Being ambitious, bad or good?

Nagpatulong sa akin ang isa kong kapatid na turuan ang pamangkin ko sa  assignment niya. Reading comprehension iyon at ang kwento ay tungkol sa isang kalabaw na kulang sa pansin kaya nagpunta sa syudad at gumawa ng gulo.

Doon ay nagtampisaw siya sa putikan, naglaro sa playground (mantakin n’yo) at iba pa. Ginagawa nung kalabaw ang mga ‘yon para magpasikat na ikinatutuwa naman niya pag may nagre-react kahit ‘di maganda. Bandang huli, balik farm (farmtown or farmville?) siya at  napag-isipan nyang mahal siya ng kalabaw family dahil laging pinag-uusapan ang adventure niya sa city at pinapansin siya.

Aaminin ko, hindi ko gusto yung kwento bilang mambabasa at bilang tiyahin parang wala namag iniwan na aral sa pamanngkin ko ‘yon. Basta yung kalabaw, ibinalik sa farm kasi she made people angry. Pero tuloy pa rin sa pagiging KSP niya. In short, walang redeeming value.

Ngayon dun tayo sa sagutan portion, bukod sa medyo complex sentence ang nako-construct ko (eh kinder pa nga lang yung pamangkin ko), nahirapan ako sa last question na parang… kung ikaw yung kalabaw, gagayahin mo ba yung ginawa n’ya? Masama ba ang maging ambitious?

sinong ambisyoso?
sinong ambisyoso?

Ewan ko kung nagkaroon ako ng hormonal imbalance, nag-low blood ako dahil puyat ako noon o talagang tinupak ako sa pagsagot. Ang una kasing tumoktok sa kokote ko ay natural hindi gagayahin yung kalabaw pero para itanong na masama ang maging ambisyosa, parang sobra ‘to ah!

Ang dating kasi sa akin ay “no” dapat yung sagot at yes it’s wrong to be ambitious.” Eh hindi naman masama sa akin ang maging ambisyosa. Ang masama ay yung karakter sa kuwento. Magbigay ka ba naman ng bad example, magiging masama nga. At sa pagkakaintindi ko talaga ay hindi rin naman yun ang parang tinutumbok dun e, baka yung paghahanap ng wala ka o kawalan ng satisfaction?

Tingin ngayon ako sa dictionary.com kung ano ba ang eksaktong pakahulugan sa ambitious…

1. having ambition; eagerly desirous of achieving or obtaining success, power, wealth, a specific goal, etc.: ambitious students.

2. showing or caused by ambition: an ambitious attempt to break the record.

3. strongly desirous; eager: ambitious of love and approval.

4. requiring exceptional effort, ability, etc.: an ambitious program for eliminating all slums.

Wala talagang masama sa pagiging ambisyosa, baka ilusyanada pwede pa. Saka sumasama ang bagay kung mali ‘yong ini-aim mo at mali yung paraan mo. Dagdag pa roon ay mga tao sa paligid mo, malamang kasi may inggit factor kaya yung pagiging ambisyosa nagiging masamang ugali.

Alin ba ang mainam, ang nangangarap kahit mukhang imposible o wag nang mangarap kasi imposible?

Hindi rin naman siguro magandang pamantayan para masabing mahal ka ng pamilya mo ay dahil palagi ka nilang pinapansin, gaya nga ng sinasabi sa kuwento. Ni wala ngang sumita sa kalabaw na “hoy hayop ka mali ang maging KSP, bawal ang maglakwatsa sa syudad ang kalabaw at huwag kang maghanap ng pansin dahil love ka naman dito…

Ayokong husgahan yung buong libro, dahil noon ko lang nahawakan yon at baka marami namang magandang bagay na makukuha doon. Pero hindi ko talaga type yung pagkakasulat at pati yung question and answer portion na nabasa ko. Sabihin mang ambisyosa ako!

31 thoughts on “Being ambitious, bad or good?

  1. I love this post.napatawa mo ko.naalala ko tuloy nung nasa pinas pa ko tapos tinuturuan ko yung baby brother ko. he was still in kinder that time.

    aba,luku-luko yung libro!mantakin mo ba namang ang small dog daw ay puppy (correct), ang small cat ay kitten (correct) at ang small pig ay piggy! huwaaaaaaaaaaaat!!!!

    1. salamat at nagustuhan mo itong post ko.

      hahaha aray ko naman yon, baboy na binaboy pa. ewan ko maloloka ako pag ganyan ng ganyan, minsan pa man din ang bata mas pinapanigan yung unang nalaman nila at yung sabi ng teacher nila.

      wahhhhh

  2. ganun??? baka nagsawa lang ang kalabaw na lagi syang pinag-aararo at gusto nyang maranasan ang buhay ng isang tao.

    ung kalabaw naman kasi engot. nakapagliwaliw na nga sa syudad, nanggulo naman.

    sana nag alaga na lang sya ng bata, nagkape sa starbucks, tumulong sa bilangan ng balota, yun tipong pang good samaritan ang dating.

    HI pamangkin!!!!

    1. hi Tito!

      oo may ganbun factor ata sa kwento, sawa na sya sa buhay na puro kalabaw ang kasama niya. hindi pa siya pinapansin.

      sa bagay, oo nga dapat yung kalabaw nag-starbucks para kapani=paniwala. hehehe… pero mas maganda siguro na twist sa story na naiisip ko ay ng makatagpo siya ng kabayo na naghihila ng kalesa. tas tutulungan nyan yun. hehehe

      mabuhay!

      1. hmmm oo masara mais lalo na sagana sa asin at mantikilya..

        pede rin yung sweetcorn sa cup tapos amy cheese powder..

        pepino? ammm… masarap sya sa salad o kaya sa hamburger. hhehe
        pede rin sa eyebag? LOL
        hahaha

  3. Wala talagang redeeming value? Sabagay, noong unang panahon ang mga babasahin mayroon. These days complex na eh. Andaming layers of expression. Kesyo nasa underlying resentment pala ng kung sino’ng supporting character. Anyway, ambition for me (unsolicited) is like a knife. Tama ka. Nasa character na ng tao paano n’ya ito gagamitin. It can prepare liempo or it can cut a man. The knife, I mean.

    1. oo wala akong makuhang values and if meron ang hirap ma-pick up kaagad. eh pambata ‘yun. gaanong pag-iisip ba ang hinihiling nila sa kinder para makuha yung gusto nila ipakahulugan. at Random student, yung mga support character lahat naka-support talaga sa kanya… walang komontra.

      pero sana yung teacher ng pamangkin ko ay okay at na-explain niya ang mga kabagayan.

      yes, agree ako sa pananaw mo sa ambition. para din yang apoy, pwedeng makabuti at pwede ring makasama. mabuhay!

  4. hmmmm… uba ang epekto sayo ng kalabaw… wala nga namang masama sa pagiging ambisyosa, libre yun. Tama ka din na ang di maganda ay ang illusyunada… sabu ng iba halos pareho dw yun… sa akin hindi…

  5. natawa ako. ang adik nung teacher. buti hnd ko pinersue ung teaching career ko kundi bka bff kme ng teacher ng pamangkin mo..hehe

    ambisyoso? hmmm..masarap mag ambisyon lalo na kung meron. i mean, un ang magiging motivation mo to do something..to strive harder to reach that ambition..ang masama kung meron ka ng gagawing labag sa basehan ng ‘tama’ o ‘norms of society of right or wrong’…

    yes, serious ang comment ko..hnd ako sanay..^,^

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s