Masaya ba ang blogging?

Nitong October 3 ay limang taon na ang Kwento’t Paniniwala ni Hitokirihoshi.  Bago ito dumating ang dami kong naisip na pakulo gusto ko maging bongga naman dahil biruin mo nakakalahating dekada na ako sa pagba-blog sa una kong site.  Pero hindi ko rin nagawa kasi abala ako sa aking offline life ( na of course mas importante pa rin sa buhay ko at sa buhay nating lahat).

Kamakailan lang ay may nagtanong sa akin kung masaya ba ang blogging (Hello Grace!). Medyo natagalan ako sumagot, hindi dahil nablangko kundi ” mahirap sagutin ‘yan kasi passion ko ang blogging.”  Sa una hindi, pero nung nagtagal ay naging part na ito ng lifestyle ko.

Outlet to express yourself

Lahat ng tao ay pinapayuhan na ilabas ang saloobin. Ang kati-kati sa dila ‘pag may gusto kang sabihin na masaya o malungkot pero hindi mo magawa.  Puwede mo rin sabihin pero parang hindi ka naman pinakikinggan. Puwede ring pakikinggan ka pero alam mong hindi naman interesado ang kausap mo. Sa Blogging, walang limitadong espasyo. Walang editor or advertiser na magdidikta sa iyo na hanggang d’yan lang ang word count at characters na puwede mong isulat. O kung hindi man kahiyaan ay hindi ka pipilitin na magsalita sa lengguwahe na hindi mo naman talaga gamay. Malaya kang magpahayag ng iyong pananaw at ng iyong emosyon.

At tiyak na may mga taong  babasa sa iyong post lalo na kung ito ay malaman, may katuturan at  makatotohanan.

Rediscovering yourself

Kapag matagal  ka nang nagsusulat at may nababasa ka ring kapwa mo bloggers, you can’t help but to analyse yourself against them, intentionally or not. Hindi  ito usapang inggitan kundi isang realization sa iyong craft at pagkatao. Hanggang dito ka na lang ba? May gusto ka pa bang gawin? Paano ba  mas magiging buhay ang aking blog? Paano ko mapapataas ang aking Google page rank or Alexa ranking? Sali kaya ako sa Saranggola Blog Awards, PEBA o Philippine Blog Awards?

Hindi mo makikita ang kabilang panig kung hindi ka magbubukas ng bintana. Hindi ka makakatawid sa kabilang daan kung hindi ka gagamit ng tulay. Gamitin mo ang blogging para matulungan mo ang sa sarili mo na mahanap ang gusto mo. Tiyak na rito ay maraming bagay kang matutuhan na minsan ay hindi mo inaakalang gusto mo pala.

You are not alone

Puwedeng mababa ang blog hits mo, bibihira ang nagko-c0mment sa iyo pero definitely you are not alone sa blogworld. Ilan na ba rito ang nagsabi sa akin na “nakaka-relate ako sa iyo Hoshi.”  Hindi ko sila ka-edad, hindi kami pare-pareho ng estado sa buhay at  malamang kanya-kanya kami ng ganda (ano pa?) pero madadama mong sincere ang kanilang comment. May iba rin kasi sadyang nagbabasa lang nahuhuli mo na lang kung saan nanggagaling na site, saang bansa at anong keywords ka na-search (weird nga minsan e).

parang maka-blue pa ko d2 hehe

You’re interacting with human

Funny sabi sa isang web tool na ginagamit ko, ang baba raw ng rate ng mga lalaking na bumisita sa site ko especially sa Hoshilandia.com. Paano kaya ‘yon eh puro lalaki ang nagko-comment dun at  majority rin dito? Hind naman din panlalake ang mga blogposts ko? Pero whatever gender, status, at cheverlou-  you know tao ang kausap mo.  Ako ang saya-saya ko ‘pag may nakakausap akong interesante o kahit hindi, basta pareho kaming into blogging.

Nakakabasa ka ng naiibang kuwento,  istoryang totoo at karanasan na maaari mong kapulutan ng aral.

Lots of possibilities/opportunities

Yes I believe that there’s money in blogging or shall we say blog monetization… (teka lang magpapahid lang ako ng blood sa aking nose ). Puwede ka ring makatanggap ng advertisement proposal at makatanggap ng invitations as a simple blogger.

star kumot

Believe pa lang din kasi  hindi ko pa naman masyado nae-experience nyahahaha.  Pero seryoso mayroon naman kahit papaano pero ayoko sya i-discuss sa post na ito.  I think  ang greatest possibility or opportunity na magagawa ng blogging sa iyo ay personality development kung magpapaagos ka sa positive effect nito.

Ilang blog events ba ang nagbubukas sa isang taon, ilang organisasyon ang nagbibigay ng  slots para sa mga bloggers at kung anu-ano pa. Ilan na rin ang nakadaupang palad ko because of blogging kung nakaka-inspire yon.  hehehe. Iilan na lang din ang tumitingin ng mabababa sa isang blogger. Hindi ka na lang basta-basta kung pagyayamamin at magiging masaya ka sa gawain na ito. kaya?

Happy Blogging!

The ideal is No ideal

Dear Ate Jevs,

Nasa early-twenties na po ako at gusto ko ng magka-boyfriend. Ngayon, may nagpaparamdam po sa akin na isang guy na tingin ko gusto ko rin ang kaso maraming nakapaligid sa kanyang magagandang babae. Iyong malayo sa tipo ko at alam mong ideal girl para sa mga lalaki. Hindi po ako kasi iyong prim and proper at fashionista, although hindi naman ako manang manamit.

Tingin n’yo po ba para magka-boyfriend ako kailangan ibahin ko na yong look ko o personality? Sana matulungan ninyo ako.

Virgie   Lao

Dear Virgie,

In fairness, interesting ‘yang problema mo at natanong ko na rin ‘yan minsan sa sarili ko, nasagot naman niya kinalaunan. Naiintindihan ko ang agam-agam sa iyong puso na parang agiw sa gilid-gilid ng dingding ng kuwarto ko. Puwede namang palagpasin muna pero alam mong eventually hindi mo matiis na ‘di linisin, most especially sa mga moment na may visita.

Sa aking opinyon, kung sa tingin mo kailangan mong mag-upgrade sa look, why not?! Kung iyon ba ang sa tingin mong makaka-enhance ng beauty at makakadagdag ng self-confidence mo. Pero pagdating sa personality mahaba-habang laklakan este lakbayin ‘yan. Your personality is the sum of all of factors in your life and that is English huh!  Ibig sabihin may pinanggagalingan ‘yong way of thinking at kilos mo na puwedeng dahil sa environment na kinalakhan at pilosopiyang itinatak mo sa iyong puso’t  kokote.  Buhay mo ‘yan at lahat tayo may mga sari-sariling journey, so open arms!

Ngayon,  parang ang hirap isipin na iibahin mo ang sarili mo dahil sa isang guy at dahil naiko-compare mo ang sarili mo sa ibang chicks. Kung nagpaparamdam siya sa iyo meaning nagustuhan ka niya bilang ikaw, puwedeng sa lahat ng long legged ikaw ang petite, sa lahat ng straight ikaw ang tanging curly, o sa lahat ng maganda ikaw ang medyo saliwa, pero okay lang ‘yon. Ang mahalaga sa lahat ay totoo ka sa iyong sarili at alam mong maging masaya o lumigaya sa piling ng iba.  Hello lahat ba ng magdyo-dyowa ng nakikita mo ay  magagandanh sexy at  mapopoging macho.  Mas masasabi mo ngang true love yong magkarelasyon na opposite na opposite taas-baba’t kaliwa’t kanan mo tingnan. Success story!

“You can’t really make a list of, you know, ‘I want this, I want that.’ And then you meet somebody who is none of that but has something inside her that makes you go, ‘Wow!’ So it’s senseless to have what they call an ‘ideal woman’.” chuva ni Rodrigo Santoro – “The Pinay in J.Lo” by Ricky Lo (Philippine Star)

Sumasahimpapawid,

tuwing may sulat,

ate  Jevz

motivated to lose weight

Dear ate Jevs,

Aware ako na lumalaki na ang katawan ko pero hindi ako ganun na naalarma kasi malayo pa naman ako sa pagiging obese. Talaga lang atang may mga tao na natatabaan sa akin dahil ikinukumpara nila ako sa mga patpatin o medyo anorexic na katawan.

Hindi problema ang weight sa akin noong nag-aaral dahil active ako sa mga extra curricular activities especially na since prep hanggang college ay nahihilig o napapasali ako sa pagsasayaw.

Tumaba na ako noong mag-start na akong mag-work. I think yung waistline ko ay naglalaro sa 25 ½ to 27 (depende kasi yan sa tabas at brand ng pantalon) noong estudyante ako pero noong nag-o-office na ako naging saradong 27 na siya at lumalaki pa.

May nagsasabi na bagay sa akin ang chubby at hindi bagay sa akin ang maging payat. Although nakakarindi rin na babatiin ka with matching “ano ang nagyari sa iyo ang taba mo nahhhhh!!!”, wala kong care.  Ang mahalaga sa akin ay ang pakiramdam ko… kung madali na ba akong hingalin, kung di na ako pinapasakay sa fx o taxi, o kung di ako matitigil hanggat di big uhaw ang iniinom ko.

Pero ngayon ay namo-motivate na po ako talagang magpapayat… nag-uumpisa na kasi akong mahirapang mamili ng damit na kakasya sa akin, bukod pa dyan na mas mahal at limitado ang napipili ko. Minsan wala na sa budget yong kinukuha ko, kasi ang nasa isip ko “iilan lang ito, buy it now.”

subalit, nitong nakaraan na namili ako naghalo ang frustration at kakarampot na kilig. Frustration kasi, hindi ko mabili yung gusto kong mabili dahil bukod sa size eh siempre may fashion style akong sinusunod. Ayoko po kasi ng fit sa katawan ko ang damit ko at di ko type ang pink, neon, pastel colors.

Ayoko mang mag-order ng inumin na favorite ko para hindi madagdagan ang fats ko, eh pinagbigyan ko na ang hilig ko dahil sa hapo. Nakaupo ako sa harap ng store na pinagbilan ko nang may dumating na tatlong fil-am – dalawang lalaki at isang babae. Lahat sila sosyalin ang dating at English speaking. Deadma lang ako kunwari sa kanila kahit marami nang naglalaro sa isipan ko. Katwiran ko, nagbayad ako kaya bat ako matitinag sa inuupuan ko. Yung matabang lalaki tumabi banda sa gilid ko habang nag-o-order, yung babae sa harapan ko mismo pumwesto, then yung isang medyo payat palakad -lakad naman sa likod at harapan ko.

Tanungan at sagutan sila sa oorderin nila. Hindi nila ata matanto kung avocado o avocado ang oorderin nila… eh parang di naman magkaiba yun? Yung lalaking mataba tumalungko dun sa mesa na nasa gilid ko… (bahala siya kung ano o sino man ang tinitingnan niya), tas yung payat na lalaki parang di malaman kung saan pupuwesto. Siguro aligaga sila doon sa babaeng kasama nila na in fairness naman eh sexy and pretty.

Nang malagok ko na lahat ng laman ng iniinom ko, tumayo na ako sa inuupuan ko sabay kuha ng mga nilapag kong plastic at lumakad palayo. Then I heard “she’s cute huh” mula doon sa isa sa dalawang lalaki.

Tatlo lang yan eh

a. may nakita silang female poodle,

b. she ang pangalan noong babaeng kasama nila

c. At Ako yun… hahahha

Bahala na sila, basta gusto ko na po talaga ang magbawas ng timbang at magkasya na ulit yung mga dati kong damit sa akin. Mahirap ang buhay ngayon, dapat tigil gastos. Ano po bang dapat kong gawin para pumayat kahit konti?

Sumasainyo,

Gigi TatlongKilo

Dear Gigi,

Masasabi ko lang ay more power! Magpapayat ka dahil feel mong gawin ‘yan at para sa ikagagaan ng ‘yong loob. Pero dapat doon ka sa healthy, ‘yong proper exercise & diet.

Sa ibang payo, bahala na ang mga commentator natin dito… heheh.

Mabuhay!

Ate Jevs

Because you are my friend

last week nag-blog hopping ako… nakakatuwa iyong mga posts na nakaka-inspire lalo na iyong na kay beauty 80 at ito na nga ang isa…

Because you are my friend,
my life is enriched in a myriad of ways.
Like a cool breeze on a sweltering day,
like a ray of sunshine parting glowering clouds,
you lift me up.
In good times, we soar,
like weightless balloons
over neon rainbows.
In bad times, you are soothing balm
for my pummeled soul.
I learn so much from you;
you help me see old things in new ways.
I wonder if you are aware
of the bright seeds you are sowing in me.
I’m a better person for knowing you,
so that everyone I interact with
is touched by your good effect on me.
You relax me, refresh me, renew me.
Your bounteous heart envelops me
in joy and love and peace.
May your life be filled
with dazzling blessings,
just as I am blessed
by being your friend.

—–

naniniwala ako na ang mga taong nakakasalamuha natin, lalo na iyong mga nagiging kaibigan natin ay isang salik para mahubog pa natin ang ating pagkatao. Unconsciously, nag-iiwan sila ng marka na maaaring mapansin lamang kapag wala sila sa ating tabi. Pwede rin kapag naka-LBM sila.

Like si Avi, sa pagsusulat ng blog at kung “late ka, late ka”

Leng-Leng– mag-scrapbook at mag-order sa Dells

Obet– magbawas ng ipo-proof, maging organisado sa mga red marks (kaya ngayon gamit ko violet na. hahaha!)… kape tayo kouya !

Ate tet – mag-file ng OB at paano humawak sa motor kapag nakaangkas…

Tonet – kailangang may mga theme sa mga bagay, pagiging focus sa monitor at maging “ pink & mint green.”

Ka Ver – mag-aral ng mga kabagayan sa computer at maging bukas sa hamon ng “green revolution.”

Kay Bruno – na kapalit ni chunkee na laging naghahatid at nag-aantay sa pag-uwi ko sa bahay. Sabay na ikinakampay ang buntot sa paggalaw-galaw ng tenga niya.

Kay kitkat – na kahit walang makain, mahilig pa ring magpabuntis sa mga pusakal na kapit-bahay namin. Talagang iminimulat mo akong pusa ka!

CMC barkada ko – na kahit nauso na ang anime, asianovela at pagba-blog eh tinitiis ang ka-weirduhan at kabaduyan ko.

Jen Syngkit – kahit isa kapang di nagbabasa ng blog at wala akong mahihitang comment sa iyo eh. Kadamay kita sa pagiging kuripot kahit nasa divine at recto pa tayo

Edlyn – girly-girly man at maraming problema, laban pa rin.

Kristy masaya ang magpuyat sa Jollibee UP-Philcoa na ang kinakain ay jolly cheesy fries at ipahayag ang iyong artistic side.

Venus – ang magsimba ng tuwing linggo at maging open-minded sa relasyon (wahh!)

Mga ka-Pink Panther ko – maaarte man ang iba sa inyo , eh nagkasundo naman tayo. Pwede pa lang ipatuka sa nguso ng isang basong kupita ng wine ang isang kalamansi.

Iyong iba kong friends (marami pa naman eh) basahin nyo muna blog ko… hahaha.. bago ko kayo mabanggit. Pakapalan na ito… pwede naman mag-edit eh. Hehehe. doon naman sa iba… ayokong magbigay ng comment kong wala rin naman akong masasabing maganda.. iisip muna ako ng magandang linya.

Basta maraming salamat sa mga kaibigan ko dahil marami akong natutuhan. Sana marami pa akong maging totoong kaibigan sa hinaharap!

Dawson’s Creek and Joey Potter

Maliban sa anime, nawili rin ako sa kapapanood ng youth oriented shows. Nandiyan ang Gimik, T.G.I.S, G-mik at Click pero wala na atang mas espesyal at tatalo sa pagkahumaling ko sa Dawson’s Creek (DC).

Unlike sa mga local shows, sariling discovery ko ang DC dahil napanood ko ang teaser nito sa ABS at ipinapalabas siya nun sa Studio 23, every Monday at 8pm. Nung high school wala akong nakilala na nanonood din ng DC. Halos lahat kasi ‘pag ‘di naikwento sa akin, ay nakikinood na rin lang ako ng show kasi yun din ang ginagawa ng mga friends and classmates ko.. (ano yun peer pressure?)

1998 nang iere ang programa and that time nasa 4th year high school na ako. Medyo saliwa ang timeline namin ng programa kasi yung mga bida nasa sophomore pa lang nun. But anyway, talagang nasasakyan ko ang trip nila saka ‘di ba mas liberated and mature sila., plus sa totoong buhay ay mas matanda sila sa akin. Si Kerr Smith (Jack McPhee) ay 26 years old na nang pumasok sa DC pero yung character niya 16 years old lang.

