emBRACES

Matagal kong pinag-isipan kung magpapa-brace ako. Sa lahat ng rason na nakalap ng kokote ko para mag-decide na ay hindi naman nangibabaw na pangporma ito. Mas lalo pa ngayon na napatunayan ko ang mga sakripisyo kapag may mga bakal sa ngipin.

  1. ang mahal! Dahil alam ko naman na hindi ito cash na binabayaran, naglakas loob na ako. Sa ngayon, wala pa ako sa kalahati ng total amount na napagkasunduan namin ng aking dentista. At wala pa akong hiningi na kahit ni isang sentimo sa magulang ko.
  2. hindi makakain ng maayos. Ang una kong sinubukang kainan nung ikabit  ang braces ko ay squid ball. Resulta? Napamura ako sa sakit. Next kong sinubukan ang saging. Resulta? Napamura ako sa sakit. Nung tiniyaga kong pira-pirasuhin ang adobo, tanggal ang isang kalawit.
  3. hirap linisin. Bukod sa mahal sa ordinaryo, mahirap hanapin ang toothbrush para sa may braces at isa-isang ngipin ang kinakaskas ko para malinis.
  4. walang social life. dahil alam ko rin lang naman na hindi ako makakain nang maayos at pantawid gutom lang ang mga kinakain ko, ako na nagsasabing ayoko lumabas.

Sa mga unang nakakaalam na mayroon na akong braces. Okay akong kutyain pero kapag inuulit-ulit medyo nakakairita na rin talaga. Parang ang dating yung perang inipon ko ay kung saan ko lang pinulot at ni-convert ko pa sa pangporma. Nagpa-brace po ako kasi KAILANGAN.

Pero kahit anong sabihin ng iba at sa mga sakripisyo, hindi ko pinagsisihan ang aking desisyon. Nakaka-survive naman ako at nakikita ko ang ilang benipisyo.

  1. pumayat na ako. marami ang nagsasabi nyan sa akin. pero ako mismo nararamdaman ko na ang dating masisikip na damit ay nagluwagan na.
  2. nakakatipid na rin. Although kailangan ko talaga mag-ipon para sa babayarin.  Mas nakakatipid talaga ako dahil hindi na ako nag-a-attempt na kumain sa labas. Kung kakain man sobrang piling-pili.
  3. mas nakakapagbasa. dahil walang distraction na paglabas, makakahanap ka talaga ng panahon para gawin ang mga lagi mong ipinagpapabukas.
  4. mas nakakapaglinis – actually same reason ito sa no. 3 pero  ang idagdag ko lang ay kapag naglilinis ka na may braces ka. Feeling mo kailangan gumaan ang paligid mo. (oh mino-motivate ko lang sarili ko?) kung hindi makapagkitaan ay dapat gumawa ng paraan para makatipid.
  5. mas nagsasalamin na ako – tawa ka, pero totoo yan.  Ang salamin ko lang kasi ay ang salamin sa kuwarto ko o salamin sa office namin. pero ngayon nakaka-conscious na baka may nakasabit sa ma ngipin ko. hehehe
Advertisements

22 comments

    • talagang di maawat sa toy con nya kahit naghihirap na ako sa gastos at pangangatawan.

      oo good thing yang pagpayat ko.dekado ko rin pinangarap yan. ngayon lang natupad. hehehe hitting two birds with one stone.

      • ay naku. pamasahe na lang gagastusin mo. sagut ko na yung entrance at kain natin. hehe hati nalang tau sa isang value meal. sige na punta ka na. ngyn lng uli kasi nataon na andito ko at may ganyang event. huhuhu wala ka bang puso… ='( gusto ko makasama ka kasi ikaw yung una kong nakasama sa kauna unahang anime churva sa megamall.

  1. Pinag-iisipan ko rin yan, yun lang. Kase wala pa akong trabaho para pangbraces. 😀 Well, di rin naman pangporma, may problema din kase sa ngipin ko 🙂 Idagdag mo pa na di ka nakakakain ng crispy pata. Hehheeh.

    • Malaking improvement sa Ngipin ko yung braces so worth it naman yung mga paghihirap ko. Saka yun nga pumayat ako hehehe.

      Yeah kailangan may source of income ka to do this. kasi pag wala, naku mahirap, matetenga yung bakal sa ngipin mo.

      Mabuhay at sana makapagpa-brace ka na rin!

      Salamat sa pagbisita!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s