pinaiyak ako ni Sarah

noong sat naisip ko manood naman ng TV. palipat-lipat, wala akong magustuhan na palabas. hanggang sa napadpad ako sa Studio 23 kung saan ipinapalabas ang Sarah Ang Munting Prinsesa starring Camille Prats (as Sarah), Jean Garcia (Ms. menchin), Rio Locsin (Amella), Angelica Panganiban (Becky), at Mat Ranillo III ( Sarah’s father).

maraming bagay ang nagbalik sa aking ala-ala. noong pinapanood ko pa angversion nito na cartoon. na paborito ko noon si Camille dahil cute siya at magaling sumayaw. na nakasabay ko pa noon si Angelica nang manood ako ng Magic Temple, na ang bata-bata ko pa noong time noon.

aaminin ko medyo naluha ako. kasi noong sarah days pa ay black and white pa lang ang TV namin (kasi yun lang meron), nagmamadali akong umuwi at para maunahan ang mga kapatid ko sa panonood, tas siete ilang taon na ba ang nakakaraan. si Becky ay si Rubi na. hehehe

pero pagkatapos kong medyo maluha, napangiti ako. at bakit? kasi tingnan mo nga naman pinanood ko na siya sa sarili kong TV na de-remote control pa. kahit sabihin nating tinawadtawarn ko sa ate ko ibenta lang sa akin ng mura. hehehe

Kagabi nga wow na wow at proud na proud ako sa jabbawockeez kasi hindi lang sila champion sa first season ng America’s Best Dance Crew kundi sila ang top 1 sa Top performers sa ABDC  sa loob ng 3 seasons. at ang nag-tsika noon ay si Randy Jackson. yeah!

Advertisements

Somewhere in Time

Nakapanood ako ulit ng tragic pero naiibang love story ng old fick na Somewhere in Time. Pinagbibidahan ito ng yumaong aktor at mas kilalang SuperMan na si Christopher Reeve at ng magandang si JANE Seymour ( yung ganda niya parang yung crush kong si Catherine Zeta Jones).

21-09-09_1451
Somewhere in Time (original copy)

Siguro ngayon naging ordinaryo na lang ang love story na may twist na time travelling o yung mahal noong isang tao sa story ay nabuhay sa nakalipas.Pero noong napanood ko ang 1980 film na ito noong high school ako saVHS pa ay sobrang naantig ako. Karagdagan pa yung na napaka-familiar background music dito.

Dito talagang babalik ka sa nakalipas, kasi yong pagkakagawa pa lang ng film na ito ay ni wala pa ako sa plano ng aking mga magulang. tapos ang masaya pa ay nag- time travel pa talaga si Richard (Mr. Reeve) sa taong 1912 para lang sa babaeng kinahuhumalingan niya. in fairness naman talaga, kung ganoon ka-classic ang beauty.

Marahil dala ng napanood ko ulit, napaisip ako. Ano nga bang sandali o eksaktong petsa ng buhay ko ang gusto kong balikan? Alam n’yo kahit masarap balikan yung mga sandaling naglalaro lamang ako sa ilalim ng ulan, masayang gumagawa ng activities noong high school at ma-anime na ma-anime pa, ayoko na sila balikan.

Napagtanto ko na ang nakalipas sa akin ay isa na lamang dapat ala-ala at ayoko rin naman alamin masyado ( konti lang hehhee) ang hinaharap. Ang nais ko ay mamuhay sa kasalukuyan kahit siguro mas mahirap at maraming challenge. Kahit pa halimbawa, yung memory ko ay mabura at balik din sa time na pupuntahan ko. Kung ano man ako ngayon, dahil yun sa napagdaanan ko at magiging pundasyon ko sa hinaharap.

hayyyy.. may naalala tuloy ako na mahirap kalimutan… charot!

“You’d be the meanest wife ever, okay!”

– “What? Cause I got bored and had sex with you and I didn’t want to like marry you?”

-“Like I’d marry you! You’d be the meanest wife ever, okay? And I know that you weren’t bored that day because there was a lot of stuff on TV, and then ‘The Blair Witch Project’ was coming on Starz and you were like ‘I haven’t seen this since it came out and if so we should watch it’ and then ‘but oh, no, we should just make out instead la la la’”

Ummm… sa totoo lang, nagdadalawang- isip ako na i-share ‘yong amazement ko sa pelikulang Juno pero may social relevance siya at may aral na maidudulot so go!

