9 Apologies for blogging in my way part 1

Bakit 9 apologies for blogging blah blah?  Una ay batiin mo ako dahil nine years na ang blog na ito noong October 3  at apologies para malaman mo ang iba ko pang saloobin bilang blogger.  I am sorry kasi ang lagay ba ay puro  perfect, yabang  positibo, at emo lang ang pagba-blog?

1.  I am sorry for  my typographical  errors or incorrect grammar!

Siyempre madaling  mahanap ang mali kung in English di ba? (kaya iniiwasan ko mag-English?). Pero mayroon din mali-mali sa  marami kong  posts in Filipino.  Alam kong malaking bagay ang zero errors na babasahin at walang magandang alibi para idepensa iyan. Pero kung tatanungin mo ako kung bakit mali-mali ako. Hindi ako magaling sa editing ( palusot 101) para maging madali at sipagin ako na makita yung mga mali.

baguio _ cemetery of negativism 3

Nagba-blog ako, una base  sa mensahe at kagustuhan kong ma-post iyon sa particular date. Hindi rin naman ako araw-araw nagba-blog kaya  mas sinusundan ko ang sense of urgency kaysa itengga ang buong ideya sa draft or somewhere in my mind para ma-check kung tama o mali.  Baka ito pa nga ang secret ko bakit prolific blogger ako for 9 years.  Pero I am sorry talaga, ginagawan ko ng paraan na i-improve yang skill, i-double check bago i-publish, at pati sipag ko sa pag-e-edit.

2. My apologies if I have novel-long posts 

I agree with you kung nakakatamad magbasa ng mahabang post. I try to trim down each of my article sa 400 words pero may pagkakataon na mahirap i-edit ang “charrot,” “hehehe,” “mabuhay,” ” hohoho,” at iba pa. Nandoon yung human touch at naipapadama ko kung paano talaga ako makipag-usap o mapa-light yung tone.  Isa pa mayroong mga impormasyon na gusto kong buong-buo na isiwalat sa iyo.  Pero kung gusto mo ng magandang rason, ayon sa ibang sites ay gusto nila 1000 words dahil sa SEO thingy. Ambot!Books

3.  My aplogies if I don’t have regular interval or schedule in posting

Pansin mo ba yung 31 days of blogging ko? Naging 31 weeks of blogging ata. Pilitin ko man na araw-arawin ay ‘di ko magawa. Bukod  sa minsan busy ako sa totoong buhay ay torete din ako sa hindi totoong buhay. Ano bang  Filipino  ng virtual works? Di totoong buhay na mga trabaho?

Sorry kung pabalik-balik ka rito o sa Hoshilandia.com kung may new post ako. Nakakatuwang malaman para sa akin iyan, kaya Thank you very much and I am very sorry!

...many hats @ d same time...is gold
…many hats @ d same time…is gold

Alam mo  sagana ako sa turo na magandang every day ang pagpo-post ng new entry . Pero sa ngayon ay mas itinuturing ko na passion blogs  ang mga sites ko. Hanggang maaari ay nais kong sundan ang sarili kong ritmo (hindi lang sa walang wisyo) sa pagsusulat na nandoon na iyong ideya, tamang gana, at  malayang oras na gawin.

Madali rin naman mapansin sa mga sinusundan mong personal blogs kung maka-update lang o wala lang yung post. Maaaring may mga time na ganun din naman ako, pero hanggang kaya ay ayokong ganun parati. Kasi feeling ko  kaya rin ako nagtatagal sa pagba-blog ay dahil nasusunod yung values, purpose, at kaartehan ko.

4. I am sorry I don’t follow niche blogging

Isa sa mahahalagang aral na nalaman ko ay  pagkakaroon niche  blog.  Kinikilala ko iyon at kahit papaano ay pinagpaplanuhan ko kung paanong istratehiyang gagawin.

I am sorry kung nag-follow ka sa akin dahil nag-blog ako ng sunod-sunod about money-saving tricks , movie reviews o kaya travels, then bigla may iba na naman klaseng paksa akong post.top blogs.ph - 4-6-12.b

Subalit, gaya nga ng nabanggit ko ay nagbaba-blog ako for passion and personal reasons. So kasama rin doon yung mood at ano ang flavor of the week ko.  Madali naman gumawa ng maraming niche blogs, ang tanong ay gaano kadali ang mag-maintain ng blogs?  Siguro makakabawi ako kung lalong lumawag ang sked ko at matutukan ko iyan. Ang iwo-work ko na lang siguro ay iba-iba talagang topics ang gusto ko at alin doon ang mga pinaka.

