Babae na ang nagliligaw sa Lalake

Dear Ate Jevs,

Hindi ba dyahe kung babae ang manligaw sa lalake?
Feeling ko naman kasi may gusto rin sya sa akin kaya lang ang torpe-torpe n’ya.

Hintayin ko ang payo mo,

Bb. Calachuchi

————————————————————————-

Hi Ms. Calachuchi!

Bukod sa tingin ko ay mabango ka naman in person, salamat naman ay may sumulat sa akin na hindi nag-po. hahaha pabata effect lang.

Sa iyong problema? hmmm! Kung kaya ba ng lakas ng loob mo why not? Kung wala ba syang girlfriend o asawa? Go! At kung wala kang magiging problema sa kung ano siya, yoyoyo!
Wala akong nakikita na masama sa ganito, although siempre naging norm na sa ating mga Pinoy na dapat babae ang nagpapaligaw. Parang it hurts din for girls na ma-basted, e tingin ko
Ready ka naman anu’t ano man. Sabi nga nila “landi-landi rin ‘pag may time.” Gorah na Day!

Humihigop ng mainit na kape sa disyertong mainit,
Ate Jevs

 

Advertisements

13 thoughts on “Babae na ang nagliligaw sa Lalake

  1. sa kabila ng milyong milyong mga Pilipinong lalake (ibawas mo na ang nasa third sex), ako’y nagpapasalamat sa iyong payo ate Bevs. Sa totoo lang ate Charo, este Bevs pala, napapagod na rin kami sa panunuyo sa mga kababaihan. isang malaking welkam to para sa amin.

    give me five ate Bevs,
    apollo

    1. in fairness inulit, ulit mo pa pero ate jevs po ang name ko. hahahaha!

      walang ano man para sa iyong pasasalamat. Oh ayan, ligawan nyo na mga girls si Apollo. este wag na kayong mahiya pala, may isang lalake na ang sumang-ayon.

  2. Hello! Paano po magpadala ng liham? Hehehe… Sa tingin ko ok lang naman ito, kaso gusto ko na lang ipaubaya sa mga lalake ang panliligaw. Sinubukan ko na kasi noon na manligaw ng lalake. Sobrang dami ko kasing confidence nuong kabataan ko pa (feeling grown-up lang!). Tapos ang hirap pala ma-basted. Bwiset! Kaya bahala na silang manligaw, ako man-aantay na lang ng magliligaw saken. Hohohohoho!

    Magandang araw! 🙂

  3. maaari kang magpadala please send your lovely letter/ message to hitokirihoshi@gmail.com at palagay na lang sa subject line: Dear ate Jevs!

    Oo nasa lakasan na lang talaga ng loob yan, tamang approach, at pag-analisa sa lalake. May iba pa rin kasi ata na conservative type at saka iba pala ang trip. hehehe

    more power sa iyong love life, darating din yan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s