6th Anniversary Post: My Blog is My Mirror

greet from wordpressHuwag mo akong tanungin kung anong totoong ako

Bat ka pa magtatanong kung lahat naman ay aking bina-blog

Mula sa aking buhay-CR, tirahan, pamilya at mga kaibigan.

Parang halos ibinigay ko na lahat ng detalye, kahit ‘di ako

Nagpo-post ng selfie pictures ko dini

II

Bat nga ba pinipilit kong mag-blog?

Kung abala na ako sa buhay- may dramarama sa hapon

May primetime bida sa gabi at may weekend do it better pa

Di ko pinipilit, gusto ko itong ginagawa

bahagi  ng isang buong linggo ko

at higit  sa ano pa man ay marami akong kwento na may kwenta’t katuturan…

kahit feeling ko lang

III

Magulo ako magkuwento alam ko ‘yan

maiksi minsan, mahaba madalas

may patutunguhan pero minsa’y sablay-sablay

pero totoo

hindi ko man direktang isulat ang mismo

kusnag lumalabas sa blog na ito kung sino ako

kung ano ang ibig ko sa buhay,  topak

kalokohan, kakulangan at pinakaaayaw

IV

Anim na taon na, anong next move?

wala!

di ko alam

hinahayaan ko lang dumaloy ang kuryente sa kokote ko

sa  sipag ng aking mga kamay na magtipa ng mga letra

ang  makibahagi sa blog din ng iba

ganoon ako e, may buhay ako sa loob at labas ng blog

at para masaya ang mag-blog ng personal

magpakatotoo ka lang

V

malay ba nilang kagagaling ko lang ng CR

magulo pa ang hair ko habang nakanganga sa harap ng monitor

nagpuputol ako ng kuko habang, nag-iisip ng iba-blog

o umuo.. dumidighay  habang nagko-komento

basta masaya ako nabuo ang blog

nagblog ako

at marami akong ka-blog.

Batiin n’yo ako  para mas masaya, lagyan n’yo pa ng larawan para bongga (hitokirihoshi@gmail.com)

MABUHAY!!!!!!

5 Blog matters

ipinupungginuhit ni ka Conrad Mananes
ipinupungginuhit ni ka Conrad Mananes

Guest Blogging

For the first time in the history of mankind, Hoshi agreed to do guest blogging at DeadBeat Club. Wanna know kung paano ang style ng weird Slasher Star na ‘to  ‘pag nasa ibang blogsite? read na here

Puwede kayong mag-comment dun kung totoo ba yung sinasabi ng blogger tungkol sa akin. Kung totoo nga ang kinakalat nyang Chismis.

Anniversary

gambatte ni Jec
gambatte ni Jec

Dinadalaw n’ya ako sa gabi, kinakatok ang aking puso sa tanghali at sa umaga’y kinilikiti. Pero huwag kang matakot, ako lang dapat.  hehehe! Sadyang hindi lang ako matahimik na hayaan ang taon na lumipas nang hindi sini-celebrate ang 5 years ko sa pagbaba- blog.

Perang minsan lang ata dadaan sa tao na mag-stick sa isang bagay na ganoon pa rin at imbes  na magsawa ay nag-e-evolve pa.  Paano nga ba mag-celebrate?

Ganito na lang?

Blog Contest

May mga friends ako na willing magbigay ng prize at ako rin naman ay willing din na magbigay (hindi nga lang kasing bongga ng iba). Pero ma-try ko man lang ulit (mayroon bang nauna?) magpa-contest. Iniisip ko pa ang kung ano ang mechanics pero gusto ko something creative, new and madali. Pero puwede ring simpleng question and answer lang.  Tapos puwedeng daanin sa picture, video o text.  Abangan ang post ko about dyan.

ang  prizes ay may kinalaman sa music, beauty, and necessity

 About me questionsLil Jevz

1. Sa iyong opinyon, ano ba ako bilang blogger? ayon nga sa old slum book “describe me!”

2. May nami-miss ka ba o gustong makita ulit sa blog na ‘to? Bakit?

3.  May gusto ka bang itanong sa akin na may kinalaman sa blogging o personal?

4.  In-add mo na ba ako sa facebook, twitter, pinterest, tumblr, formspring, foursquare, etc? O ni-like mo na ba ang fan page ko

5.  in five sentences , ano ang mission and vision mo bilang blogger?

