December Choices and Wishes

I used to have “Thank You (year)” post kung saan sina-cite ko ang blessings ko for the whole year. Nakaka-boost ng spirit kasi whether if you feel sad or happy sa iyong current state.  Pero  minsan din naiisip ko na baka  feeling naman ng iba may yabang factor. Puwes hindi po yabang ang mga yun, proud lang. Lahat naman halos ng nakuha ko ay hindi suwertehan kundi dahil sa in-allot kong Time, grilling Determination,  and Faith.

Thanks 2013: Try the Challenge

It pays yung  i-act mo yung phrase na “try mo lang!” and ‘pag nandun ko na “i-enjoy mo lang.”  May mga moment na akala mo mukha kang tanga, hindi worth it, at  mahina ka compare sa iba. Try to internalize the classic hit  NOSI BALASI by Sampaguita or It’s My Life  ni Bon Jovi , mapi-feel mo na wa ka na paki sa outside factors. Bahala na lang S’ya sa ‘yo.

gyeongbokgung palace4-day South Korean Trip

Utang ko lang yung ticket ko sa South Korea,  nag-resign ako, may utang na malaki at need na namin maglakad ng visa kaagad.  Halos i-give up ko na ang idea since day 2 ( maiba sa 1) hanggang sa mismong araw ng flight namin  kasi  kahit nagka-work ako kaagad, pinahirapan akong makakuha ng visa at di madali mag-leave ng 4 days then bago  ka lang.

New work, new field

Challenging ang last job ko in a sense na ito yung type na iniiwasan ko before out of fear – Makati area,  bagong industry and hindi ko forte. Ito yung task na nadadaanan ko lang dati at kung maa-assign sa akin ay tatanggihan ko hanggang maaari. May time na gusto ko na lang basta mawala sa new office especially nung first week ko sa dami ng need na i-adjust at aralin. Pero hindi man ako naging the best when I went out sa company, maraming nabuo at napagtanto akong bagay.  Kaya ko naman pala kung aaralin ko at nakakatulong yung pagiging open-minded sa lahat ng aspeto. It was just 7 months pero wala akong itatapon na day because sa nabuong friendship, partnership, mentoring, lessons and experience. OLYMPUS DIGITAL CAMERA

lucky charmsEntrepreneurship 

Puwede kong sabihin na wala pa  akong dapat ipagpasalamat dahil halos hindi pa kami nakakapag-start (doon sa talagang business na pinu-push ko) and  may mga hinaharap na rin akong minor problems. Again, may time na feeling ko mukha akong  ewan or I have to do this kasi naitsika ko na sa mga tao. Well hindi naman ako nagtsika ng kayabangan but more of marketing strategy (word of mouth). Pressured? Yes, kasi nga goodbye full time empleyada then yung mga matagal mong pinag-isipang plans hindi pa nagwo-work out. The Good Thing may verse na

  Kumatok ka at ikaw ay pagbubuksan, humingi ka at ikaw ay pagbibigyan.”  

gaya nung sa Alamat ng Perdible

Sosyo  ako ngayon sa isang small time Grill business  [ we sell Inihaw na Bangus, Tilapia, baboy (tenga, laman, atay) at iba pa ] and nagre-retail  ako ng iba’t ibang products – soon i’ll try processed food and e-bills payment 😉

BooksPart Time Jobs 

Since  2007,  mahilig na talaga ako sa mga part time or freelance works.  Apart sa dagdag kita, outlet ko rin  ang mga ‘to para ma-try na maiba sa usual kong ginagawa sa office. Ngayon, yung mga regular part time ko ang cushion ko when it comes to my expenses at para ma-practice ko pa rin yung profession ko.

Heartaches and Prayers

Life is not all about triumphs. May time na kahit anong pray mo at kahit anong gawin mo, Nganga! Sa career side hindi na major failure yung  di ako nakapasa sa gusto kong company. What I realized din kasi ( ipina-realize din NIYA sa akin siguro) wala sa company, nasa  result ng trabaho mo ang  fame and fortune (naks!)  Ang hindi ko lang ma-tap ay yung love side…

sundan ang karugtong sa susunod na post! 

Advertisements

11 thoughts on “December Choices and Wishes

      1. oo nga di ko pa ma-post akala ko na-scheduled post ko hahaha. may i-edit pa pala ako dun… baka maisawalat ko lahat-lahat. wahaha

        eh i’m very private person pa naman. hohoho

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s