Self-doubt: Paano balansehin ang pagiging humble at confident?

May mga  punto sa buhay ko na tinatanong ko rin  ang aking sarili kung  tama pa ba ang pagiging humble ko .  Iyon din kasi  ang  mga  panahon  na  ang pakiramdam ko ay  inaabuso ang  kabaitan ko. Kakaparaya ko ata ay parang may opportunity na para sa akin na napupunta sa iba.  Sa ibang banda, may time din na nag-aalinlangan ako kung  tama  pa ba  ang pagiging confident ko. Baka mukha naman akong mayabang na o nagyayabang na ba ako? So paano nga ba balansehin? Kailan mo masasabing tama na maging humble at confident?

Kailan ba ‘di okay ang  maging humble

It takes maturity, acceptance, maraming payo, mahabang pagbabasa, at art of deadma (ignore) para kahit papaano ay  mapagtanto ko ang bagay-bagay.

Naniniwala pa rin ako na malaking bagay kapag humble ka sa iyong ginagawa. Ang humility o pagpapakumbaba ay pagiging bukas sa kritisismo at payo, na nakakatulong para sa aking sariling pag-unlad.  Doon ko madalas in-associate ito pero kasama sa alam kong pagiging humble ay pakikisama sa kahit kanino. Hindi mo dapat tinitingnan ang isang tao dahil sa kanyang estado, edukasyon, anyo, at yaman.

Kaya naman kapag pina-practice ko ang pagiging humble ko, tapos hindi ibinabalik sa akin at bagkus parang masama pa ang dating ay apektado ako.  Buti na lang ay may  malupit na payo sa akin ang kuya ko na  tumatak sa kokote ko…

“Huwag mong ispikin (expect) na kung ano ang ginawa mo sa ibang tao ay ganun din ang gagawin nila sa iyo.

Sa bagay,  ang kabutihan ay hindi  palaging black and white sa lahat ng tao. Mayroon nagduda sa kabaitan ng iba, dahil sa  sarili nilang mga  karanasan at nakalakhang pananaw.  So kung ganun, puwedeng ang pagiging humble ko ay maaaring sign para sa iba na ako ay weak, balewala lang sa akin ang isang bagay kasi nag-give way ako, at oo, hindi kasi ako palaban.    May wrong signal din kung baga. Ayon sa  nabasa ko sa sinulat ni Mike MChargue sa  Relevant Magazine   minsan ay mali na rin ang  definition natin sa humility.

“Our quest for humility makes us pretend we don’t have strengths—to be ashamed of what we do well. Pretending you don’t have strengths leads to low self-worth, and it doesn’t actually help us be humble.”

So kapag binati ka na ang “galing- galing mo naman” o ang “guapo/ ganda mo,” sa halip na sabihin mo na  “hindi naman?!,” sabihin mo  radyo “maraming salamat.”  Hindi mo iyon hiningi, kusang ibinigay at pagrespeto sa  pagkilala nila sa iyong magandang katangian.

parish-of-the-holy-sacrifice-via-crucis.jpg
to be humble and confident is … (photo: a part of Via Crucis o Way of the Cross Parish of the Holy Sacrifice UP Diliman

Kailan ‘di cool ang maging confident?

Inalala ko ngayon kung nasabihan na ba akong mayabang (yung seryoso) kaso wala pa eh ( kinalimutan ko na siguro). Pero feeling ko imposible rin naman walang nag-isip noon, lalo na  “pasikat” o “akala mo kung sino.” Noong high school pa naman ay bibong  bata ako sa  mga  extracurricular activities. Pero alam mo mas kabado o naaawa ako ngayon sa mga taong  (esp. kabataan) tumatayo  para sa  kanilang pangarap.   Hindi  pa man buong-buo ang kanilang self-confident ay naba-bash na sa online world.  So kailangan  kapag sasali ka sa reality show,  maging youtuber, or whatever ay dapat may matindi kang wall.