5. I am sorry for my ugly photos, broken links, and messy layouts!

Sa totoo lang gustong-gusto kong i-claim sa buong mundo kung gaano ako kahusay na photographer, eh hindi pa?! Ayokong sisihin ang mga cameras or phones ko kasi di ba nasa mata ng photographer talaga yan.  To explain my side – tradigital  frugal ako. I don’t feel na urgent need na makabili ako ng DSLR camera, mag-aral ng photo editing,  at iba pa lalo na kung may gamit pa naman ako. Ewan ko rin kung bakit mas gusto ko yung documentation of event or behind the scenes pa nga.  I am sorry kung di mo nagugustuhan.  Siempre darating din siguro na kailangan ko ng i-priority at mag-level up. Wait lang ng konti.

my 9-year old mobile phone
my 9-year old mobile phone (batiin mo rin sya sa December 8. hehehe

Ayan humaba  na naman kaya sundan mo ang 6-9 sa susunod na post

5 favorite blogs: 26 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Ang hirap naman sagutin nito, ako pa naman yung klase ng reader na  nakabase sa topic o presentation  at hindi sa  kung sino ang author o artist.  So ganoon na lang, kung saan madalas na site ako nagpupunta base sa interest. Siempre favorite blog site ko sa lahat ay Hoshilandia.com. Itaas ang bangko! 

fitz villafuerte 2
Fitz Villafuerte at the iBlog Summit

Financial / Business – sa local lagi kong bini-visit ang blogs nina Fitz Villafuerte at Victorino Abrugar. Bukod sa informative ay conversational yung tone ng kanilang pagkakasulat. Since kapwa Pinoy at nasa Pinas sila so mas nakaka-relate ako. Ang iba ko pang business and finance websites na bini-visit ko ay Entrepreneur and Money Sense.

Arts and CraftsPinterest pa lang busog na ako sa kakatingin pero madalas din ako tumambay sa Home Made Simple and Better Homes Gardens.

Life/ Career – Nahihilig ako tumambay sa Female Network, Daily Worth, Elite Daily, Self.com,  at Success.com lately.  In a way para pampa-good vibes, inspiration, at motivation na rin. Maliban sa mga ‘yan, basta gusto ko ng good vibes tambay muna ako sa Pinterest. Ang Maganda rin kasi doon naka-infographic na yung mga tips.

Travel –  Sa local mas madalas ko i-check si Pinoy Adventurista and na-meet ko na s’ya in person.  Susundan nina Pinay Solo Backpacker and Traveler on Foot.  Sa international wala naman particular, usually kasi magse-search ka na sa international kung may anda ka o interesado ka malaman di ba.  Pero mahilig ako sa mga cheap and backpack travel stories.

Blogging  –   Dito sa wordpress basta may free time ay nagba-blog hopping ako so lahat ng followers ini-isa kong puntahan from time to time.  Ganun din naman sa hindi ko followers basta talaga ma-spot –tan lang.  marami na nga ako name-miss pero siempre ilan sa madalas ko nabi-visit ay blogs nina Jason Hamsterkwento ni Kat, Walang basagan ng Trip, Doon po Sa Amin, at inactive na ata an si ate Kengkay.  Ang iba ko pang pinupuntahan ay Hubspot Blog, Entrepreneurs-Journey ni Yaro Starak,

 

Timeline of my Day? 15 OF 31 DAYS BLOG CHALLENGE

Ever since na nag-freelance/ home-based ay naging erratic ang sked ko almost every day kaya medyo mahirap sa akin sagutin ang tanong na ito. Bukod sa mas buhay ang diwa ko ‘pag gabi, gusto ko man maging person ay nagpapagabi na rin ako sa gawain. Ang ineet, wala [pang] air con ang home office ko. Ang ibabahagi ko na lang ay iyong average o iyong pinakamadalas na timeline of my day [nitong tag-init]

5. time10-11am [‘pag kaya 7-8am] – almusal konti o brunch ligo

12nn – 10 pmn trabaho/ negosyo  –

3 or 4 pm – break/ siesta up to 5-6 pm

6pm 7: 30 pm   trabaho/ negosyo/ blogging [pag kaya]

10 bahala na kung ano trip kong gawin unless may deadline to beat

  • Manood ng youtube videos ng Jimmy Kimmel,  Graham Norton, Marvel, Anime, Gandang Gavi Vice, Tonight With Boy Abunda,  Powerhouse, Ang Tunay na Buhay o kahit  ano
  • Magbasa-basa sa iba’t ibag websites – Daily Worth, Elite Daily, Entrepreneur, Inc, Forbes, Pep, Philippine Star, Journal.ph at iba pang sites.  Actually ang curator ko ay ang Twitter followers/ following ko [minsan Facebook friends – nagbabasa talaga ako ng interesting na links.
  • Mag-check ng Instagram/ Facebook pag bet ko. Basta lately, mas gusto ko na lang tumambay sa Twitter at Youtube or mag-browse-browse sa Pinterest.

usual  na tulog ko ay 1-2am

Video Blogging is On, Hoshilandia anniv

Nabanggit ko na nung nakaraan na interesado ako sa video blogging ( a.k.a. vlogging at  good thing din na may sunod-sunod na event.  Although matagal na akong nakakapag-upload  sa aking Hitokirihoshi YouTube Channel  (please subscribe for more updates) ay  hanggang upload  lang  talaga ang ginagawa ko. Queber pa ang editing and pag-iisip kung ano ba ang core ng video blogging or vlogging.