 Ate Jevs’ advertisement

Sa nagtatanong kung paano magtanong kay palasagot na si Ate Jevs

mighty & shining ate Jevz
mighty & shining ate Jevz

puwede ninyong i-post yung question ninyo sa page niya rito (hayun sa itaas bandang kaliwa) o mag-email  sa hitokirihoshi@gmail.com.

Yun lang…

advance Merry Christmas!

Happy 4th Anniversary Hoshilandia/Hitokirihoshi Sr!

sa apat na taon ko sa pagba-blog, naging mapagpanggap ako, nag-inarte at eventually blogger na nagpapakatotoo. ang blog na ito ay hindi lang basta sa mga kwento at paniniwala ko kundi maging sa sarili ko mismo bilang tao.

minsan naiisip ko, ako pa ba ang si hitokirihoshi noong 2007? para kasing nawawala na ang humor ko at umiiksi na ang attention span ko. hindi na rin ako gaanong makapag-blog hopping at  marami na akong itinuturing na co-blogger na dumating at umalis. pero ako ay nagpapasalamat na so far ay katamaran at kaabalahan pa lang ang kalaban ko sa pagba-blog lalo na rito. minsan iniisip ko sana may apps ang mga  cellphone ko na diretso sa wordpress. (pero hindi ako bibili ng mobile phone para lang dito …ako na ang frugal, duh!)

in four years, napagtanto ko na ang nagbibigay gana sa blogging ay mga taong tumatangkilik sa iyo. mga comments, likes at subscription. kahit iilan at sila-sila lang, okay na. basta sincere sila sa iyo okay na okay na. hindi mo kailangan i-please. kasi once na nagpi-please ka na at hindi mo gusto, mawawala rin ang drive mo.

isa pa, hindi rin maganda yung lagi kang nagba-blog. sasang-ayunan ko yung isang article na nabasa ko sa Yahoo na kapag masyado kang babad sa passion mo mabi-burn out ka rin. parang dumating ako sa point na yun pero mabuti na lang talaga hindi. nagpapasalamat ako dahil hindi lang naman kasi blogging ang inaatupag ko sa buhay at marami rin naman ako pinagkakabalahan. mas masarap mag-blog kong ikaw mismo marami kang maiba-blog at tungkol sa mga positive things na gustong-gusto mo.

hanga ako sa mga taong rumaragasa ang creative juices at ito lang ang puhunan sa kanilang pagba-blog. Ang kailangan ng mundo ngayon ay magbibigay ng kamalayan, kasiyahan at inspirasyon. Inirerespeto ko naman ang mga nagra-rant dahil ang blog ay isang espasyo sa internet para sa malayang pamamahayag. Ako mismo ay nagra-rant pero kung ito lang ang core ng blog life mo, utang na loob mag-diary ka na lang. at huwag kang magtaka kung bakit walang nagki-click ng blog mo at isa kang bad link. I believe may magagaling na bloggers na magaling mag-rant pero magaling i-convert ito sa positive ways. Isa pa yung mga hinahangan ko.

Maraming salamat sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagbibigay buhay sa aking blog life! sa mga nagbibigay sa akin ng ngiti at pumapatol sa aking mga trip. Sana ay hindi kayo magsawa. Hohoho!

plusg
plush pins (made by gawa ni femi) & caricature by Jec Mendiola
gift from VJP

(sa mga gustong bumati sa mas malikhaing pamamaranan, bukas po ang aking FB at email sa inyong pagbati… hitokirihoshi@gmail.com )

tatlong taon sa harap ng monitor

haba ng title? bakit yan ang title?

ayoko sagutin basta Three years na ang Hoshilandia Sr. ( noong october 3). Tumatanggap ako ng pagbati.

mabuhay!