Dati nga grade 3 pa lang ako ay nanood na ako ng Melrose Place at Baywatch. Pagkatapos kasi ng Ewoks yun o ng first ever X-Men.

Sobrang naka-relate ako sa character ni Katie Holmes (asawa na ngayon ni Tom Cruise) na si Josephine “Joey” Potter. (actually wala ng iba pa!) Boyish, conservative, skeptical at brainy siya. Parang may pagkakahawig kami kung mag-isip pero siempre hindi naman ako yung katulad na katulad niya.

My most favorite scene ay nang kumanta si Joey ng “Own my Own” (from the play Les Miserables) para sa talent portion ng sinalihan niyang contest. Na-amaze ang best friend niyang si Dawson dun dahil siguro talagang nag-transform ang kanyang beauty. Dun na rin unti-unting na-realize ni mokong na ibang level na ang love niya kay Joey. Agree ako sa litanya ni Joey (although kinikilig na ako) na yung make-up at yung magandang ayos niya ay para lang sa araw na yun… bukas balik na naman siya sa usual na joey at mas maganda kong maa-appreciate siya sa natural niyang itsura at personalidad. (ako ba ito?)

Pareho rin kami ng paboritong novel ang Little Women. Dito binase ang pangalan niya, sa heroine ng nobela na si Josephine March. At pare-pareho kami ng naging career ng kinalaunan… Promise, ni hindi pumasok sa kokote ko noon na magiging inventor ako ngayon.

Di ko rin alam kung nagkataon, na-inspire or talagang trip ko lang na mas matanda rin ang type kong lalaki. Si Josephine nakatuluyan niya ay isang guro, tas sa season 5 ng DC na-in love din si Joey sa kanyang professor. Naku, huli na pala ang lahat sa akin kasi graduate na ako… saka sa bagay malabo rin kung tutuusin, karamihan ng prof ko bading saka weird hehehe.. choriii chorrii. Basta may kilig factor rin sa akin yung affair nina Joey at nung prof niya… tas in fairness may itsura pati yung actor na gumanap na prof.

Tinanong ko rin sa sarili ko kung may chance ba na parang may tipong Dawson-Joey-Pacey love triangle ako nung high school… (sirit! di ko na sasabihan, akin na lang yun). Sa tanong na sino ang mas gusto ko para kay Joey? Honestly, dati di ko masagot yun. Di ko kasi type ang itsura ni James Van Der Beek (Dawson Leery) at parang ewan naman ang character ni Pacey Witter (Joshua Jackson). But later on, agree ako sa sentiment ng aking isang friend na kapag si Pacey ang kasama ni Joey, wala siyang eklabu sa buhay, totoong totoo siya sa sarili niya. Parang ideal partner sa kanya si Dawson pero si Pacey naman yung … ewan, di ko rin alam ang tawag. Hehehe…

Nung college laman naman ako ng booksale store, kakatingin ng magazine kung saan na-feature ang DC o si Katie Holmes. Yung mga pagmumukha nila ang pambalot ko sa mga books ko at kahit saan na puwede kong isalampak ang mga pictures nila. Ang Dawson’s Creek album din ang first na nabili kong cassette tape (mas tipid kasi nun ang tape saka orig pa..) Yung site din nila ang madalas kong i-surf para updated ako sa episodes at chika sa kani-kanilang buhay. Gulat nga ako nang maging sila Katie at Joshua sa totoong buhay.

Nagkaroon din ng syota si Joey na naging bading in the end… sayang nga eh kasi gwapo si Kerr. Naalala ko yung eksena na dino-drawing ni Joey si Jack (Kerr) nang nakahubad, mala-Titanic… ang cute!

Pero kung ako yun, okay lang na medyo bading ang syota ko. Baka makalibre kasi ako ng make-up at gupit pati na ng foot spa (joke!) Naisip ko na kaya yun, ako yung magwo-work si girlalu ang nasa bahay at sa parlor business namin. hehehe

Nung una akong makabili ng VDC copy ng DC sa Odyssey (siempre original yun no) at na-excite akong panoorin yun… kahit di ko favorite ang mga episodes. Na-realize ko na, okay din pala ang character ni Dawson na nangangarap maging film director. Ako naman gusto ko commercial lang muna. Parang kailangan dumaan ka muna sa maraming hardships and criticisms bago mo mapagtagumpayan ang dream mo.

