Masaya ba ang blogging?

Nitong October 3 ay limang taon na ang Kwento’t Paniniwala ni Hitokirihoshi.  Bago ito dumating ang dami kong naisip na pakulo gusto ko maging bongga naman dahil biruin mo nakakalahating dekada na ako sa pagba-blog sa una kong site.  Pero hindi ko rin nagawa kasi abala ako sa aking offline life ( na of course mas importante pa rin sa buhay ko at sa buhay nating lahat).

Kamakailan lang ay may nagtanong sa akin kung masaya ba ang blogging (Hello Grace!). Medyo natagalan ako sumagot, hindi dahil nablangko kundi ” mahirap sagutin ‘yan kasi passion ko ang blogging.”  Sa una hindi, pero nung nagtagal ay naging part na ito ng lifestyle ko.

Outlet to express yourself

Lahat ng tao ay pinapayuhan na ilabas ang saloobin. Ang kati-kati sa dila ‘pag may gusto kang sabihin na masaya o malungkot pero hindi mo magawa.  Puwede mo rin sabihin pero parang hindi ka naman pinakikinggan. Puwede ring pakikinggan ka pero alam mong hindi naman interesado ang kausap mo. Sa Blogging, walang limitadong espasyo. Walang editor or advertiser na magdidikta sa iyo na hanggang d’yan lang ang word count at characters na puwede mong isulat. O kung hindi man kahiyaan ay hindi ka pipilitin na magsalita sa lengguwahe na hindi mo naman talaga gamay. Malaya kang magpahayag ng iyong pananaw at ng iyong emosyon.

At tiyak na may mga taong  babasa sa iyong post lalo na kung ito ay malaman, may katuturan at  makatotohanan.

Rediscovering yourself

Kapag matagal  ka nang nagsusulat at may nababasa ka ring kapwa mo bloggers, you can’t help but to analyse yourself against them, intentionally or not. Hindi  ito usapang inggitan kundi isang realization sa iyong craft at pagkatao. Hanggang dito ka na lang ba? May gusto ka pa bang gawin? Paano ba  mas magiging buhay ang aking blog? Paano ko mapapataas ang aking Google page rank or Alexa ranking? Sali kaya ako sa Saranggola Blog Awards, PEBA o Philippine Blog Awards?

Hindi mo makikita ang kabilang panig kung hindi ka magbubukas ng bintana. Hindi ka makakatawid sa kabilang daan kung hindi ka gagamit ng tulay. Gamitin mo ang blogging para matulungan mo ang sa sarili mo na mahanap ang gusto mo. Tiyak na rito ay maraming bagay kang matutuhan na minsan ay hindi mo inaakalang gusto mo pala.

You are not alone

Puwedeng mababa ang blog hits mo, bibihira ang nagko-c0mment sa iyo pero definitely you are not alone sa blogworld. Ilan na ba rito ang nagsabi sa akin na “nakaka-relate ako sa iyo Hoshi.”  Hindi ko sila ka-edad, hindi kami pare-pareho ng estado sa buhay at  malamang kanya-kanya kami ng ganda (ano pa?) pero madadama mong sincere ang kanilang comment. May iba rin kasi sadyang nagbabasa lang nahuhuli mo na lang kung saan nanggagaling na site, saang bansa at anong keywords ka na-search (weird nga minsan e).

parang maka-blue pa ko d2 hehe

You’re interacting with human

Funny sabi sa isang web tool na ginagamit ko, ang baba raw ng rate ng mga lalaking na bumisita sa site ko especially sa Hoshilandia.com. Paano kaya ‘yon eh puro lalaki ang nagko-comment dun at  majority rin dito? Hind naman din panlalake ang mga blogposts ko? Pero whatever gender, status, at cheverlou-  you know tao ang kausap mo.  Ako ang saya-saya ko ‘pag may nakakausap akong interesante o kahit hindi, basta pareho kaming into blogging.

Nakakabasa ka ng naiibang kuwento,  istoryang totoo at karanasan na maaari mong kapulutan ng aral.

Lots of possibilities/opportunities

Yes I believe that there’s money in blogging or shall we say blog monetization… (teka lang magpapahid lang ako ng blood sa aking nose ). Puwede ka ring makatanggap ng advertisement proposal at makatanggap ng invitations as a simple blogger.

star kumot

Believe pa lang din kasi  hindi ko pa naman masyado nae-experience nyahahaha.  Pero seryoso mayroon naman kahit papaano pero ayoko sya i-discuss sa post na ito.  I think  ang greatest possibility or opportunity na magagawa ng blogging sa iyo ay personality development kung magpapaagos ka sa positive effect nito.

Ilang blog events ba ang nagbubukas sa isang taon, ilang organisasyon ang nagbibigay ng  slots para sa mga bloggers at kung anu-ano pa. Ilan na rin ang nakadaupang palad ko because of blogging kung nakaka-inspire yon.  hehehe. Iilan na lang din ang tumitingin ng mabababa sa isang blogger. Hindi ka na lang basta-basta kung pagyayamamin at magiging masaya ka sa gawain na ito. kaya?

Happy Blogging!

Power tips for public commuters

Taxi

  •  Noon – sasakay ka ng taxi ‘pag hindi mo alam ang pupuntahan mo kasi maalam ang driver.
  •   Ngayon – mag-taxi ka kasi nagmamadali ka na lang at dapat mag-research ka na sa Internet pag hindi mo alam ang pupuntahan mo .
  •   Noon – mapapatingin ka sa mga decorations lalo na yung mg asong tango ng tango.
  •  Ngayon – titingnan mo na lang kung gaano kabilis ang takbo ng metro.
  •  Noon – magta-taxi ka para kumportable – may aircon at music
  •  Ngayon – maging observant ka, kasi maraming taxi wala ng music at pang blower sa buhok  paang hangin.

