baby girl or baby boy ang suggestion ng Johnson’s baby ay magkaroon ng bedtime routines

bedtime routine 1- a warm bath
bedtime routine 1- a warm bath

Step 1 – a warm bath / Step 2 – a soothing massage / Step 3 – serve quiet time

Ang mga ito ay napatunayan ng epektibo dahil dumaan na sa isang pag-aaral.

Wala pa akong balak na magka-anak o magpamilya sa ngayon, may takot din akong manganak. Pero ang makasama, ang mga mommies ay nagpa-feel sa akin ng what is the essence of being woman.

When you take care of your child, you are actually honing a healthy and productive citizen of the future. No doubt, ang pagiging ina ay napaka-fulfiling na bagay  from A to Zzzz. Nga pala, si Christine Bersola-Babao ang host sa event na manganganak na pala kinabukasan noon.

A bedtime discoveries