Somewhere in Time

Nakapanood ako ulit ng tragic pero naiibang love story ng old fick na Somewhere in Time. Pinagbibidahan ito ng yumaong aktor at mas kilalang SuperMan na si Christopher Reeve at ng magandang si JANE Seymour ( yung ganda niya parang yung crush kong si Catherine Zeta Jones).

21-09-09_1451
Somewhere in Time (original copy)

Siguro ngayon naging ordinaryo na lang ang love story na may twist na time travelling o yung mahal noong isang tao sa story ay nabuhay sa nakalipas.Pero noong napanood ko ang 1980 film na ito noong high school ako saVHS pa ay sobrang naantig ako. Karagdagan pa yung na napaka-familiar background music dito.

Dito talagang babalik ka sa nakalipas, kasi yong pagkakagawa pa lang ng film na ito ay ni wala pa ako sa plano ng aking mga magulang. tapos ang masaya pa ay nag- time travel pa talaga si Richard (Mr. Reeve) sa taong 1912 para lang sa babaeng kinahuhumalingan niya. in fairness naman talaga, kung ganoon ka-classic ang beauty.

Marahil dala ng napanood ko ulit, napaisip ako. Ano nga bang sandali o eksaktong petsa ng buhay ko ang gusto kong balikan? Alam n’yo kahit masarap balikan yung mga sandaling naglalaro lamang ako sa ilalim ng ulan, masayang gumagawa ng activities noong high school at ma-anime na ma-anime pa, ayoko na sila balikan.

Napagtanto ko na ang nakalipas sa akin ay isa na lamang dapat ala-ala at ayoko rin naman alamin masyado ( konti lang hehhee) ang hinaharap. Ang nais ko ay mamuhay sa kasalukuyan kahit siguro mas mahirap at maraming challenge. Kahit pa halimbawa, yung memory ko ay mabura at balik din sa time na pupuntahan ko. Kung ano man ako ngayon, dahil yun sa napagdaanan ko at magiging pundasyon ko sa hinaharap.

hayyyy.. may naalala tuloy ako na mahirap kalimutan… charot!

May-akda: Ate Jevs

fairy god sister ni Hitokirihoshi ng Hoshilandia.com, eat food, sing songs, explore life, travel places, meet people and love...advice/stories/tips

14 na mga thought (isipan) sa “Somewhere in Time”

  1. Pingback: Celebritylife.org
    1. hello ruella and welcome sa hoshilandia!

      nagagandahan ako sa name mo.

      may mahahanap ka pa nyan. ako nakakita sa may astrovision sa megamall. 156 lang may kasama pang isa pang vcd. kung isa lang bibilin mo, P100 lang siya.

      oh di ba promotion din ito ah.. heheh pero meron din siguro sa odyssey, try mo na rin.

      mabuhay!

  2. may tama ka dyan.daming times sa buhay natin na masarap talagang balikan.

    high school life,first out-of-town trip with the barkada,first love,first crush,at kung anu-ano pa.

    pero we have no choice.we have to move forward.all good things come to an end but it should not stop there. :p

    1. yes Flamindevil “it should not stop there.”

      bukod sa wala tayong choice, marami pa tayong ma-e-experience na maganda at challenging. sabi nga ni master oogway sa “kung fu panda”

      “Quit, don’t quit? Noodles, don’t noodles? You are too concerned about what was and what will be. There is a saying: yesterday is history, tomorrow is a mystery, but today is a gift. That is why it is called the ‘present.'”

    1. medyo binaha yung ilang part ung bahay namin pero mild lang at lucky pa kami compare sa mga ilang dito sa baranggay namin. as in binaha yung mga bahay at inanuran ng mga basura.

      si len , sinabi lang na di papasok. siguro kung di man sila binaha, mahihirapan naman siya kasi taga BUlacan yun e. dadaan siya sa NLEX

      1. btw, original yan no… ewan ko lang sa nag-packaging nyan… di man lang iniba sa mga nabibiling ordinaryo / pirated. porket discounted price na. hehehe

        reklamadora lang… blogger sa kiyeme

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: