KPNH is part of Blogapalooza

Commercial muna.

On Saturday, November 16, ay dadalo rin ang blogger ng Kwentotpaniniwalanihitokirihoshi sa Blogpalooza. Isa itong big at masayang event para sa mga bloggers at businessmen.

Maaari  ka pang sumali  para ma-experience ito. check when in manila  

 

blogapalooza-badge-keep-calm-blog-on-930x1024

 

6th Anniversary Post: My Blog is My Mirror

greet from wordpressHuwag mo akong tanungin kung anong totoong ako

Bat ka pa magtatanong kung lahat naman ay aking bina-blog

Mula sa aking buhay-CR, tirahan, pamilya at mga kaibigan.

Parang halos ibinigay ko na lahat ng detalye, kahit ‘di ako

Nagpo-post ng selfie pictures ko dini

II

Bat nga ba pinipilit kong mag-blog?

Kung abala na ako sa buhay- may dramarama sa hapon

May primetime bida sa gabi at may weekend do it better pa

Di ko pinipilit, gusto ko itong ginagawa

bahagi  ng isang buong linggo ko

at higit  sa ano pa man ay marami akong kwento na may kwenta’t katuturan…

kahit feeling ko lang

III

Magulo ako magkuwento alam ko ‘yan

maiksi minsan, mahaba madalas

may patutunguhan pero minsa’y sablay-sablay

pero totoo

hindi ko man direktang isulat ang mismo

kusnag lumalabas sa blog na ito kung sino ako

kung ano ang ibig ko sa buhay,  topak

kalokohan, kakulangan at pinakaaayaw

IV

Anim na taon na, anong next move?

wala!

di ko alam

hinahayaan ko lang dumaloy ang kuryente sa kokote ko

sa  sipag ng aking mga kamay na magtipa ng mga letra

ang  makibahagi sa blog din ng iba

ganoon ako e, may buhay ako sa loob at labas ng blog

at para masaya ang mag-blog ng personal

magpakatotoo ka lang

V

malay ba nilang kagagaling ko lang ng CR

magulo pa ang hair ko habang nakanganga sa harap ng monitor

nagpuputol ako ng kuko habang, nag-iisip ng iba-blog

o umuo.. dumidighay  habang nagko-komento

basta masaya ako nabuo ang blog

nagblog ako

at marami akong ka-blog.

Batiin n’yo ako  para mas masaya, lagyan n’yo pa ng larawan para bongga (hitokirihoshi@gmail.com)

MABUHAY!!!!!!

Blog Life Contest Judges: Rene, Janet and Mc Rich

Tatluhin ko na dahil mahiyain silang magbigay ng mas maraming info.

Renita Ramosrenita ramos

(1) Graduate of UP Diliman (Econ and MBA);

(2) Worked in banking and advertising industry

(3) until napadpad sa GMA doon ng ilang taon bilang brainstormer at writer

(4) Currently a freelance writer.

Blog Life:   mayroon siyang blog na bago pero ayaw pa i-reveal pero puwede n’yong bisitahin…

busines/activity:

The Filipina Reader

(book reviews at promoting Filipino books and literature

———————————————————————————————————————————————–

McRich

  • Dating taga-timpla ng formulang ginagamit sa pagmimina ng langis sa Gitnang Silangan.
  • Nagtapos sa Mapua Institute of Technology bilang scholar ng Shoemart Foundation upang maging isang Inhinyero Kemiko (Chemical Engineer)
  • Isang mabait na ama, juicyng asawa at part-time businessman.

Blog life:

Ginamit ang blogging bilang pamatay-homesick.  Nakatyambang magwagi ng 1st Prize sa OFW Division ng Pinoy Expats/OFW Blog Awards (PEBA) at 3rd Prize sa PEBA-Nokia Essay/Blog Writing Contest noong 2011.

Blissfully Rich

_______________________________________________________________

Janet Alcantara

  • Janet Alcantara 2my blog site is http://neneng-gala.blogspot.com (which is walang entries)…
  • I’am a traveler, wanderer, adventurer, explorer, voyager.
  • Isa akong Red warrior na produkto ng UE Caloocan.
  • Kasalukuyang nagtatrabaho bilang Marketing Officer ng Shinagawa/ KSI. Nagsimula bilang QA and traning assistant at kamakailan ako na promote bilang marketing officer.

Business/Activity:

Shinagawa Lasik & Aesthetics Philippines

Hilingin ko sana na masubukan nila ang Shinagawa service nang sa gano’y ito ay maisulat nila.. .Maraming Salamat

Janet Alcantara 3
ito na ‘yon isang prize

———————————————————————————————————————————————–

Why Am I Blogging contest

Opisyal ko na pong isinasara ang

Blog Life Contest!

at nagsimula na pong gumiling, magsalamin at humigop nang mainit na kape ang mga hurado.

change of schedule:

Dahil sa marami-rami ang lumahok sa aking contest/ panawagan ( sobrang pinataba n’yo ang puso ko in a healthier way) na hindi ko po talaga ini-expect, kailangan kong i-adjust ang pagninilay-nilay sa bawat post. Limang araw na bubusisiin ang 21 entries na pasok na pasok sa banga ang sinseridad, kasiyahan, kalaliman at kagandahan.

sa MARCH 7 na po i-announce ang MGA  winners sa Hoshilandia.com. Yes hindi na lang po isa!

Claiming of Prizes

Ang mga mananalo ay i-email or ip-PM ko sa Facebook o i-DM ko sa Twitter ( ayan nilahat ko na halos) kung paano makukuha ang kanilang premyo o paaano ko maipamumudmod (parang dami ano?!) ang kanilang premyo. Siyempre maganda meet-up ‘di ba? Para makita n’yo naman ako ng personal, naks!  Pero  para doon sa nasa malalayong lugar, magkakaroon tayo ng ibang usapan.

ang iba pang detalye at ang mga pasasalamatan ko sa contest na ito ay malalaman ninyo sa mga susunod na araw habang naghihintay tayo kung sino ang winners.

Maraming-maraming salamat sa lahat ng lumahok sa contest/panawagan ko. Ginawa ninyong mas makabuluhan ang aking blog life. Ang ilang comments ninyo ay sini-save ko talaga at malamang mauwi sa scrapbook ko hohoho!

Mabuhay sa ating lahat at happy blogging!

Blogging is reflecting

minsan masarap maglakad-lakad sa dalampisagan

tanawin ang paglitaw o paglubog ng araw

ang tumingin sa labas ng bintana lalo na kung umuulan

o kaya naman ay tumingala habang nakanganga  sa kalangitan

lalo na kung nakasilay ang mga bituin at maliwanag ang buwan.

bat masarap? maanghang, maaalat o sweet and sour?

kasi…ay basta para lang yang blogging kasi…

si Joyo na ang magsasabi sa kanyang entry na

Because

Ikaw, bakit ka nagba-blog?

Join ka na sa Blog Life Contest at  i-discover ang mission mo sa blog world!

%d bloggers like this: