Bago ang lahat condolence muna sa family & friend ni Francis Magalona!
Go!
Lalo atang lumala ang pagiging paranoid (exhibiting or characterized by extreme and irrational fear or distrust of others) ko, especially at maraming news about sa iba’t ibang sakit.
Nung bandang January magkasunod na nagkasakit sina Pauleen Luna at Angel Locsin ng Dengue. Dahil second time na nila ‘yon, parang imbes na ma-immune (akala ng iba, immune na kapag nagkaroon) ay mas malala ang naging lagay nila. Halos pareho silang nabingit sa kamatayan. Hindi ako natatakot dahil kasi pareho kaming magaganda (charot!), kundi dahil nagkaroon na rin ako ng dengue before. So like them, ‘pag nagka-dengue ako pangalawa ko na rin yon.
One week akong na-confine at naka second stage na ako noon. Konti na lang ata third stage na (‘yong nilalabasan ng rashes.) O nga pala ‘yong forth, ang pinakamalala o final stage, iyon naman ‘yong nilalabasan na ng dugo sa saan mang trip lumabas noon. May kapit-bahay kami in one week, patay! (nanakot talaga di ba?) So takot pa rin si ako. Ang hirap pa sa gamutan ng sakit na ‘yan ay every six hours kinukunan ng dugo. Ganda ng tulog mo eh, bigla kang tuturukan ni Nurse.
Actually, nung bata ako sakitin ako talaga. Pisngi ko lang ata ang di pumapayat. Kahit na anong vitamins na ipinainom sa akin ni Manang Juling, wa epek. Hirap pa naman lunukin nung iba na ang lalalaki ng capsule. Busog na busog na rin ako sa tatlong kutsarang kanin at isang maliit na mangkok na ulam. Siguro, ang maganda lang na naidulot ng pagka-confine ko ay mas naging healthy ako pagkatapos. Tas ‘yon nagkalaman na ako.
Last year naman, si Ex. Pres. Cory Aquino na-diagnose na may colon cancer. Kasama na siya sa listahan ng mga celebrities na dinapuan ng sakit na ‘yan like Rio Diaz, Chat Silayan, Jun Encarnacion at Joey Albert (na may isa pang cancer before) Eh sa ganda ng eating habit at digestion ko, natatakot din ako.
At eto na nga ‘yong kay Francis, ang leukemia. Dati yang sakit na yan, maganda lang gawing problem/conflict sa mga telenovela. Eh this time totoo na siya, so ako naman… napa-paranoid na naman. Last month binalingoyngoy ako kahit maghapon ako na nasa office (may aircon naman kami no), tapos hmmm may month na … at nagkaroon ako ng malaking pasa as in bukod pa sa ibang maliliit. Pero bini-blame ko naman ‘yan, sa aking pagiging mutant sa bahay. Ewan kong masyado lang ako natatakot sa mga bali-balita. Pero I know na kailangan na maging aware ako sa impormasyon, magandang lifestyle at good diet. Good thing lang talaga, wala akong bisyo maliban sa pagkakape.
Ang isa pang bahagi ng pagiging paranoid ko ay sa tao naman. Lalong lalo na sa mga matataong lugar, may konti akong masagi o matabig, tinitingnan ko mabuti or pinakikinggan ko kung may sasabihin. Baka may sabihin against sa akin e. Hindi ko naman aawayin (hindi naman ako war freak no!) basta tinitingnan ko lang. Tas pag napatunayan ko, saka na ako gumagawa ng action.
Ito sample, sumakay ako sa isang magandang bus. Kaso nga lang ‘yong inuupuan ko mismo medyo umuuga. Maya-maya napansin ko, panay kislot ng katabi kong Ale na parang nasa 40-50 years old na ang edad. Medyo iniiwas ko ‘yong katawan ko sa kanya pero di ba ‘yong upuan ang may problema at hindi ako. Eh panay ang kislot, ‘yong galaw na hindi mapakali na tipong nakaka-distract na talaga para sa akin. So nilakasan ko ang loob ko na tingnan siya ( pag matanda talaga sa akin, lahat ng pagtitiis ginagawa ko, respeto na lang baga) para sabihin na yung upuan ang may problema kong nirereklamo nya ang pagbangga ko sa kanya.
Ay sos si Ati, nakikinig pala ng mp3 at bigay na bigay pa sa pagkanta ng “Crazy for you” Pastilan!
hhahaha ganda ng ending mo nakakatawa nakalimutan ko tuloy ang topic mo tungkol sa paranoid…..wag matakot….at di dapat mabuhay sa takot..lahat naman tayo may ending ang story…iba-iba nga lang….(morbid ko no’)…ah basta, ako i will live every moment of my life to the max…sabay kanta ng CRAZY FOR YOU with matching kislot ng katawan
hahahaha…napatawa ba kita! oo nga e kaya ito gusto ko maaalis sa akin. pag tinamaan kasi ng topak kung anu-anong kuning pumapasok. alam mo bang hindi rin ako mapakali, hanggat hindi ko naisasara ang pintuan – sa kuwarto ko o yung main door namin, kahit nandoon pa kami lahat sa bahay.
pero tama positive, positive, positive dapat!
hey hito! musta na girl? it’s been a long time! kaloka…
mabuti naman me…oo nga tagal na rin tayo di nakakapagtsikahan. ikaw musta na?
Naaa, may naligaw. Kurotin mo nga Hito!
🙂
Mas mabuti na yung sumasabay sa music kaysa yung maka-katabi ka ng mabaho, lalo na yung mga amoy-curry at malayo ang biyahe. Minsan napunta ako sa California, may nakatabi ako na ganun, waaa, naghirap ako the whole flight! Paglabas namin sa eroplano, pare-pareho na kami ng amy hehehe!
Ako ren, ‘parano’ sa amoy. 🙂
ay oo naman VF! ayoko nun, pasakit. hahaha
Mas okay na iyang maparanoid ka para may mag-move sa iyo na gawin healthy ang iyong lifestyle kesa naman sa wala kang pakialam at all sa health mo. hehe
sa bagay may malaki kang punto diyan leng-leng… kaso nakaka-exercise talaga ng bait at puso.. hahaha
do great minds think alike?
consider this
latest post ni raft3r included si locsin at francis m
hehe
easy ka lang
paranoia kills
=P
oo nga, kaya kailangan magamot ito sa lalong madaling panahon. hahaha!
hahahaha, kakabaliw minsan ang mga pasimpleng may musika pala sa tenga ano
korek kengkay… madalas akong nadadale diyan… minsan mas naririnig ko pa yung tutgtog kaysa doon sa naka-headphone. charot! ang lalakas kasi nila magpatugtog.
uu nga eh, panalo sa ending….nawala pati na ang paranoia ko hehehe.
buti na lang at nakikinig lang naman si ati. baka peborit song niya kasi yun. 🙂
oo, nakakaloka talaga si ati. napangiti na nga lang ako sa inis sa sarili ko. hahaha!