Singleness

Dahil sa article tungkol sa pagiging single ni Carmi Martin’(pep.ph) na-inspire akong mag-share ng paniniwala ko bilang single. Dahil una sa lahat single ako.

I don’t know when  nag-umpisa pero yung huli na tinukso ako na bat hindi pa ako nag-aasawa ay yung matandang driver ng taxi na sinakyan ko. Well may lagi akong sagot dyan, “mamaya na (o bukas) maaga pa e (o gabi na).” In fairness, napapangiti ko yung mga pala-tanong.

Impokrita ako kung sasabihin ko na hindi ako naghihintay o naghahanap ng special someone. Pero talagang passive ako sa issue ng love and commitment. Basta ang sa akin ay i-develop na lang ang aking relasyon sa aking pamilya, kaibigan at komunidad. Then siempre yung karera at ang aking well-being. For me ang relasyon ay hindi gaya ng pag-a-apply sa iba’t ibang kompanya at napakadaling magpasa ng resignation letter. Takot akong masaktan? Siguro nga! Pero mas takot akong makasakit.

Ngayon, hindi naman tama na sabihin na hindi masaya ang maging single porke’t walang love life. Ang kasiyahan ay nasa pagkatao at pananaw sa buhay. May asawa ka man o wala, kung talagang malulungkutin- malungkot nga ang buhay mo. At hindi naman puwedeng ikumpara ng iba na masaya ang mag-bf o gf dahil masaya sila. Bakit lahat ba ng lalaki o babae magkakatulad? Sige test natin, maghiraman tayo ng syota.

For me, isang interesting na journey ang pagiging single. Kaya mong i-maximize yung individuality mo and i-push ang iyong limitation on your own. Mata-try mo yung mga posible mong gawin na hindi mo magagawa na once na may asawa ka na or magkaanak. Hindi ko sinasabi na malungkot ang magpamilya ha!  ibang kasiyahan meron dun.

I don’t know kung ano life ko kung what if  may asawa na ako ngayon, pero sa sitwasyon ko- okay ako, suave lang. Ini-earn ko kung ano ang pinaghirapan ko at ini-enjoy ‘yong opportunities na available. Hindi ko na napi-feel na cute na cute ako gaya nung teenager ako but mas fun and free ako ngayon.

Pana-panahon naman ‘yan ‘di ba. Pag bata ka, follow them. Kapag teenager or student may liberty pero limited (puwedeng dahil sa baon). Pag may work ka, go! May resources ka na e. Masuerte ka na nga lang, kung may partner kang sasakay sa sarili mong trip.

To be honest, hindi ako naniniwala sa prince charming o sa partner nakasalalay ang lahat ng kaligayahan. Gusto ko ang mga babaeng hindi nag-i-stay sa shadow ng lalaki at nile-let go yung mga pinaghirapan at pinangarap nila. Kasi at the end of the day, kahit masaya ang paligid mo kung sa sarili mo bilang single individual ay nadadama mong hindi mo na-fulfill yung trip mo. Maghuhumiyaw pa rin yan at mapu-frustrate ka.

Advertisements

50 thoughts on “Singleness

  1. palitan sana tayo ng syota kaso wala ka namang syota.huwag na tuy!

    tama yung mga viewpoints mo,hoshi.never let go of your dream dahil lang na inlove ka.sa bandang huli kasi,hahabulin mo ulit yun at mayroon nang masasaktan.mas maswerte ka syempre kung makakakita ka ng taong mamahalin ka and still letting you follow the dreams na gusto mo.

    its nice to grow up with someone na laging susuporta sa gusto mo.

    goodluck sa lovelife.

    1. hmmm pag ang partner ko, hindi ko pa asawa di ba considered pa rin na single ako, technically? hehehe
      oo sa lahat ayoko na ikaw ang makapalitan ko ng syota. mahirap siguro kasi tingin ko ay matindi ka magmahal e.

      oo ang sarap ng feeling na sa hirap at ginhawa ng pagdiscover mo sa mga bagay-bagay ay may kasama ka. oha-oha!

