The power of staring

Val and Porky

1. Pag napatingin ang lalake sa babae – iisipin n’ya crush siya ng lalake

kapag tinitigan na nang matagal – feeling n’ya pinagnanasaan na siya.

2. pag nagkatinginan ang dalawang lalake – akala nung isa nababading ‘yong isa

kapag nagkatitigan na sila –  feeling nila masama na makatingin, maya-maya away na.

3. kapag nagkatinginan at nakangiti – ngingiti ka rin dapat

kapag nagkatinginan at nginisi ang kilay (yung itinataas) – dapat ganun din ang gagawin mo

kapag nagkatitigan na – ganun dun ba dapat gawin mo?

Door for …

Katok..tok..tok..

Lintik, kailangan ba ito?

Mayroon kayang taong sasagot?

 

Katok..tok..tok…

Parang may nararamdaman ako

Pero hindi ako pinagbubuksan

 

Nagdadalawang-isip na ako ha!

Bat ba dapat kumatok

Bat ako dapat?

 

Desperado?

Parusa?

Wala talagang tao sa kabila?

 

Oh baka naman…

Ako dapat ang magbukas ng pinto

Hindi lang ako nakikinig

 

Kapani-paniwala ni Hitokirihoshi

Masaya ang pagkatiwalaan, ibig sabihin makatotohanan ka di ba? Pero ang paniwalaan pati ang malikot mong imahinasyon ay Day at Dong ibang level na ‘yon.

Scene 1.  Duguan center

Nagkakwentuhan kami ng isang friend. Sabi niya sa department duguan daw sila kasi bawal na ang mag-tagalog at magbabayad ng piso kapag nagkamali. Ang suggestion ko sa kanya, mag-“Yeah know” or “something like, you know” kapag nahihirapan na siya. Saka dapat yung pagkasabi niya noon with conviction, iyong tipong kapag nagpa-elaborate pa  ay magmumukhang walang alam ang kanyang kausap.

Natuwa’t natawa lang ako nung naikwento sa akin ng isa naming common friend na sinunod niya ako. Halos bawat sentence daw ni Harmony (di totoong pangalan)  ay laging may “you know!”

Scene 2.  Waiter ni Kuya

Mayroon akong kuya-kuyahan na laging natutuksong majunda na. Binigyan ko siya ng tip na para magmukha siyang bata tawagin niya lahat ng kuya at ate.

Ito na kumain kami sa isang sikat pizzahan at nang nag-order siya.

“KUYA ito sa akin at saka KUYA ito po…” si kuya tebO (binaligtad na pangalan). Windang kami kasi napakabata pa nung waiter. tawa kami ng tawa nang hindi na nagbalik yong waiter at nag-out na.  Sabi namin, baka nag-walk out kasi sumama ang loob nang tawagin ba naman niyang kuya eh para na niyang anak ‘yon. Wahahaha!

Scene 3. Tatay na siya

Bagong kakilala ko lang si Trina (di totoong pangalan) nang maitanong niya sa akin si Ramon (di totoong pangalan). Sabi niya may pamilya na raw ba si  lalaki. Tanong ko naman bakit niya itinanong. Sagot niya “ blah-blah-blah” (rason). Sagot ko ay oo, may dalawa siyang anak na nasa misis niya sa probinsiya. Nagkahiwalay sila ng misis niya noon tas kailan lang sila nagkabalikan. Kailangan niyang mag-sumikap sa buhay para matustusan yong dalawang anak nila.

Buti hindi chismosa si girl pero kinimkim talaga niya sa sarili niya na ganun talaga ang pinagdaanang buhay ni Ramon. Nagulat pa nga siya ng sinabi kong binibiro ko lang siya. (Kasi binatang-binata si Ramon at may gf lang). Dahil sa kwento ko raw na kapani-paniwala eh naintindihan pa naman daw niya sana kung  bakit laging mukhang haggard si Ramon.