Somewhere in Time

Nakapanood ako ulit ng tragic pero naiibang love story ng old fick na Somewhere in Time. Pinagbibidahan ito ng yumaong aktor at mas kilalang SuperMan na si Christopher Reeve at ng magandang si JANE Seymour ( yung ganda niya parang yung crush kong si Catherine Zeta Jones).

21-09-09_1451
Somewhere in Time (original copy)

Siguro ngayon naging ordinaryo na lang ang love story na may twist na time travelling o yung mahal noong isang tao sa story ay nabuhay sa nakalipas.Pero noong napanood ko ang 1980 film na ito noong high school ako saVHS pa ay sobrang naantig ako. Karagdagan pa yung na napaka-familiar background music dito.

Dito talagang babalik ka sa nakalipas, kasi yong pagkakagawa pa lang ng film na ito ay ni wala pa ako sa plano ng aking mga magulang. tapos ang masaya pa ay nag- time travel pa talaga si Richard (Mr. Reeve) sa taong 1912 para lang sa babaeng kinahuhumalingan niya. in fairness naman talaga, kung ganoon ka-classic ang beauty.

Marahil dala ng napanood ko ulit, napaisip ako. Ano nga bang sandali o eksaktong petsa ng buhay ko ang gusto kong balikan? Alam n’yo kahit masarap balikan yung mga sandaling naglalaro lamang ako sa ilalim ng ulan, masayang gumagawa ng activities noong high school at ma-anime na ma-anime pa, ayoko na sila balikan.

Napagtanto ko na ang nakalipas sa akin ay isa na lamang dapat ala-ala at ayoko rin naman alamin masyado ( konti lang hehhee) ang hinaharap. Ang nais ko ay mamuhay sa kasalukuyan kahit siguro mas mahirap at maraming challenge. Kahit pa halimbawa, yung memory ko ay mabura at balik din sa time na pupuntahan ko. Kung ano man ako ngayon, dahil yun sa napagdaanan ko at magiging pundasyon ko sa hinaharap.

hayyyy.. may naalala tuloy ako na mahirap kalimutan… charot!