Pero hindi naman ibig sabihin na kapag confident ka ay mayabang ka na agad. Nagkakatalo iyan sa kung talagang mayroon ka ng something o nagpapanggap ka lang. Kung ginagawa mo ang isang  bagay para sa tamang dahilan at hindi para angat ka lang sa karamihan.  Ayon nga sa Galatians 6: 3 -5 :

“If anyone thinks they are something when they are not, they deceive themselves.  Each one should test their own actions. Then they can take pride in themselves alone, without comparing themselves to someone else, for each one should carry their own load.  

Para sa akin,  ang hirap abutin ng isang pangarap,  bagay man ito o tao, kung wala  kang lakas ng  loob.   At para  magkaroon  ka  ng lakas ng  loob  kailangan mo ng sapat na kumpiyansa sa  sarili. Ang magandang isipin siguro  tungkol sa  confidence ay ito ay “faith in yourself.” Binigyan ka ng  Diyos ng gifts  at pagkakataon na gawin ang isang bagay, bakit  mo  hihindian dahil  lang sa  sinasabi  ng  iba? Ayon nga sa Romans 12:6-8:

“In his grace, God has given us different gifts for doing certain things well. So if God has given you the ability to prophesy, speak out with as much faith as God has given you. If your gift is serving others, serve them well. If you are a teacher, teach well. If your gift is to encourage others, be encouraging. If it is giving, give generously. If God has given you leadership ability, take the responsibility seriously. And if you have a gift for showing kindness to others, do it gladly.”

Mabuhay!

Ang Pinakakontrabida sa buhay mo

Magulang mo ba na ayaw kang pagbigyan sa mga gusto mo o iyong parang walang paki sa  iyo?

kaibigan na akala mo loyal True orange, yon pala plastic na walastik may straw pa.

teacher na kung manakot at manita akala mo hindi ka nagsusulat sa pader este notebook at nagbubulatlat ng magazine este libro?

kapit-bahay na walang ibang binantayan kundi ang chismis tungkol sa iyo?

mga kakilala na kung makahusga sa iyo eh akala naman talaga kilala ka.

Mga tao na pahara-hara sa daan kung kailan male-late ka na?

driver na kung humarorot wagas, maningil walang kupas? etcetera-etcetera

Mga kontrabida ng taon, hindi ba nila alam at pati na ikaw na ang pinakamahirap na kalaban ay…

ang sarili mo mismo!

bakit wala akong interes?

natanong mo na ba sa sarili mo kung bakit sila trip na trip iyong isang bagay pero ikaw deadma?

ako oo nagkainteres ako na malaman yon sa sarili ko at patuloy kong iniisip, why?

wala akong interes yumaman ng kasing yaman ng mga hari o business tycoon? –

wala kong interes na mag-asawa ng guapo, sobrang matalino at from powerful clan?

wala akong interes na magkakain ng mamahaling ice cream, kahit ice cream is 1 of my favorite foods?

wala akong interes na magpapasok sa boutique ng mga fashionable clothes na pambabae?

wala akong paki sa nagpapasikat sa akin na may ganito sila na wala ako

at bakit wala akong gana na alamin ang kamag-anak ng isang taong importante sa buhay ko?

in fairness nasagot ko naman yung iba pero, pero kahit may rason wala pa rin akong interes.

nasan si ako

isa sa magandang nabasa ko at napagtanto ay ang suruin mo rin ang sarili mo. hindi palaging nakatingin ka sa iba. nagbibigay ng kanilang pangangailangan gayong wala ka ng maibigay o ikaw ay unti-unti ng nauupos.

hindi mo basta hahanapin ang iyong sarili dahil nandyan naman yan. kakapain mo lang…kung nasa tamang landas ka pa ng nais mong tahakin. hihimasin mo ang iyong katawan dahil baka wala  na sa tamang hulog ang iyong kalusugan. damdamhin mo ang iyong puso kung masaya pa ito.

puwedeng maganda o pangit ang madarama pero at least na-check mo. mas alam mo kung ano ang gusto mong gawin. kaysa lagi kang nakatulala, feeling walang kwenta at nakatanghod sa bintana.

nasan nga ba ako? bow!