Blogging is freedom

ibon lang ba ang may layang lumipad?

pating lang ba ang puwedeng pumaroo’t parito sa deep ocean?

bata lang ba ang puwedeng magwala?

paano naman ang pusong puno ng damdamin?

kokoteng sasabog na sa nag-aalab na ideya?

Ano ang sagot mo? Mayroon o wala?

Puwes baka makasagap ka ng creative juices sa

Pulang Tinta Mula Sa Matalim na Pluma

na entry ni Doklita.

Ikaw, bakit ka nagba-blog?

Join ka na sa Blog Life Contest at  i-discover ang mission mo sa blog world!

Blogging is learning more about yourself

sa salamin makikita mo ang pagmumukha mo – that’s it, makikita mo itsura mo sa moment na ito.

sa mga kakilala mo ‘pag tinanong mo ang opinyon nila about you – may ilang angle silang sasabihin about you

pero kung sino man ang higit na nakakilala sa iyo ay ikaw… na ang bahala.

paano kilalanin ang sarili? buhay mo yan ano! pero puwede kang mabigyan ng tips ni Mish sa kanyang…

WHY AM I BLOGGING?

entry.

Ikaw, bakit ka nagba-blog?

Join ka na sa Blog Life Contest at  i-discover ang mission mo sa blog world!

Masaya ba ang blogging?

Nitong October 3 ay limang taon na ang Kwento’t Paniniwala ni Hitokirihoshi.  Bago ito dumating ang dami kong naisip na pakulo gusto ko maging bongga naman dahil biruin mo nakakalahating dekada na ako sa pagba-blog sa una kong site.  Pero hindi ko rin nagawa kasi abala ako sa aking offline life ( na of course mas importante pa rin sa buhay ko at sa buhay nating lahat).

Kamakailan lang ay may nagtanong sa akin kung masaya ba ang blogging (Hello Grace!). Medyo natagalan ako sumagot, hindi dahil nablangko kundi ” mahirap sagutin ‘yan kasi passion ko ang blogging.”  Sa una hindi, pero nung nagtagal ay naging part na ito ng lifestyle ko.

Outlet to express yourself

Lahat ng tao ay pinapayuhan na ilabas ang saloobin. Ang kati-kati sa dila ‘pag may gusto kang sabihin na masaya o malungkot pero hindi mo magawa.  Puwede mo rin sabihin pero parang hindi ka naman pinakikinggan. Puwede ring pakikinggan ka pero alam mong hindi naman interesado ang kausap mo. Sa Blogging, walang limitadong espasyo. Walang editor or advertiser na magdidikta sa iyo na hanggang d’yan lang ang word count at characters na puwede mong isulat. O kung hindi man kahiyaan ay hindi ka pipilitin na magsalita sa lengguwahe na hindi mo naman talaga gamay. Malaya kang magpahayag ng iyong pananaw at ng iyong emosyon.

At tiyak na may mga taong  babasa sa iyong post lalo na kung ito ay malaman, may katuturan at  makatotohanan.

Rediscovering yourself

Kapag matagal  ka nang nagsusulat at may nababasa ka ring kapwa mo bloggers, you can’t help but to analyse yourself against them, intentionally or not. Hindi  ito usapang inggitan kundi isang realization sa iyong craft at pagkatao. Hanggang dito ka na lang ba? May gusto ka pa bang gawin? Paano ba  mas magiging buhay ang aking blog? Paano ko mapapataas ang aking Google page rank or Alexa ranking? Sali kaya ako sa Saranggola Blog Awards, PEBA o Philippine Blog Awards?

Hindi mo makikita ang kabilang panig kung hindi ka magbubukas ng bintana. Hindi ka makakatawid sa kabilang daan kung hindi ka gagamit ng tulay. Gamitin mo ang blogging para matulungan mo ang sa sarili mo na mahanap ang gusto mo. Tiyak na rito ay maraming bagay kang matutuhan na minsan ay hindi mo inaakalang gusto mo pala.