Good news: dapat nakataas na ang metro para makita ng pasahero na hindi madaya ito

Train

Noon – magti-train ka para mabilis kang makarating  sa iyong pupuntahan
Ngayon – mabilis-bilis pa rin naman, manalangin ka lang na huwag masiraan

    • Noon

–  hinihiling ng mga babae na magkaroon ng separate rail car para sa kanila

  • Ngayon – sumasama na ang  mga babae para sa mga lalaki, especially sa rush hour.
    • Noon

– kakabahan ka sa iyong katabi dahil baka ka mahipuan

  •  Ngayon –  kakabahan ka pa rin dahil kung hindi ka mahipuan puwede ka ring madukutan

Goodnews:  mahigpit ang guard sa pagpapasok ng rail car para sa matatanda at buntis sa LRT2

Jeep

  •  Noon – magagalit ka sa driver na kaskasero magpatakbo
  •  Ngayon – magpapasalamat ka pa sa kanya dahil sa tindi ng traffic, dagdagan mo na lang ng panalangin.
  •                 Noon – “barya lang po sa umaga”
  •                 Ngayon – gawin mo ng maghapon at magdamag, pahirapan magsukli ang ibang driver.  Minsan gugulangan ka pa. Pag sila ang may kulang, pagbibigyan mo pero pag ikaw – it’s a no-no for them. Peace!
  •                 Noon – magbabayad ka kaagad para iwas abala
  •                 Ngayon – magbayad ka na lang pag malapit na lalo na kapag sakto bayad mo. why? Para pag nabangga at masiraan, ligtas ka!

                Good news: bibihira na ang driver na naninigarilyo at may anghit

Bus

  •                 Noon – hindi ka mapakali o makatulog sa bus dahil may mga little to tiny to micro cockroaches sa gilid ng bus
  •                 Ngayon –   hindi ka mapakali o makatulog sa bus dahil ingay ng katabi mo pati ng TV na  nakakahilo ang labo ng signal.
  •                 Noon – maaga ka aalis para makapag-bus.
  •                 Ngayon – hindi ka lang maaga, doon ka na rin bumawi ng tulog sa haba ng byahe.
  •                 Noon – parang sardinas ang siksikan sa loob ng bus.
  •                 Ngayon – parang  maling na (ang good news  hindi pa applicable ang hindi mahulugang karayom. Saka wag lang magdala nun makakasundot ka ng puwet)

                Good news:  hindi na uso ang naglalagay ng textmate promo sa upuan at bibihira na delatang bus

Kapani-paniwala ni Hitokirihoshi

Masaya ang pagkatiwalaan, ibig sabihin makatotohanan ka di ba? Pero ang paniwalaan pati ang malikot mong imahinasyon ay Day at Dong ibang level na ‘yon.

Scene 1.  Duguan center

Nagkakwentuhan kami ng isang friend. Sabi niya sa department duguan daw sila kasi bawal na ang mag-tagalog at magbabayad ng piso kapag nagkamali. Ang suggestion ko sa kanya, mag-“Yeah know” or “something like, you know” kapag nahihirapan na siya. Saka dapat yung pagkasabi niya noon with conviction, iyong tipong kapag nagpa-elaborate pa  ay magmumukhang walang alam ang kanyang kausap.

Natuwa’t natawa lang ako nung naikwento sa akin ng isa naming common friend na sinunod niya ako. Halos bawat sentence daw ni Harmony (di totoong pangalan)  ay laging may “you know!”

Scene 2.  Waiter ni Kuya

Mayroon akong kuya-kuyahan na laging natutuksong majunda na. Binigyan ko siya ng tip na para magmukha siyang bata tawagin niya lahat ng kuya at ate.

Ito na kumain kami sa isang sikat pizzahan at nang nag-order siya.

“KUYA ito sa akin at saka KUYA ito po…” si kuya tebO (binaligtad na pangalan). Windang kami kasi napakabata pa nung waiter. tawa kami ng tawa nang hindi na nagbalik yong waiter at nag-out na.  Sabi namin, baka nag-walk out kasi sumama ang loob nang tawagin ba naman niyang kuya eh para na niyang anak ‘yon. Wahahaha!

Scene 3. Tatay na siya

Bagong kakilala ko lang si Trina (di totoong pangalan) nang maitanong niya sa akin si Ramon (di totoong pangalan). Sabi niya may pamilya na raw ba si  lalaki. Tanong ko naman bakit niya itinanong. Sagot niya “ blah-blah-blah” (rason). Sagot ko ay oo, may dalawa siyang anak na nasa misis niya sa probinsiya. Nagkahiwalay sila ng misis niya noon tas kailan lang sila nagkabalikan. Kailangan niyang mag-sumikap sa buhay para matustusan yong dalawang anak nila.

Buti hindi chismosa si girl pero kinimkim talaga niya sa sarili niya na ganun talaga ang pinagdaanang buhay ni Ramon. Nagulat pa nga siya ng sinabi kong binibiro ko lang siya. (Kasi binatang-binata si Ramon at may gf lang). Dahil sa kwento ko raw na kapani-paniwala eh naintindihan pa naman daw niya sana kung  bakit laging mukhang haggard si Ramon.