Honestly, hindi ko alam kung maka-career ko ito nang bongga o mabenta kaya ang aking simple ideas.  Buong pagpapakumbaba ko rin naman na aaminin na hindi kagandahan ang aking mga shots at pagkaka-edit ( sana may mahanap akong mas magandang video editing software). Anyway apart sa nasa early stage pa ako, what I am trying to achieve so far is parang maka-documentary type muna at kung sa klase ay gusto ko talaga ang magazine type talk show . Iyong halos same wavelength ng Hoshilandia Jr. and Sr na hindi lang  nakakatutok sa isang niche at giving tips.  Siempre  paangangatawanan ko pa ang pagiging anonymous blogger ko daw. Though I like credit, hindi rin talaga ako sanay na makita ang fez ko online ( not a fan of selfie) siguro sa big screen na lang choz!

Just to share,  itinaon ko itong “extracurricular activity” ko sa 6th anniversary ng  Hoshilandia(dot)com.  If you have other suggestions and tips sa mga mapapanood ninyo go give it to me bebe. :p

My interview with Jericho Rosales

Note: May part dito na mahina ang audio at slide show kasi that time sumuko ang memory card ng cam. palit-palit mode ako. Kung mapapansin n’yo rin dami marks, nahuli ko kasing malaman yung paglalagay ng logo. Nagawa ko na yung buong video bago ko pa nailagay.

 

 

Sea-Ex: The 8th Philippine Boatshow & Nautical Lifestyle Expo coverage and interview with HeadSail, Inc. Pres. Angelo Olondriz

Coverage of the Philippine Programming Challenge 2015 Challenge 2015 and my interview  eputy Executive Director Monchito Ibrahim of Information and Communications Technology Office of the Department of Science and Technology (DOST-ICTO).

on Video Blogging and Jericho Rosales

Matagal ko na talagang  gusto na mag-video blogging pero  matagal na rin yong Youtube channel ko.  Parang naging tambakan ko ng mga videos. Sa tuwa ko ata na sa simpleng  gadget ay kayang  makakuha ng video at pagmamay-ari ko  pa ay ganado ako mag-video (kahit ano na lang).  Ako na ang anak-pawis lumusong sa batis, lumitaw na freshness pa rin- chuz! Pero saya naman na  sa unang salbo ng taon at dikit sa birthday ko ay  natupad ang  isang wish ko, ang makausap si Jericho Rosales.

Anyway,  I don’t know yet  how far view and ocean deep ko ito gagawin sa ngayon. I just want to enjoy it gaya ng regular blogging, masaya ako na hindi lang ako  nakatutok sa isang niche although sabi nga hindi advisable yun. Siguro yun ang secret ko while I’m still blogging kahit 8-year old na ang blog na ito at may personal website pa ako. I don’t go extreme to the point  na it affects my other priorities, chill lang at walang limit.  Open ako sa mga posibilidad na puwede kong magawa at matutuhan, then pag kaya ko na subukan-susubukan ko.

Ang totoo n’yan at nakakalungkot pero as in 90%  ng mga na-encounter ko nung nag-uumpisa ako ay wala na sa pagba-blog or  di na ganun ka-active.  Well that’s life and I fully understand, kanya-kanyang  priorities yan at paghahanap ng purpose.  Nakatulong lang yung interesante sa akin yung mga nadi-discover ko at nakakahanap ako dang dahilan para magpatuloy.

So in connection dun, parang ang trip ko naman ngayon na pag-aralan ay podcasting at video blogging nga. Medyo mas madali at possible nga lang din sa akin ang video  since  gamay ko na ang basic sa video editing gamit ang  movie maker at creator studio sa Youtube.  Dagdag ko pa d’yan na wala akong smartphone (yes o yes) particularly iPhone to try podcasting pa.

Going back to  video, buong pakumbaba kong sasabihin na hindi maangas ang mga kuha ko at pagkaka edit. It’s aim my to produce artistic quality works, but for now I want  to  learn yung basic at mas gusto ko ang documentary type. Ayoko pa-pressure na kasi maganda  at mas marami yung sa iba. Kalaban ko ang sarili ko. In fact thankful ako sa chances na naibibigay sa akin.  And blessing  pa  nga natupad yung isang long-time wish ko at ayon na nga yung kay Echo. Dalawa pa lang  yung napa-publish ko kasi nire-reserve ko sa Hoshilandia.  But anyway, ito yung 2 nauna at ang iba pang  nakunan ko before  na napuntahan kong events –  para masaya ang tema ay mga artista.

1.

Jericho Rosales with selected bloggers

Ogie Alcasid @ OPM

My Interview withNino Muhlach and Vic Sotto @ My Big Bossing’s Blog Conference

James Reid @ Radio Veritas’ Concert for A Cause

Sarah Geronimo @ Ani ng Dangal

Nora Aunor @Ani Dangal