Why Am I Blogging contest

Opisyal ko na pong isinasara ang

Blog Life Contest!

at nagsimula na pong gumiling, magsalamin at humigop nang mainit na kape ang mga hurado.

change of schedule:

Dahil sa marami-rami ang lumahok sa aking contest/ panawagan ( sobrang pinataba n’yo ang puso ko in a healthier way) na hindi ko po talaga ini-expect, kailangan kong i-adjust ang pagninilay-nilay sa bawat post. Limang araw na bubusisiin ang 21 entries na pasok na pasok sa banga ang sinseridad, kasiyahan, kalaliman at kagandahan.

sa MARCH 7 na po i-announce ang MGA  winners sa Hoshilandia.com. Yes hindi na lang po isa!

Claiming of Prizes

Ang mga mananalo ay i-email or ip-PM ko sa Facebook o i-DM ko sa Twitter ( ayan nilahat ko na halos) kung paano makukuha ang kanilang premyo o paaano ko maipamumudmod (parang dami ano?!) ang kanilang premyo. Siyempre maganda meet-up ‘di ba? Para makita n’yo naman ako ng personal, naks!  Pero  para doon sa nasa malalayong lugar, magkakaroon tayo ng ibang usapan.

ang iba pang detalye at ang mga pasasalamatan ko sa contest na ito ay malalaman ninyo sa mga susunod na araw habang naghihintay tayo kung sino ang winners.

Maraming-maraming salamat sa lahat ng lumahok sa contest/panawagan ko. Ginawa ninyong mas makabuluhan ang aking blog life. Ang ilang comments ninyo ay sini-save ko talaga at malamang mauwi sa scrapbook ko hohoho!

Mabuhay sa ating lahat at happy blogging!

Advertisements

18 thoughts on “Why Am I Blogging contest

      1. wahhh naku itong sa potsquared may nadale na. hehehe

        pero let’s see po kung makakayanan kong mabigyan ang lahat kahit simpleng token of appreciation.

    1. wow, maliban sa kulang kanina sa “I” ang spelling ng claiming ko. wala akong maalala na 21 yung bibigyan ko bilang winners. pero i wish sana mabigyan ko lahat.
      makuha mo kaya ang laser kilikili? hehehe

      1. Mukhang malabo na… Sa dami ng magagandang post, parang kulelat ako.. Pero nangangampanya na ako para sa cd ni anne curtis kaya ok lang… Hihihi…

  1. Wow! 21 pala sumali, maramirami rin ah. Effective ang panawagan, maraming tumugon. Ansaya! Maraming perspektibo ang matutunghayan sa iisang tanong. Dami ko palang babasahin. 😀
    Thanks Hoshi sa opportunity! Makapagparticipate lang isa nang kagalakan. 😉

  2. di nga? 21 tayong mananalo kahat lahat!? wow napakabait mo mam!

    dapat yung mga magclaim ng prize nandun din tayong lahat! nyahahaha! parang naging EB eh noh ^_^

    1. Wow nakakalula. siguro kung 5 nga kayo na ini-expect ko noong una posible. pero ayoko mangako. nakakahiya pag di natupad. baka i-blog nyo naman ako na “bakit ba ako sumali sa why am i blogging contest ni hoshi.” hehehe

      gusto ko yang EB na yan.

      1. Di rin haha. Ok lang naman kapag hindi. Haha dats life eh. May mananalo,ay matatalo. di ba? Masaya nako sa buhay blogger ko ngayon. -smile-

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s