Why Am I Blogging contest

Opisyal ko na pong isinasara ang

Blog Life Contest!

at nagsimula na pong gumiling, magsalamin at humigop nang mainit na kape ang mga hurado.

change of schedule:

Dahil sa marami-rami ang lumahok sa aking contest/ panawagan ( sobrang pinataba n’yo ang puso ko in a healthier way) na hindi ko po talaga ini-expect, kailangan kong i-adjust ang pagninilay-nilay sa bawat post. Limang araw na bubusisiin ang 21 entries na pasok na pasok sa banga ang sinseridad, kasiyahan, kalaliman at kagandahan.

sa MARCH 7 na po i-announce ang MGA  winners sa Hoshilandia.com. Yes hindi na lang po isa!

Claiming of Prizes

Ang mga mananalo ay i-email or ip-PM ko sa Facebook o i-DM ko sa Twitter ( ayan nilahat ko na halos) kung paano makukuha ang kanilang premyo o paaano ko maipamumudmod (parang dami ano?!) ang kanilang premyo. Siyempre maganda meet-up ‘di ba? Para makita n’yo naman ako ng personal, naks!  Pero  para doon sa nasa malalayong lugar, magkakaroon tayo ng ibang usapan.

ang iba pang detalye at ang mga pasasalamatan ko sa contest na ito ay malalaman ninyo sa mga susunod na araw habang naghihintay tayo kung sino ang winners.

Maraming-maraming salamat sa lahat ng lumahok sa contest/panawagan ko. Ginawa ninyong mas makabuluhan ang aking blog life. Ang ilang comments ninyo ay sini-save ko talaga at malamang mauwi sa scrapbook ko hohoho!

Mabuhay sa ating lahat at happy blogging!