Update: Pagal at pasasalamat

Madali ang maging malungkot lalo na kung iisipin at dibdibin mo. hindi mo na kailangan ng ibang factors lalo na kung talagang likas patola ka sa negative energy na nasa singit-singit lang ng iyong leeg at kuyukot.

Alam mo ba ang salitang “pagal?” parang naramdaman ko yan nitong second week ng June. Pero kahit ganun, nagpapasalamat ako na kahit hindi natupad yung hiling ko may mga napatunayan naman ako sa aking paglalakbay. Malakas pala talaga ang loob ko, kahit mukhang imposible at katangahan – gagawin ko at kahit mahirap sa isang punto malalaman mo rin sa sarili mo kung ano talaga ang gusto mo.

Nagpapasalamat ako sa Kanya dahil may mga tao akong napagtatanungan, may bago akong nakilala at muling nakita at may mga tao na okay naman palang kasama.

Nagpapasalamat ako na kahit malayo iyong mga lugar, traffic at maulan ay nararating ko at nakakauwi naman ako ng safe.

Nagpapasalamat ako na nalalagpasan ko ang mga pagkakataon at mga tao na akala ko dati ay imposible kong maharap. Wala na akong paki kung ako ay napahiya basta lalaban ako.

At kahit nakakatanggap ako ng bad news at may konti pang pagal effect ang aking katawang tao ay ida-divert ko na lang sa winner na pang-divert, ang tumingin sa magagandang bagay. update-update na!

1.kung nabasa mo ang Gadgets? Laptop,netbook or typewriter post ko… well tinupad ko na siya. Nakilala ko na si Hugh  -

2. kung nagtatanong ka kung ano nangyari sa aking pagiging I’m an active Passive Stock Investor . nakatanggap na ako ng dividend ko mula sa aking isang stock at nakakadalawang hulog na ako.  –

3.  at sa wakas nagbunga na rin ang aking Passport Renewal. Natanggap ko na ito noong sat, yahoo!

4.  may adjustment na sa aking ngipin at waist line yahehehe. Kaya kahit mahirap ang may  braces kakayanin ko. konti na lang good bye na sa mahirap pagkasyahin na mga damit.

5. Nakabili ako ng murang LG GW305 sa halagang P1000 (sa ate ko hehehe) at nagagamit ko na siya sa aking sideline. hehehe

6. Google PR 3 na ang Hoshilandia.com ko yahooooo

7. Google PR4 na ang KwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI.wordpress.com. crayola na ako!!!

12 thoughts on “Update: Pagal at pasasalamat

  1. ikaw na. 🙂 ikaw na ang pinagpala. ^^ heheh

    tomoh. 🙂 always na maging optimistic kahit ano pa ang bad news na bumagyo saten. :))
    pasensya naman at busyness ako,wala pa kasing work, busy sa paghahanap. 🙂 nakakamiss ka hoshi. ^^

    1. salamat Katrina. ibinabahagi ko sa iyo ang pagtaas ng aking google pageranks. isa ka sa aktibo sa mga blog ko.

      alam kong busy ka kaya naiintindihan ko at nami-miss na rin kita. I hope makatanggap ka na rin ng good news. mabuhay ka!

  2. ang dami namang nangyari sayo
    may good, may bad, may beautiful (ikaw yun huli. yes!)
    congrats sa passport
    sasama ka ba sa sunod kong byahe?
    pagpugay na rin sa mga pr ng blogs mo
    hindi ako naniniwala ke mr. google
    sa puso kp pr10 ang the deadbeat club

    bukas ka na bumisita sa mag-comment sakin, ha’para may july blog entry na ako
    bukod sa iba mga posts ko na wala ka pang comments

    yes, maningil talaga
    nyahaha

    1. ang cute-cute mo talaga raft3r! hehehe

      yun na lang sasabihin ko para sa mga papuri mo. ayeeeh

      oo naniniwala ako pang pr10 na yang blog mo. ikaw na ang active blogger. hehehe

      sige aatekehin ko rin yang deadbeat club mo.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s