Ikaw, Ikaw, Ikaw

Ikaw, Ikaw, Ikaw

Puwede ba tantanan na ninyo ako. huwag nyo na ako guluhin. Okay fine happy kayo sa buhay ninyo at ganito ako. masaya na ako para sa inyo pero puwede pag nagkita tayo huwag nga kayong nang-aano. Pero mas maganda wag na tayong magkita-kita. Hindi rin kayo ang gusto kong makita.

Puwedeng mukhang wala lang at may halong kaplastikan, pero definitely nabubutihan ako sa sitwasyon ninyo. Wala as in. hindi rin ako naiingiit kasi ganyan nangyari sa inyo kasi honestly kampante naman ako sa buhay ko. nangangarap, may mga frustration at naiisip na rin pero ito ako.

Ikaw – sa tuwing nagkikita tayo ang flirt-flirt mo. actually naging crush naman kita dati kaso dati pa rin alam kong hindi tayo talo. Taas mo kasi ano?! Para akong bobo ‘pag pinagtabi tayo. Akala mo naman mabibilog mo ulo ko. “I want to spend my lifetime loving you” ka pa dyan! Mukha mo! kahit suotin mo pa ang maskara ni Antonio Banderas hindi ka pang-Zorro. Desperado, puwede pa. eh ano naman paki ko sa kalendaryo mo. wala pa ako doon, palibhasa nauna ka. gusto mo naman sundan kita. hayyyy! pero sige, dahil understanding ako. iintindihin kita. Uwi ka na sa inyo, shoooh!

At Ikaw naman – okay fine crush at scholar ka ng bayan. Nasa sayo ang respeto. Parang ‘pag pinag-fair tayo mapapa-ha? Ang lahat. Why ako? Wala rin ako sanang problema sa iyo kundi ka lang sa pagiging ungentle man mo. Uunahan mo pa talaga ako sa upuan at sasakyan. Tingnan mo pag nakabili ako ng sasakyan, papasakayin kita nang malaman mong hindi ako kagaya mo. I’ll melt you with my kindness. Oo guapo ka nga, siguro reluctant akong aminin yun pero sorry ka Dong. Hindi rin kasi tayo talo. Gusto sana kitang kaibiganin dati pa kaso ako- gusto ko  epol ikaw gusto mo, epal. Feeling mo sa akin immature na tao, alaga ng mga nakakatanda. Siya-siya, magtrabaho ka na lang ng mahusay at magpakabuti ka na.

Oo Ikaw din,  wala, wala naman akong reklamo sa iyo. Hindi mo lang ako pinapansin masyado. Parang ang gili-giliw ko naman sa iyo at tinutulungan kita pero wala lang. Mababang uri ako? Kuya! Huwag kang mag-alala hindi kita hahabulin at hindi na ako ang dati mong inabangan. Sorry to disappoint you pero kailanman hindi ako sumusunod sa dikta ng kung ano naayon para sa isang babae, kundi sa kung saan ang tama at saan ako komportable. Pero it doesn’t mean na pag turnoff ka eh may right ka na tratuhin ako ng ganito. Hindi ka kailangang maging sing guapo ni Bae Yong Joon (kasi nag-iisa lang yon) at kasing yaman ni Prince William (kasi ayokong maging buhay prinsesa tamang business Tycoon lang). dahil kahit nasa iyo lahat pero pag hindi kita trip, hindi rin talaga.

Note: hindi lang traffic at hirap sa pagsakay ang problema sa pagko-commute kundi sa makakasabay mo rin.

– pasaherong windang

Somewhere in Time

Nakapanood ako ulit ng tragic pero naiibang love story ng old fick na Somewhere in Time. Pinagbibidahan ito ng yumaong aktor at mas kilalang SuperMan na si Christopher Reeve at ng magandang si JANE Seymour ( yung ganda niya parang yung crush kong si Catherine Zeta Jones).

21-09-09_1451
Somewhere in Time (original copy)

Siguro ngayon naging ordinaryo na lang ang love story na may twist na time travelling o yung mahal noong isang tao sa story ay nabuhay sa nakalipas.Pero noong napanood ko ang 1980 film na ito noong high school ako saVHS pa ay sobrang naantig ako. Karagdagan pa yung na napaka-familiar background music dito.

Dito talagang babalik ka sa nakalipas, kasi yong pagkakagawa pa lang ng film na ito ay ni wala pa ako sa plano ng aking mga magulang. tapos ang masaya pa ay nag- time travel pa talaga si Richard (Mr. Reeve) sa taong 1912 para lang sa babaeng kinahuhumalingan niya. in fairness naman talaga, kung ganoon ka-classic ang beauty.

Marahil dala ng napanood ko ulit, napaisip ako. Ano nga bang sandali o eksaktong petsa ng buhay ko ang gusto kong balikan? Alam n’yo kahit masarap balikan yung mga sandaling naglalaro lamang ako sa ilalim ng ulan, masayang gumagawa ng activities noong high school at ma-anime na ma-anime pa, ayoko na sila balikan.

Napagtanto ko na ang nakalipas sa akin ay isa na lamang dapat ala-ala at ayoko rin naman alamin masyado ( konti lang hehhee) ang hinaharap. Ang nais ko ay mamuhay sa kasalukuyan kahit siguro mas mahirap at maraming challenge. Kahit pa halimbawa, yung memory ko ay mabura at balik din sa time na pupuntahan ko. Kung ano man ako ngayon, dahil yun sa napagdaanan ko at magiging pundasyon ko sa hinaharap.

hayyyy.. may naalala tuloy ako na mahirap kalimutan… charot!

Hoshi in Dreamland

Synopsis:

Kagagaling ko lang sa pagsisiesta and once again ginamitan na naman ako ng psychology sa dreamland. Nakaka-strike two na nga ako in one week. I have my own interpretation pero baka meron din kayo sa 2 dreams ko na I think ay may common denominator.

Episode 1: Beaded Necklace

Nasa mall si Hoshi with her family. Matapos niyang matawag ang pasaway niyang pamangkin, nakita niya si Pao at nakita rin siya nito. Hindi niya alam kung bakit ang unang pumasok sa utak niya ay takbuhan ito. She ran as fast as she could, lumipad ng mataas at maging invisible. But this time, magaling ang lalakeng humahabol sa kanya parang hindi n’ya matakasan.

When finally naisip niyang tapusin na ang marathon game na iyon, hinaharap niya si Pao na naging si Eli. At binibigyan siya nito ng beaded necklace.

Episode 2: YM

Sa isang common place kung san madalas namamalagi si Hoshi, napansin niyang may isang pinagkaiba rito. May isang ekstrang upuan dun na napag-alaman niyang pwesto pala ni Mike.

Naisip niyang for years wala siyang kontak dito and now, pwede na silang mag-chat araw-araw through YM. She was about to ask someone para tawagin si Mike at hingin dito ang ym nito. Subalit, hindi niya tinuloy. Ano pumasok sa utak niya? Siguro pride o wala lang…


Short and simple pero meaningful ang mga eksena sa dreamland. Pwede iyong effect lamang pag—iisip, usig ng subconscious mind, at siguro premonition. May naiisip ba kayong intepretatation sa story one and two?