      1. hala, wag ka na magtampo!

        saka tanong yung sinabi ko hindi fact.

        hindi talaga ako makakapagpalitan, dahil wala akong maipagpapalitan.
        pero same pa rin yung pov ko na hindi ako makikipagpalitan sa ‘yo.

        hehehe, mahirap sa sulat pa lang malalim ka na e. para akong maya na bumangga sa glass window. hehehe

  2. hoshi ang galing ng mga pagakakasabi mo
    yan ang babaeng single may paninidigan

    pwede ka din sumagot na bakit single ka pa? kasi wala akong side car, anyeyeyeye

    kidding aside you have your own reasons and i do believe you are really happy sa status mo and being happy doesn’t follow that you have special someon, added factor na lang yun kumbaga.

    mabuhay tayong mga single!
    magdiwang!

    1. thank you pong! nakakatuwa ang comment mo at nakaka-uplift ng spirit.

      bakit? basically, wala pang kumatok na kaya kong pagbuksan. and wala akong lakas ng loob para lumabas at maghanap. i dont think naman mataas ang standard ko, gusto ko lang ma-feel na yung special someone ko ay puwede ring kaibigan at okay kahit dun s mga nakakaka-turn off kung side. (wahahaha emo na to!). madalas kasi may mag-a-admire sa yo pero gusto nila ibahin ka. (di puwede sa akin yun, ipinapatumba ko. lol!).

      yeah i think okay naman ako. though siempre may mga dreams pa. and it takes time and courage para maging ganito di ba.

      yeah mabuhay ang mga single! fiesta!!!!

  3. SINGLE HOOD is by choice!

    Bakit mo ipipilit ang isang bagay gayun alam mo sa sarili mo na hindi ka handa di ba… U’re quite right, mas mabuti na maging single kesa makasakit ka… Definitely it’ll be more hurting to see someone hurting coz of you…

  4. Sa pananakit naman sa kalooban taong karelasyon mo (maging ng mga taong malalapit sa iyo), ang masasabi ko lang ay nasa tao rin naman yun. Basta may conscious effort na wag gawin yun, maiiwasan naman yun eh. It’s a sad fact of life na kung sino pa yung mga malalapit sa’yo, sila pa yung madalas na nakakatikim ng pinakamasasaklap nating ugali.

  5. hindi ko maintindihan paki-explain pa!

    okay na yung first part, yung nasa effort namn ng tao yun na wag makasakit.

    hindi ko lang makuhakung saan mo hinugot yung kung sino pa ang malapit sa yo , yun pa ang nakakasakit.

    1. Ah. Yun kasi yung madalas nangyayari sa maraming tao – napansin ko lang. Kasi nga ang madalas na nasasaktan nila, yung mga taong malalapit sa kanila. Yung tipong mas mahalaga pa sa kanila yung sasabihin ng ibang tao kaysa sasabihin ng mga mahal nila sa buhay.

      1. ah gets ko na. hindi ko lang nakuha kasi labas sa point ko yung komento mo. pero tama ka naman dyan sa sinasabi mo. ang interpretasyon ko lang nung una sa sinabi mo ay kaya nakakasakit ng damdamin kasi tutal magkakilala na. wala ng hiya-hiya.

        yes, masakit nga yun para sa mga taong concern sa isang tao.

    1. ang tinutukoy mo bang mahal sa buhay ay gf or bf? medyo sumasama kasi sa utak ko yung family and friends pag ang term ay mahal sa buhay.

      oo mahirap yung sabihin mong mahal mo pero parang hanggang puso at isipan lang. walang aksyon. napanood ko yang point na yan sa “17 again. “hehehe

  6. Pareho, hindi lang sa BF/GF na relasyon, pero syempre nag-a-apply din yun doon. Andami kong nakikitang mag-asawa na mas maayos makitungo sa iba kaysa sa isa’t isa. Ang paniwala ko kasi, magalit na lahat sa’yo wag lang asawa / mahal mo sa buhay kasi sila kung makakasama mo ng matagal eh. People, even friends come and go, yung asawa / mahal mo sa buhay, ‘di mo na sila maiaalis sa buhay mo. Unless gago ka, pero in that case, wala kang paglalagyan o paglulugaran buong buhay mo.

    1. oh huwag kang magalit, hindi naman ako kumokontra e. hehehe

      sa akin ang ultimate ay magulang, pangalawa ang anak, pangatlo ang asawa. pero ang ultimate sa lahat ay buong pamilya. yes, sana ma-realize ng ibang dyomo-jowa o sumo-syota yag napakahusay mong opinyon.

