sandali

i

araw-araw nararamdaman ko na dapat lagi akong magmadali

hindi dapat babagal-bagal, tama na muna ang pagmumuni-muni

ewan parang kailangan atang makipagkarera palagi

ii

subalit aking napagtanto na hindi lamang ito  simpleng bagay,

kahit kasi ako’y nasa bahay,  parang bawal na maging pasaway

bat nga ba gawai’y ‘di maubos-ubos at tila laging kinakapos?

iii

marami akong nasimulan pero wala na atang katapusan

sari-sari ideya ang iniisip ngunit ‘di alam ang uunahin

nakakaloka nga minsan pero ayokong huminto, nakakabato

iv

alam kong may ugali ako at mahirap atang masolusyonan ito

alam mo ba kung ano? Iyon ay pagiging aligaga kong tao

kapag abala-dapat abalang-abala, ‘pag tinupak- tamad na tamad

v

sa mga  panahon na ako’y  nagkukumahog may kinakausap ako

di naman ‘yon sumasagot, basta tuloy lang ang kanyang  ikot

sa bagay,  representasyon lamang siya ng aking kinakalaban

vi

at kahit naman anong gawin ko, hindi ko na mapipigilan pa

kailangan kong sumabay, ayokong magsisi at ayaw ko rin patalo

pero sa totoo lang, tao rin ako na napapagod at gustong mag-aliw

vii

kung bakit nga ba kasi ang bilis-bilis ng takbo ng  panahon?

Kung kailan ka ganadong gumawa,  parang maigsi lang ang oras

Tas kapag may hinihintay ka, para kang naghihintay sa kawalan

Trivia:

-Sa buong bahay namin may siyam kaming orasan, dalawa lang ang gumagana.

...many hats @ d same time...is gold
...many hats @ d same time...is gold

-Tatlo ang relos ko, lahat naman gumagana. Dalawa roon bigay sa akin at ‘yong isa, binili ko kasi naka-sale

-Matapos ang ilang buwan – nung Linggo ay ipinakabit ko na ang natanggal na no. 9. at isang dot sa isa kong relos. Napilitan na ako kasi sumasabit sa mga kamay, humihinto tuloy ang oras ko.

Advertisements

28 thoughts on “sandali

  1. hahahaha…maraming gawain at abalahin….kulang ang oras….walang na-aachieve…

    FOCUS-SETTING PRIORITIES-GOAL SETTING

    ito ang mga tatlong bagay na pagtuunan mo ng pansin…

  2. korek… korek.. diyan ang kulang.. problema lang talaga pag nilagay ko na focus ko sa siang bagay. para akong adik, doon lang atensyon ko nakakalimutan ko na oras.

    eh marami pa akong gustong gawin…

    pero mabuhay pa rin sa ating lahat. heheh

  3. ay okay yun… gusto ko magawa yung gutso ko na di ko iniintindi ang oras… like yung pag-i-scrapbook and pagbabasa ng mga gusto kong basahin…. hehe tambak na rin kasi

  4. oi, ngisi yan, hindi ngiti!

    ganito ang gagawin mo pag tino-topak ka:

    punta ka sa salamin;
    ngumiti ka;
    ilapit mo ang mukha mo sa salamin;
    ilapit mo ang hintuturo sa ulo;
    paikotin mo yung hintuturo;
    think of VF and swear:
    “tinotopak ako”

    🙂

  5. ;)) grabe nakatulon ng malaki ang suhestiyon mo VF…hahaha!

    may gamot naman ako pag tinotopak eh…ice cream, sound trip and prayer… pwede ring manood ng sine na mag-isa. heheh

  6. Alam ko ito, minsan nangyayari ito sa akin. Na-realize ko na mas okay na maghinay-hinay kasi minsan sa sobrang kakamadali natin, hindi na natin napapansin ang mas importante o mas mahalaga sa buhay natin. :p

