
noong unang panahon may isang encantada na nagpaparoo’t parito sa ortigas. ang maghapon niya ay iginugugol niya rito para kumatha ng mga makabuluhang magic spells.
isang araw na deadma si king sun ay ‘di sinasadyang napigtal ang kanyang kasuotan dahil tumilamsik ang isang kandado nito. nag-panic ang encantada dahil ang kanyang powers ay limitado. Wala pang signal ang kanyang magic wand at kailangan niyang maglakad ng malayo matapos siyang makababa sa kanyang delatang karwahe.

pagbaba niya sugod agad siya sa kastilyo ni Robin, eh sarado pa. napangiti na lang ang cute na encantada dahil at least bukas ang tindahan na many stuff. subalit sa kasawiang palad, walang bagay dito na pwede niyang ipangdugtong sa kanyang napigtal na kasuotan.
sa kanyang kapoproblema, napapasok siya sa isang pook na nagpapadalisay. Pagkatapos mahimasmasan ay pumunta siya sa palikuran malapit dito. Napangiwi ang kanyang labi sapagkat mahaba ang pila ng mga aliens.
“paano ba ito? pigtal na ang aking kasuotan, mahaba pa ang pila. sana maayos ko ito!” hiling ng encantada.

ang totoo, medyo mahiyain ang encantada lalo na sa mga aliens. pero naisip niya ang sabi ng kanyang Big Bro, ” Kumatok ka at ikaw ay pagbubuksan, humingi ka at ikaw ay pagbibigyan.” alam n’yang baka walang tumulong sa kanya pero nilakasan niya ang kanyang loob.
nagtanong siya at ang unang alien na tinanong niya ay agad na tumalima. binigyan siya ng big and shining perdible. husto na para masolusyonan ang problema sa kanyang kasuotan.

matapos magpasalamat sa alien at maikabit ang big and shining perdible, napagtanto ng encantada na kahit papaano ay may mababait pa ring alien sa daigdig at tama talaga si Big Bro.

mula noon ay nagdadala na siya ng perdible, hindi lamang para sa kanya kundi para makatulong din sa iba pang nilalang at aliens. Pay it forward kung baga.
hahahahaha…..lakas ng powers ni BRO…Tama…maghanda hindi para sa iyo lamang…kundi sa mga taong mas nangangailangan nito sa hinaharap…..
kaya ako magdadala na rin ng perdible! bow!
wow! natutuwa naman ako sa iyo kuya Blu nangunguna sa komentuhan…
korek, malakas talaga ang power ni Bro at tumpak Siya sa Kanyang mga kawikaan. dahil nagsabi ka na magdadala ka na, pag naubusan ako… hihingi ako sa iyo. charot! more power!
Ang perdible o aspili in Iluko ay ginagamit ng Lola ko noon na panakot sa akin pag masyado akong madada.
🙂
hahaha! e naperdible ka naman ba?
naalala ko tuloy yung natusok kong bride noong nag-abay ako. hahaha
haha.. ganda ng istorya! mahiwagang paerdible pala solusyon… 🙂
napadaan lang…
hi and welcome sa Hoshilandia!
thanks din at nagustuhan mo ang istorya…
dalaw ka lagi!
Baka iyon talaga ang purpose ng encantandang iyon — ang magpamudmuod ng perdible. hehe
Natulungan na nga ako ng encantandang iyon at ng kanyang perdible. :-)))
talaga? malamang yang encatada na yan eh… part ng paraiso ng hoshilandia… yahooo!
safety pin?? haha.. un ung soluxon??? 😀
npadaan lng.. ü
korek yun ang naging sagot sa problema ng encantada…
mabuhay & welcome sa Hoshilandia!
bakit di mo sinabi agad?
may pardible ako sa aking man purse
lagi akong handa, eh
hehe
pamputok din yan ng pimples
nyahaha
aray ko raft3r! natawa naman ako doon… pamputok lang ng pimples… eruption yan pre… hehehe
hahaha ang cute nung alien…. Kaya pala naimbento ang perdible… mapahalagahan nga itong mga nakakalat na perdible sa bahay.
heheh… korek i-spread ang kindness ng big and shining perdible
welcome sa hoshilandia jasonhamster
hehehe ang galing ng kwento, very creative. sige makapagdala nga ng perdible, baka sakaling makarami ng kaibigan. lol
hi bernard and welcome sa Hoshilandia!
salamat at nagustuhan mo ang fairy tale story na ito na may bahid ng katotohanan… heheh
sige dala ka lang perdible for your personl and social uses… hehe mabuhay!
wahahaha ang kulet pamangken sabbi na alam ko to eh!! ayon o turo sa taas nandon ako.
😀
oo nga mukhang dahil sa post na ito kaya ka napadpad sa Hoshilandia ko.
tingnan mo nga at talagang jasonhamster talaga ang tawag ko sa iyo.
walang galang na pamangkin. wahahaha
LUFET
Salamat and welcome dito sa Hoshilandia Sr!