You are not alone

Puwedeng mababa ang blog hits mo, bibihira ang nagko-c0mment sa iyo pero definitely you are not alone sa blogworld. Ilan na ba rito ang nagsabi sa akin na “nakaka-relate ako sa iyo Hoshi.”  Hindi ko sila ka-edad, hindi kami pare-pareho ng estado sa buhay at  malamang kanya-kanya kami ng ganda (ano pa?) pero madadama mong sincere ang kanilang comment. May iba rin kasi sadyang nagbabasa lang nahuhuli mo na lang kung saan nanggagaling na site, saang bansa at anong keywords ka na-search (weird nga minsan e).

parang maka-blue pa ko d2 hehe

You’re interacting with human

Funny sabi sa isang web tool na ginagamit ko, ang baba raw ng rate ng mga lalaking na bumisita sa site ko especially sa Hoshilandia.com. Paano kaya ‘yon eh puro lalaki ang nagko-comment dun at  majority rin dito? Hind naman din panlalake ang mga blogposts ko? Pero whatever gender, status, at cheverlou-  you know tao ang kausap mo.  Ako ang saya-saya ko ‘pag may nakakausap akong interesante o kahit hindi, basta pareho kaming into blogging.

Nakakabasa ka ng naiibang kuwento,  istoryang totoo at karanasan na maaari mong kapulutan ng aral.

Lots of possibilities/opportunities

Yes I believe that there’s money in blogging or shall we say blog monetization… (teka lang magpapahid lang ako ng blood sa aking nose ). Puwede ka ring makatanggap ng advertisement proposal at makatanggap ng invitations as a simple blogger.

star kumot

Believe pa lang din kasi  hindi ko pa naman masyado nae-experience nyahahaha.  Pero seryoso mayroon naman kahit papaano pero ayoko sya i-discuss sa post na ito.  I think  ang greatest possibility or opportunity na magagawa ng blogging sa iyo ay personality development kung magpapaagos ka sa positive effect nito.

Ilang blog events ba ang nagbubukas sa isang taon, ilang organisasyon ang nagbibigay ng  slots para sa mga bloggers at kung anu-ano pa. Ilan na rin ang nakadaupang palad ko because of blogging kung nakaka-inspire yon.  hehehe. Iilan na lang din ang tumitingin ng mabababa sa isang blogger. Hindi ka na lang basta-basta kung pagyayamamin at magiging masaya ka sa gawain na ito. kaya?

Happy Blogging!

aNO KIA memory? 3210!

Pinaka-memorable na Nokia phone ko ay ang 3210 unit na ibinigay sa akin ng ate ko. Kahit pinaglumaan niya ay tuwang-tuwa ako sa phone na iyon dahil:

– Easy to use– hindi mahirap pumindot sa keypad at hindi mahirap intindihin ang paggamit kaya ‘di rin nakakatamad mag-text.

It was affordable to beautify – Dahil ginagamit ng karamihan ay maraming available na accessories para rito gaya ng housing o casing, bag at holder.  Dagdag pa roon iyong puwedeng palitan ng backlight, mapalitan ng graphic na picture message, at mag-compose ng ringtones na aminado akong pinagbubuhusan ko talaga ng panahon.

No problem with charger, battery and service centers – maraming available bilihan o mahihiraman.

Ang mga rason na ito, kasama na sa bigay ng ate ko, kaya espesyal ang Nokia 3210 kong iyon. Subalit wala na rin sigurong mas magiging memorable pa rin doon. Bakit?

September 20, 2001 nang nanalo ako ng award sa aming unibersidad. Tuwang-tuwa ako dahil iyon ang unang award na natanggap ko noong college ako. Bunga na rin ng aking paghihirap at gastusin sa pag-aaral. Subalit ang kasiyahan na iyon ay nangalahati dahil ‘yon din ang petsa na nawala ang Nokia 3210 ko.