 

pagbati ni Kat

 

 

pagbati ni Pong

 

 

ganbatte ni Jec

 

Feliz aniversario ka-Hoshilandia!

ONE year na ang KWENTOTPANINIWALANIHITOKIRIHOSHI (long for hoshilandia) noong October 3! Sa sobrang busy, gustuhin ko man na kumpletuhin ang entry na ito sa mismong araw na iyon ay hindi ko nagawa. Huhuhu! (sa totoo lang dami ko pang draft na hindi matapos-tapos.)

Anyway, nakakatuwa naman dahil sa loob ng isang taon ay nakapag-post ako ng mahigit 60 entries, kinatok ng lampas  apat na libo, nagkaroon ng mga online buddies, naka-attend sa wordcamp, nakatanggap ng sari-saring comments na talagang nakakapagpangiti sa akin at nakapasok na rin ako sa
Top Posts from around WordPress.com at Fastest Growing WordPress.com blogs. (Kanina lang nag-check ako nakita ko ulit blog ko rito. yahoo!)

Masaya ako ‘pag may nakakapansin sa blog ko esp. sa di ko naman kilala. Well, dahil na rin iyon sa hindi ko naman masyado in-advertise, mabagal akong mag-post ng bagong entry na madalas ay madrama,  minsan ay mga kalokohan  lang at may panaka-nakang pagbugso ng kaseryusuhan.

Siempre gusto ko rin batiin si Ate Jevz at ang aking mga ka-PUPU dahil nakakailang kwento’t paniniwala na rin sila di ba? Iyong mga avid viewers and commentators ko. Sa mga friends ng mga kaibigan ko talaga, mabuhay kayo (oo  Sherma, Raft3r and VF kayo yun!)… sarap ninyong kasagutan, swear!

Sa mga batikang blogger na nagbibigay sa akin ng panahon (yes ate kengkay, mangbadoy, papertilapia, artinformer, aling baby, geisha, pelicarol, etc.). Sorry dun sa mga nakakaligtaan kong ilagay sa blogroll.  Kasi depende  ‘yan kung type ko ang blog ninyo o kung gaano kayo kadalas sa hoshilandia ( oh ‘di ba may requirements). Pero happy ako roon sa mga napapadaan lang pero pabalik-balik naman.

Siempre special mention sa aking thank you entry para sa anniversary ng hoshilandia ang aking blog mentor na si gumamelang malikhain at masulat – avi canale.  Siya po ang sisihin ninyo kung bakit may hitokirihoshi na umeeksena sa wordpress. Siya rin ang susi kung bat nakapagpa-picture sa akin si Mr. WordPress hahaha!  Salamat din sa mga regular customers ko rito na sina pinkleng-lengstorymachine tonet, hot momma DyeseTet, nawawalang Kuya Obet… doon sa iba na kunwari ay ‘di tumitingin pero regular naman na nagbabasa, thank you na rin. Pero alam ninyo mas maa-appreciate ko ang presenysa ninyo  kung marunong kayong mag-comment. I thank you.     Hehehe

Dahil may pahintulot na ako ni ate jevs, ire-reveal ko na ang lihim… lihim kung bakit mahaba ang url and blog ko…. Sa totoo lang na-amaze ako na makita iyon na nakalagay sa wordcamp I.D ko. Feeling ko kung may contest ng pahabaan ng blog and url name, panalo na ako. … okay bakit nga ba?  Kasi noong una ay ayokong i-share sa iba na meron na akong blog.   Kung malaman man nila, hahayaan kong mahirapan sila sa kaka-type.

Pero di naglaon ay naisip ko na pati ako nahihirapan na rin.  Ang nakakatuwa lang ay kahit ganoon,  may dumadaan pa rin. Saka madali namang i-recall di ba ( oo ikaw VF ang tinatanong ko.. hehehe. ang hitokiri nga pala po ay “slasher” sa salitang Hapon) hayaan ninyo, mas magiging open na ako.   Lalo pa’t napag-alaman ko na takam na takam sa local info… (yes hindi po hard news) ang aking mga readers  (hahaha may ganun!) mabuhay!