Category Archives: Arts

20140405-110633.jpg

wanna be an e-book writer

Sa blogging nakapakadali to express yourself at kasama na roon ang iyong arts, knowledge and sentiments. But iba pa rin naman ang fulfillment when you published a book  under respected publication such as Vibal Publishing.

Ngayon sa iBlog10 or the Philippine Blogging Summit 2014 na ginanap sa Malcolm Hall, UP College of Law, I think good thing lumapit ang Vibal dito para naman sa mga expressive (in writing) na gaya ko. Oo gusto ko rin maging e-book writer or book author.

Ganoon din, appealing iyong digital products, apps, and services nila na helpful in educating Filipinos in general. Wanna know more about those things? Well better visit their website Vibal Publishing .

Back to my interest, ang makapaglathala ng libro, dream ko talaga ‘yan lalo na dati na gustong-gusto kong maging storybook author. So aaralin at susubukan ko ang Vibe Bookstore, why not ‘di ba? Dream and act, ito na ang chance and tool.

Prince Hours Bear

Walang madali…pati Videography

Kung seseryosohin mo lang ang  larangan, karera o pasyon na iyong nais pasukin siguro walang makapagsasabing kay dali-dali

kahit na ang mga henyo na sanay mag-isip o  mga masisipag na sanay magbanat ng buto

Sa ganang akin,  iba rin naman ang klase ng fulfillment o sarap sa pakiramdam kapag  pinaghihirapan mo ang iyong pangarap

lalo na nga kong mailap, magalaw,  malikot at ikaw mismo ay hirap na mahuli sa iyong tamang anggulo.

Pero ang suma total pa rin naman, kahit anong hirap o kung kinukulang ka pa sa effort at least nagsisikap ka.

kahit kakarampot may nakukuha kang pagbabago, kahit alam mong  kung may halaga itong salapi -ito ay kakaunti

hindi ka tumitigil, hindi ka susuko ang importante magawa mo ang magagawa mo sa sandaling iyon ng iyong buhay.

Alin nga ba mas  nakakapagsisi ang wag na lang sumubok kasi baka pangit o hayaan ang sarili na i-explore pa ang bawat aspeto.

Saan darating ang umaga?

Bakit ako mahihiya?

tanong mo pa sa sarili mo: kung ‘di ikaw, sino?

kung di ngayon? kailan?

ah

basta mahirap talaga kumuha ng photo at video lalo na kung nagmamadali ka, pasmado, gutom, puyat, at di mo inaaral ang iyong digital camera.

Ang  winning answer mo na lang… eh at least nakita ko naman sila ng personal at napanood ko sila ng Live with NOHHH commercial break.