Hindi ko napansin na isa rin pala ito sa mga tumapong laman ng bag ko noong biglaang magpreno ang driver ng sinasakyang kong jeep.  Napansin ko na lang na wala ito sa bag ko noong nakasakay na ako sa FX taxi at nasa kalahati na ako ng biyahe pauwi. Tinawagan ko ang phone at may sumagot pero, sabay isinara ang phone.

my latest Nokia Phone

Maligayang-maligaya ako sa sa aking award pero hindi talaga ako makangiti at mapakali nong nawala na ang kauna-unahang Nokia Cellphone ko. Naglalaman kasi iyon ng mga ringtones na pinaghirapan kong i-compose, pinakamataas kong score sa larong snake, picture messages na ipinapasa ko, importanteng contacts sa buhay ko at higit sa lahat mga mensaheng naglalaman ng inspirasyon, hinaing, pangarap at pagmamahal.

Ito ay lahok sa Nokia Essay Writing Contest

Happy 4th Anniversary Hoshilandia/Hitokirihoshi Sr!

sa apat na taon ko sa pagba-blog, naging mapagpanggap ako, nag-inarte at eventually blogger na nagpapakatotoo. ang blog na ito ay hindi lang basta sa mga kwento at paniniwala ko kundi maging sa sarili ko mismo bilang tao.

minsan naiisip ko, ako pa ba ang si hitokirihoshi noong 2007? para kasing nawawala na ang humor ko at umiiksi na ang attention span ko. hindi na rin ako gaanong makapag-blog hopping at  marami na akong itinuturing na co-blogger na dumating at umalis. pero ako ay nagpapasalamat na so far ay katamaran at kaabalahan pa lang ang kalaban ko sa pagba-blog lalo na rito. minsan iniisip ko sana may apps ang mga  cellphone ko na diretso sa wordpress. (pero hindi ako bibili ng mobile phone para lang dito …ako na ang frugal, duh!)

in four years, napagtanto ko na ang nagbibigay gana sa blogging ay mga taong tumatangkilik sa iyo. mga comments, likes at subscription. kahit iilan at sila-sila lang, okay na. basta sincere sila sa iyo okay na okay na. hindi mo kailangan i-please. kasi once na nagpi-please ka na at hindi mo gusto, mawawala rin ang drive mo.

isa pa, hindi rin maganda yung lagi kang nagba-blog. sasang-ayunan ko yung isang article na nabasa ko sa Yahoo na kapag masyado kang babad sa passion mo mabi-burn out ka rin. parang dumating ako sa point na yun pero mabuti na lang talaga hindi. nagpapasalamat ako dahil hindi lang naman kasi blogging ang inaatupag ko sa buhay at marami rin naman ako pinagkakabalahan. mas masarap mag-blog kong ikaw mismo marami kang maiba-blog at tungkol sa mga positive things na gustong-gusto mo.

hanga ako sa mga taong rumaragasa ang creative juices at ito lang ang puhunan sa kanilang pagba-blog. Ang kailangan ng mundo ngayon ay magbibigay ng kamalayan, kasiyahan at inspirasyon. Inirerespeto ko naman ang mga nagra-rant dahil ang blog ay isang espasyo sa internet para sa malayang pamamahayag. Ako mismo ay nagra-rant pero kung ito lang ang core ng blog life mo, utang na loob mag-diary ka na lang. at huwag kang magtaka kung bakit walang nagki-click ng blog mo at isa kang bad link. I believe may magagaling na bloggers na magaling mag-rant pero magaling i-convert ito sa positive ways. Isa pa yung mga hinahangan ko.

Maraming salamat sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagbibigay buhay sa aking blog life! sa mga nagbibigay sa akin ng ngiti at pumapatol sa aking mga trip. Sana ay hindi kayo magsawa. Hohoho!

plusg
plush pins (made by gawa ni femi) & caricature by Jec Mendiola
gift from VJP

(sa mga gustong bumati sa mas malikhaing pamamaranan, bukas po ang aking FB at email sa inyong pagbati… hitokirihoshi@gmail.com )