Nakakatuwa na na-experience ko rin yung gumagawa sila ng short film na about sa love story rin nila ni Joey. Nung college kasi , ako yung assistant director and scriptwriter ng short film namin na pang bading din ang story… (talagang di pa raw ako tapos sa kabadingan. Hehehe). Alam mo yung pagko-conceptualize, yung mismong shooting at hanggang sa huling sandali sa editing studio. Sama nga ng loob ko noon, kasi ang credit ko lang ay ang pagiging assistant director, eh akin kaya ang idea ng story… kaya dapat scriptwriter din. Wuhuhuhu… (yan ang sinasabi ko e, sa mga section 1 and section A mas nakakarami ang mapapel!) Basta na-inspire at maluha-luha ako nung mapanood ko yung episode na yun… siguro kasi iyon din ang time na muli kong napanood yung program after 2003.

Naalala ko rin na gilting-guilty ako noon kapag napapalampas ko ang DC para lang sa Winter Sonata ni Bae Yong Jun ko. Pero ngayon makakabawi na ako, meron na akong buong season 6 (yahoo!!!) Talagang ire-rekomenda ko ang DC kahit sa mga younger generation. Of course, may mga ilang eksena na dapat hindi ginagaya, like yung mga patungkol sa sex.. pero in way kasi nagtuturo din siya ng aral at pang –awareness lang ang mga yun.

Masasabi ko na sobrang na-touch ako ng program na ito and big part siya ng teen/college years ko… Dito nagmula ang mga fashion ko (noon), yung reaction ko, saka inspirasyon ko sa pag-aaral at buhay. Naiyak ako nang magsara na ang programa na para bang tapos na rin ang pagiging bata ko.

Pero okay naman sa akin ang ending at saka yung mga pinuntahan ng characters, although namatay si Jen Lindley (Michelle Williams). Hahaha, si Jack nakatuluyan yung cop na elder bro ni Pacey (ang mga hitad sa dalampasigan pa nag-lambutsingan!)

Siempre, kung ang baby thesis ko ay anime, ang pinaka solo thesis ko naman ay “Youth Oriented Shows: Effects on Teenagers’ Values and Intellectual Development.” Like dun sa una, bawat ginagawa ko sa second thesis ko ay okay… malaki man ang gastos at pagod ko. Di ko nga alam kong paano ko napasagot ang may sobrang isang daan na high school students from three different schools. Saka wala akong tigil sa kaka-research. Bakit ba eh gusto ko naman ang nalalaman ko?! Naging pal ko pa nga yung isang librarian namin dahil nahilig naman siya sa isang youth shows nung 80’s. (Eddie nakatipid nun sa kaka-print at kaka-research Hehehe..)

Sana may ganun ulit na program (kahit hindi ko na siya mapanood)… yung hindi puro kalandian at pagpapapogi lang ang ipinapakita. Wag naman sanang ipamukha sa mga kabataan na pakikipagrelasyon at pagsunod sa uso lang, ang mukha ng teen years. Sana tulungan din sila sa pamamagitan ng mga characters at mga istoryang tumatalakay kung paano nila i-develop ang kanilang personality. Tas bigyan ng mas malalim na focus yung pag-cope nila sa mga problema at kung paano nila abutin ang kanilang mga pangarap, i-inspire sila kung baga.

Sus tantanan na yung “rich boy meets girl,” “sobrang gwapo ko, love triangle tayo,” “Bro and sis, inggit ako.” Saka ang mga geek ngayon, hindi na halos nakasalamin… palalabasin ngang matalino pero kinakawawa naman sa grupo… ano yun eddie bopol rin. Oh eto, bat hindi kaya nila talakayin ang “identity crisis.” Sa DC ko lang napanood yun, sa story and character ni Jack. Taz medyo panabit lang yun kasi support lang naman siya. (naku lumalalim na ako, oi nakakuha ng idea… sorry yung detalye ibibigay ko kapag ako ang director at writer.) Oh hindi ba, yung mga tomboy at bading, ginagawa lang clown sa story, tas matatapos yun kapag na-in love na si tomboy kay boy next door… tantanan!!!

Sa ngayon, enjoy ako sa kapapanood ng DC… anong episode and season na nga ba ako?… hehehe!!!