  7. yes… especially pag masyadong intense ang yong feeling… tipong na-o-overpower na niya ang thinking mo. better na pahinga muna…

    problema naman sa akin, kaka-saka na lang e- naiipon ang aking mga gawain. pero happy naman kahit may isa lang na na-accomplish…

    aja sa dalawang scrapbook na ginagawa ko, 5 books na babasahin ko, kuwartong lilinisin ko, business na gusto kong simulan, dalawang dvd na ipapagawa, computer na ipapa-upgrade, at pagmi-maintain ng mga kabagayan ko. hahahha.. wala pa diyan ang love life ha! 😉 teka dapat sa planner ito nakalagay ah… heheh

  8. At sa madalas na paghahabol, akala mo naka-cope-up ka na, ang ending nasa huli ka pa din.

    Kung kailangang magpahinga muna, dapat binibigyan ng puwang ang pagpapahinga, para buo ang lakas, more energy mas happy!

  9. alandyo, pina-plano ba ang lovelife? aba, parang pagkain yan, pag ginutom, kain! di puedeng i-postpone kunde, mangayayat!

    Here’s how to start a well-balanced and organized day: when you get up in the morn, take time to fold your pyjama and tuck neatly at the foot of your made-up bed. the rest will follow, from taking time to pick up a single grain of rice to finding time to say “i-love-you” sa mahal mo.

    ano-ba-to?

  10. naku jovy ever since a nag-work ako, napapabili na talaga ako ng planner. ( suki nga pala ako ng PCBS, iba-blog ko yon one time) tas noong nag-aaral makalista lang din kung saan.. heheh

    pero tama… kailangan pahinga and exercise, para more energy, mas happy… heheh

    napatunayan ko na rin… yung pagmamadali na wala rin pala… so sad nga eh. charot!

  11. thanks sa iyong advice teacher VF!

    kaya lang aaminin ko na mahihirapan ako diyan, ha! kasi lagi ako nagkukumahog pag-alis ng bahay. mahirap kasi sumakay sa amin at traffic… wala pa roon , yung pagmuni-muni ko ha… hehe

    pinaplano ko ba love life ko? di ko alam e… basta every march ata may ka-kitaan ako. hahaha… may ganitong trivia

  12. here’s something i got from my o-mates long time ago:

    [[ A young lady is crossing the road when she sees a frog who opens its mouth and starts talking. “If you kiss me,” the frog says, “I’ll turn into a handsome prince, stay with you for a week and do anything you want.”

    The guy smiles and puts the frog in his pocket. “Did you hear me?” asks the frog. “A handsome prince? For a week?.”

    “Look,” says the busy young lady, “I haven’t got time for a boyfriend. But a talking frog…now, that’s cool.” ]]

    …so, are you that gal who’d rather talk to a frog?

    teka, ano bang ‘charot’?

    carrot?

    🙂

  13. VF… ayooko kasi takot ako sa frog nakaka-kulogo. heheh

    pwede aso na lang yung labrador…

    naku parang lumalabas naman nito eh wala akong oras na ma-in love…meron naman, yun nga lang…

    wala, umalis, tulog , out of town ako nun.. hahaha…

  14. you mentioned pagmu-munimuni:

    ako ren, it takes me more than an hour to get started, lalo na sa bathroom (buti na lang mag-isa akong gumagamit ng banyo hehehe). but i take time to eat breakfast at doon na ako magmu-munimuni: isasalang ko ang kantang “kahit isang saglit”, switch-on the tele and lip-read CNN, susubo ng cereal, nguya, inom ng tea, iyak, ngiti, ngisi…, and cuddle my malambing cat.

    🙂

    ayoko nga ng aso, lalo na ang labrador. pag hinalikan mo naglalaway hehehe!

  15. oo VF masarap magmuni-muni sa umaga kaysa sa gabi… ganun din ako, habang kumakain, malayo nililipad ng isip.. pag tingin ko sa orasan, malayo na rin ang naikot ng mga kamay nya. hahaha

    eh sa mas gusto ko aso eh kaysa palaka e… ikaw ba masgusto mo frog kaysa cat?

  16. Ei VF… nag-baguio lang naman ako sa aloob ng apat na araw… init din dun? pero nangangatal na ako pag madaling araw at pagabi..

    kumain ako ng pusa duun…hahaha…at tinola na rin. hindi nga lang palaka.. buhehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s