  7. natuwa ako sa iyong post at sa mga talakayan…
    singleness. sa tingin ko, hindi dapat magkaroon ng issue dito o kaya ay ipressure ang mga taong pinipiling maging single. it’s achoice.ang mahalaga, masaya ka sa iyong pinili.

    1. bongga ka cdy!
      actaully minsan ang isyu ay wala na sa mga single kundi doon sa mga naniniwalang ang dapat ang ultimate goal sa buhay ay makahanap ng partner at husgahan ang iba na loser pag walang karelasyon sa ganitong edad.

  8. Nabasa mo na ba ito? Gusto ko lang i-share.

    11 Reason ng mga Single:

    11. Destiny Addict – bahala na daw ang tadhana
    10. Perfectionist – gusto yatang maging jowa ay god/goddess
    9. Busy-Busyhan – sa school, work, etc.
    8. Friendship Theory – masaya na at secretly in love sa friend
    7. Born-To-Be-One – nahuhumaling sa idea ng single blessedness
    6. Happy-Go-Lucky – tikim tikim lang ang trip sa buhay
    5. Wrong Place – feeling eh nasa maling lugar
    4. Wrong Time – feeling may tamang panahon for love
    3. Rated PG – depende kay Mommy at Daddy
    2. Traumatic Experience – nasaktan minsan kaya ayaw na
    1. Ex to the Nth Power – kunwaring nakamove-on na pero si Ex pa rin ang gusto

    which one are you?

    1. yes nabasa ko na ito, salbehe!

      papasa na sigro sa no. 9 and no. 7. kaso hindi pa rin talaga.
      9. busy ako sa trabaho eh fact naman talaga yun e saka kailangan.
      7. komportable talaga ako sa pagiging single ko pero it doesn’t mean naman na ito na gusto ko for life. I still believe na may darating or mahahanap ako.

      heheh mabuhay! ikaw san ka? sagutin mo yan.

  9. nakakatuwa tong post mo at totoo ang mga sinabi mo.
    di lang naman special someone/partner ang makakapag-pasaya sa isang tao. marami pang ibang mga bagay na makakapagpa-saya sa atin, andyan ang pamilya at mga kaibigan natin. ang mga achievements din natin sa buhay nakadaragdag din ng kaligayahan.

    at ayoko din ng partner na babaguhin kung ano na ako dahil ayokong nagbabago para sa kahit na sino maliban sa sarili ko 🙂

    1. hi eoty natividad and welcome sa Hoshilandia Sr!

      salamat at nagustuhan mo itong post ko. yes, hindi natin masasabi ang talagang makakapagpaligaya sa tao. kung yung mga may-asawa nga eh naghahanap pa ng makakapagpasaya sa kanila. tayo pa kaya na eh open na open sa lahat ng opportunities.
      isang punto ko kasi ay kung single ka wag kang malungkot grab yung opportunities na sobrang available sa yo.
      mabuhay! balik-balik ka ha!

      1. hello din hitokirihoshi! tama, marami din naman kasing makakapag-pasaya sa 1 tao.
        ako, single din ako, pero di ako malungkot kasi maraming nagpapasaya sakin 🙂

        oo, babalik-balik ako, nice meeting you.

        ~eoty

  10. ahahah. 🙂 hoshi, tama naman eh, may choice talaga tayo. 😉
    ang pagiging single ay pagiging malaya, pagkakaroon ng desisyong hindi na kailangang isipin ang iba, at higit sa lahat, pag-claim ng iyong karapatan na humindi . hahah
    hindi nakasalalay kanino man ang kasiyahan natin kasi at the end of the day,hindi naman talaga ang ibang tao ang magpapasya kung naging masaya tayo sa buong araw o hindi. 🙂
    gandang araw hoshi! 🙂

  11. Nice article!
    Lahat ng bagay na parA sa isang Tao ay KusAng darating ng kahit wala sa Plano- deretso lang, tigil kung may humps,lakad uli-depende sa lubak kung babagal o bibilis!
    Enjoy the journey ng pagiging single! Para kung marating mo man ang distinasyon ng susunod na byahe-may asawa,hiwalay,nabalo,o naging matandang single?-at least di na sayang ang byahe kasi na enjoy mo ang byahe.
    God bless! Drive your own life and be driven with purpose…
    Wala lang! May ma I comment lng habang free dahil hinde na ako single…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s