Napanood ko na ang Juno sa sine siguro mga 2007 or 2008. Doon pa lang nasabi ko na ah addition ito sa favorite movies ko. Napaka-realistic ng plot (unplanned teenage pregnancy) at ang ganda ng pagkakahain ng twists ng istorya. Of course major points pa roon ang effective portrayal nina Ellen Page (Juno), Michael Cera (Paulie Bleeker), Jennifer Garner (Vanessa Loring) and J.K. Simmons (Mac Macguff) sa kani-kanilang character.

Uhmm masasabi ko na may tatlong bagay na sasalo sa isang pangit na pelikula, bukod sa sobrang publicity – iyon ay ang acting, story, and (kung sablay ang script at least) magandang batuhan ng dialogues. Hindi ko masyadong nakuha yung ilang lines noong una kong napanood (hindi ko nagamit masyado ang aking ultra magnetic supersonic radar power nun Madame Leng-leng) pero wahhh, good thing napanood ko ulit.

Na-realize ko na napakalinaw mag-throw ng linya ng mga actors especially si Ellen. Kung ita-transcribe ko ang boses niya hindi ako mahihirapan. Natural na nakakaaliw yung combination ng kwela pero malaman na dialogues.  May dalawa akong pinakagusto bukod doon sa taas na linya nina Juno at Paulie na hilarious talaga at ni-rewind-rewind ko pa. Naka-relate tuloy ako ng todo at naisip ko paano kung may magsabi sa akin nun? na  hindi malabo kasi nasabihan na kaya ako nang..

Eks-class-mate na tumawag sa phone: “Yung tawa mo pala parang demonyo?!”

Hitokiri: buhahahahahah, hindi naman a

HS Eks-class-mate: “Kailan ka ba magpapaka-dalaga/ magma-mature?”

Hitokiri: next year na lang.

HS eks class-mate: (phone) Hindi ka pa rin nagbabago, hindi ka marunong sumeryoso…

(sa isip ni hitokirihoshi: eh loko  pala 2 e – gusto mo ipaligpit kita. joke!)

Pero ang touchy, maliban dun sa issue ng abortion ay ‘yong payo ng dad (J.K.) ni Juno.

“Look, in my opinion, the best thing you can do is find a person who loves you for exactly what you are. Good mood, bad mood, ugly, pretty, handsome, what have you, the right person is still going to think the sun shines out your ass. That’s the kind of person that’s worth sticking with.” -Mac MacGuff

Ganda ‘di ba! Pwedeng narinig n’yo na ‘yan pero iba ‘pag ni-rewind. And hindi lang ‘yan pang romantic aspect kundi for practicality na rin. Isipin mo na lang kapag nagustuhan ka kasi may ganito’t ganyan kang katangian. Eh kung mapanot ka, mag-tungkod, nag-ulyanin, mabaog, ngumiwi ang mukha, maghirap, umitim o pumutla, pumandak etc. eddie bye bye na?

Pero siempre ang pinaka-moral lesson sa Juno ay ang pag-handle sa big problem especially nga sa unplanned pregnancy. Kung nakagawa ka ng mali ‘wag mo ng dagdagan dahil maraming choice. Marami diyan umiinom ng kung anu-ano, nagpupunta kung saan-saan, gumagawa ng anu-anong kabagayan para lang magkaanak. Hirap kasi sa iba na puro pasarap, sa mga fetus ang pahirap.

source of quotes:

http://www.imdb.com/title/tt0467406/quotes

Ang Pinaka Paboritong movies ni Vilma Santos

Kung papipiliin ninyo ako rati kung sino between Vilma Santos at Nora Aunor ang type ko, mas gusto ko si Vilma.  Dahil kasi iyon sa show niya sa GMA 7 na talagang may bonggang-bonga production numbers siya palagi. Eh mas hilig ko ang mga sumasayaw kaysa kumakanta.  Feeling ko kasi,  marami na ang magaling na singers at singer-singeran pero ang magaling at graceful sumayaw, napakabihira niyan.  Sa ngayon, kahit  kanino na  ako. After naman ako sa kabuuan ng pelikula at acting at hindi sa artista.

Nitong nakaraang linggo nakapanood na naman ako ng “Ang Pinaka” and ang kagandahan pa nito  ang mga paboritong movie ni  Star For All Season- Vilma Santos ang tampok.

Vilma Santos old photosIto po ang mga iyon:

10: Alias Baby Tsina (1984)

9.  Dekada ’70 (2002)

8. Lipad Darna Lipad (1973)

7. Tagos ng Dugo (1987)

6. Anak (2000)

5. Bata Bata Paano Ka Ginawa? (1998)

4. Pahiram ng Isang Umaga (1989)

3. Burlesque Queen (1977)

2. Sister Stella L (1984)

1. Relasyon (1982)

Ang pinakapaborito ko naman dito ay ang “Bata-Bata Paano Ka Ginawa.” Astig itong pelikulang ito, kahit sino sa cast wala kang itatapon. Sa lahat pinakagusto kong eksena ay nung tinatanong ni Albert (Ding)  si Vilma (Lea)  kung anong magandang luto para sa itlog- prito ba o laga?  Eh aligaga si mother Vi sa pagpapatahan kay Maya (Serena Dalrymple na wow na wow ako sa performance) kaya ‘di sya makasagot. Sa bandang huli nagalit si Ding… alam nyo sagot ni Lea?

Lea: NANG putang ina gawin mong manok!

Siempre winning moment at classic talaga ang acting nina Carlo Aquino (Ojie) at Vilma sa scene na…

Lea: Wala akong ginagawang masama

Ojie: akala mo lang wala, pero meron-meron

(Sampal ate VI with matching panggigil ng nguso at panlilisik ng mata!)

(Pasampal ka Carlo habang umiiyak then hinga ng malalim!)

I like it grabee.  Naku kung natutukan lang talaga ng kung sino man yang si Carlo A. talo pa niyan sana sina Piolo P, Jericho R, John Lloyd C. sa mga stars ng 2.

Bukod sa mangilid-ngilid din ang luha ko, lalong-lalo na iyong itinulak ni Claudine si Vilma nang ipinapauwi siya nito sa bahay nila noong naglayas siya, memorable talaga sa akin ang “Anak.”  Iyan kasi iyong pelikula na pinanood namin ni Manang Juling sa sinehan na kinain ata ako ng silya.

Ito ang eksena, nakapwesto  sa  medyo gitnang part ng orchestra sina  Manang Juling at Hoshi. Ang nasa screen na ay ang confrontation scene ni Vilma at Claudine kung saan sinabi ni VIlma: “Sa bawat paghithit mo ng sigarilyo mo… kung ayaw mo  sa akin, ayaw ko rin sa ‘yo!”

Manang Juling:  Tingnan mo nga nagagawa ng ina. Kahit anong sama ng mga anak nandiyan pa rin (medyo humahagol-gol habang sinasabi).  Ang anak matitikis ang magulang pero ang magulang….

eh akala ng tao inaaway ko ata siya, nagbulungan tuloy. Tas may narinig ako Grabe naman yang babaeng ‘yan! Hayun kinain na ako ng silya ko. Hahaha!  Akala siguro nila si Claudine katabi nila. (joke)

Yung ibang pelikula sa chart ay ipinalabas ng wala pa ako sa mundo kaya hindi ko masyado na maarok. Ito ay maliban sa “Burlesque Queen” na super renta ako before.. Yung “Dekada ’70” di ko naman pinanood kasi di ko trip, wala siguro ako pera noon. Sa lahat naman ng laman ng survey  naku- curious ako sa “Tagos ng Dugo” mukhang maganda siya e.

Hay miss ko na makapanood ng mga lumang pelikulang Pinoy.

Sana ulitin yung kina Sharon at Nora, maging yung kay Dolphy kahit napanood ko na sa Ang Pinaka.

Adik sa Pelikula

 A tag from Avi.

1. One movie that made you laugh.
Many to mention…”Bata-Bata Pano ka Ginawa”

2. One movie that made you cry.
”Lion King” definitely pero yung most recent yung Korean film na “Don’t tell Papa..”

3. One movie you loved when you were a child.
Captain Barbell ni Herbert at ni Edu

4. One movie you’ve seen more than once.
dahil  mahal na mahal kita ni Claudine Barretto at Rico Yan.

5. One movie you loved, but were embarrassed to admit it.
None

6. One movie you hated.
Di Kita Ma-reach ni Mickey Arroyo

7. One movie that scared you.
Most recent “The Eye”…  pero di talaga ako mahilig sa horror

8. One movie that bored you.

“In the mood for Love”… yan ang most recent hehehe

 
 9. One movie that made you happy.
kung di comedy film, yung film na about woman empowerment…so yung last “Juno”

10. One movie that made you miserable.
”Somewhere in time,” starring Christopher Reeves

11. One movie you weren’t brave enough to see.
wala naman masyado. Dalawang lang yan, wala akong pera o di ko type…Like yong “Da Vinci Code…”

12. One movie character you’ve fallen in love with.
dami e, kung lalaki at ang naalala ko ngayon  si Marc Darcy ng Bridget Jones’s Diary… sa  girl si Juno

13. The last movie you saw.
”Forbidden Kingdom” nina Jet Li at Jackie Chan.

14. The next movie you hope to see.
”Kung Fu Panda”