Monolougue: Qong Eno Man Eon

I

May gusto kang gawin na nais kong malaman pero

tinatanong kita, hindi mo ako masagot

Gusto mong subukan ang naiibang bagay pero

Ayaw mong gawin dahil ikaw ay natatakot

Ikaw ba talaga ay may inaasam o patutunguhan

Sagot mo naman ay oo subalit hindi mo pa lang alam

kung ano eksakto at paano

payo ko naman ay dagdagan mo na rin

ang tanong , kailan?

II500 post

Batid kong malakas ang iyong personalidad

Kita naman sa dami ng iyong abilidad

Pero bakit puso mo’y may agam-agam

Isipan ay nababalot ng pag-aalinlangan

Para kang Reyna na nakaupo sa trono

na nagkutkot ng kuko sa daliri

kinakagatat  ang pang-ibabang labi.

Alam mo ‘yong nasa iyo na halos lahat

Ayaw mo lang umasta nang ayon sa nararapat

IIIKorean's Traditional Bed

“Tantanan mo ako, buhay ko ‘to

Mahirap ipaliwanag

mukhang magulo …

damdamin ko ay emosyonal

kokote’y tulirong-tuliro

pero Qong Eno Man Eon

hinahanap ko, ako lang din ang

makakatuklas noon ,”

tugon mo sa pag-uusisa ko.

Masasabi ko lang

Ei One Quo Seo

More power and mabuhay na lang!

Stronger than yesterday

Binabasa ko ulit ang nabili kong Go Negosyo: 21 Steps on How to start your own Business noong 2011 or 2009 pa ata. Ang nakakatuwa rin kasi sa book na ito bukod sa inspirational tips ay isa rin syang workbook or text book na may sasagutan ka.  Hindi ko natapos basahin ito dati dahil sa dami kong inaasikaso sa buhay- seryoso or kalokohan.  Pero may mga nasimulan na ako na sagutan gaya ng tanong na  What are my fears and  What worst thing could ever happened? and I found out I’m stronger, braver, and bolder now.

The answers -Then and Now 

Nangunguna sa isinulat ko ay lost my job or be a bum and the worst thing ay ma-fired  pa ako. Saan naman pupulitin ang kakarampot kong ego ‘di ba pag nasesante ako? Sa huling sagot ganun pa rin ang sagot ko, ayoko masesante kaya ginawa ko lahat ng makakaya sa bawat work ko. pero ang sagot ko sa una ay naiba na. yehey! In fact ako pa ang may ganang mag-resign.

Honestly, kung logic din ang paghuhugutan ko ng sagot napaka-impractical ng mga actions ko this 2013. I resigned sa first job ko na wala akong ipon, may utang pa ako na 35K at wala akong bagong work.  Hindi ba mas maganda yung may malilipatan ka muna bago ka umalis para hindi ka nababakante.  Sa kuro ko kasi, I tried so many times sa past na mag-apply habang nagwow-work sa gusto kong layasan pero hindi ako nagtatagumpay. Siguro kasi nahahati rin ang attention mo, nandoon yun naiisip mo yung naiwan mong mga files, baka mapansin ka na absent ng boss mo or may interrogation, puwede rin yung what if nagkita pa kayo sa kalye. Ka-pressure ang walang work kaagad pero that gives me motivation na galingan sa bawat interview or exam na pupuntahan ko. All out wala ng hindrance go for gold-(i need cash e hehehe).

And I’m right nakapasok ako sa type ng field na tinatarget ko – mas challenging, higher salary and  marami akong natutuhan na bago. And then I quit again. ganun ako ka-brave mag-resign at mawalan ng job.

What’s the worst  thing that could ever happen for me?  

Not trying for my dreams and happiness. Sa totoo it really hurts yung mag-fail ka, masaktan ka, parang kulang yung support at ma-heart broken ka. Feeling ko pa naman this year magkaka-love life na ako hahaha! Terence here, here!

pero mabuti na ang masaktan kaysa wala totally kang maramdaman. wala kang progreso ay yon at yon ka lang. Kapag nasasaktan ka, bumabangon ka at nagkakaroon ng motivation na sumulong.  Ayoko dumating yung point na wala na akong nagawa sa buhay ko at wala na akong time para balikan sila.

Mabuhay!

 

Comfort Zone

bahay ba yun? area na  maraming spa o baranggay na may masarap ang simoy ng hangin.

facade 5_ heroic in foreign place inspiredkung ang comfort zone ay nahihimpilan, kuwarto ko na yun  na tinatawag ko ring  Orange and Purple Nassau.

kung tao  yun – siempre mga kaibigan  at pamilya ko na –  walang kiyeme-kiyeme.

kung gawain yun- eddie yung lagi ko ng ginagawa, alam na alam ko at nagpapasaya sa akin

safe   at masaya ang mag-stay  sa comfort zone not until isang araw, maramdaman mo  na lang

-gusto mo ring sumubok ng iba

-gusto mo ring maiba ang takbo ng iyong buhay

-gusto mo ng challenge

-wala ka ng growth na maramdaman

-at ultimately , hindi ka  na masaya

Pero kung iwan mo naman ito, nandoon ang maraming risk. Parang investment  na siguro maganda ang interest kung ikaw ay papalarin at big loss naman kung hindi .

-nandoon yung laging nagpa-palpitate ang puso mo

-nangangarag ang budget mo

– ang mga maging maingat  dahil baka may makabangga ka

– at kailangan mo ng ibayong adjustment dail bago sa iyo ang lahat

At least, nasagot yung mga hinahanap mo ‘di ba? Subalit hanggang saan  nga ba ang kaya mong ilayo? Hanggang ano ang kaya mong isakripisyo at ipagpalit?

Kung ako ang tatanungin mo

– hanggang ‘di  pa ako pagod

-hanggang hindi natatapakan ang prinsipyo ko

-hanggang nararamdaman ko na naroon ang pag-asa, pakikipag-kapwa, at pagmamahal

-at hanggang sa makauwi na ako

-o makagawa ng panibagong comfort zone