My 10 Blog Events in 2012

Alam mo bang ang susunod na theme  ng scrapbook ko ay tungkol sa blogging? Hindi? Puwes ,now you know.  Dapat bandang May ko pa ito sisimulan pero mabuti na rin na hindi ko ituloy kasi may hindi pa ako napapa-develop este napapa-print.

Giant Lantern Festival

December 10 and 15 – Dahil masyado pang latest ang post na ito click here na lang. hohoho! At mabuhay sa mga bumubuo nang magarbo, makulay at kumukutitap na event na ito ng San Fernando, Pampanga.

Letters in a case 3Pinoy Expats/ OFW Blog Awards

December 15 – For the second time, sumali at naka-attend ako sa awarding ceremony ng PEBA. Wala pa man ang pangtanggap ko sa aking certificate ay maluha-luha na ako dahil sa nakaka-antig ng awitin ng mga batang nagpe-perform at sa videos na pini-play sa stage. Mabuhay sa PEBA at maraming salamat po sa inyong pag-appreciate sa aking gawa!

Patapat,Pagudpud Ilocos Norte dSaranggola Blog Awards

December 15 – Pangatlong beses ko nang mag-join sa SBA, at pangalawang beses ko nang hindi naka-attend awards night dahil sa mga saktong date ko rin ( na mapapansin sa itaas na mga date). Hindi man ako nakakadalo ay naniniwala ako na buhay ang paglipad ng Saranggola at marami akong name-miss na happenings. Hohoho!

FBW” 1st Grand Eyeball

ImageDecember 7- Dahil member ako ng Filipino Bloggers Worldwide fan page alam ko ang event na ito  pero mabuto rin na na-remind ako ni Jube. Nung una ay nagulumihanan at medyo nalungkot  ako dahil ‘yong invitation na una kong nabasa  ay ‘di pala from FBW.  Hanggang sa maisip ko na lang na, check ko nga ‘yong spam folder.  Hay  talaga namang may something sa basurahan (kahit sa digital world).

Ang siste lang  ay closing at bigayan na ng giveaways ang timing ko kaya may nauwi pa ang lola n’yo. Pero siempre nakakapanghinayang ‘yong mga aral at kwentuhan, pero na -meet ko naman dun ulit si AXL at Mark na nakita ko sa iBlog8 sa UP at siyempre nandoon din si Jube. Salamat din kay Ma’am Myrns Geronimo Roman at Lawrence Chan sa pag-welcome sa akin kahit late na late ang arrival ko.

bianca gonzalezSocial Good Summit

September 22- Mabuti na lang at mabilis  na nai-share sa akin ni Tim ang link na kung saan makakakuha ako ng free ticket sa event na ito dahil kung hindi, baka hindi ako nakapagpa-picture kay award-winning journalist Maria Ressa aTV personality Bianca Gonzalez este makakakuha ng  total awareness sa power ng Social Media sa madlang people.

Uuulitin ko na lang , ‘wag sumali sa Cyberbullying lalo na kung hindi mo alam ang isyu at pagkatao nung tao. At hindi dahil nakunan ng kamera ay may right ka na mang-criticize to the max at ganun na siya sa kabuuan.

Scrap n Tell

June 30 12 – Speaking of my hobby, Scrapbook. Buti na-try ko rin maka-attend sa event na ito na organized by Mr. Jeman Villanueva of Orange TV Magazine and ng Filstar Distributor Corporation.  Isa pa, hobby lang at alam kong hindi pa pang award-wining ang aking galing sa scrapbooking kaya naman challenging at bukod pa sa  naiiba ang experience ko na ‘yon dahil scrapbook bloggers ang mga kasama ko.

Carlo OpleiBlog 8

May 25- 26 – First kong maka-attend sa iBlog 8 sa UP na pinamumunuan ni Ms. Janet Toral.  Maganda ang experience ko rito dahil  sa dami ng aking natutuhan about sa blogging, ito man ay may kinalaman sa writing, pagpo-promote ng blog, monetizing or marketing, at sa mga hardcore technicalities gaya ng SEO.

Pero ang isang cool part nun ay ma-meet ko ang mga younger and “hunger” bloggers na gaya ko ay naroon para mas mapagyaman ang kanilang sarili bilang mga bloggers.

Prizes from iBall of AyosDito.PhiBall of AyosDito.Ph

June 8- Swerte-swertehan lang ang manalo sa raffle, ako medyo mailap sa akin yan pero kapag tinamaan ng roleta ng swerte kung hindi sunod-sunod, panalong-panalo  ang prize.Ganyan ang naganap sa aking experience sa event na ito na nagturo sa akin ng isa pang alternative kabuhayan online. Makapaglaku-lako na nga online – #bilibilina @hoshilandia

Halli-Cruz Ballet dancers
Halli-Cruz Ballet dancers

Dance Exchange

April 19 – second ako maimbitahan nito ng National Commission of Culture and the Arts (NCCA) at sobrang thankful ako rito lalo na at hilig ko talaga ang magsayaw – for fun at for exercise. Bukod sa info about sa convention sa Cebu at panood sa mahuhusay na sample performances ng Halili-Cruz Ballet Company at Kislap Sining Troup, nakaka-inspire ang makausap ang head ng National Committee on Dance na si Shirley Halili-Cruz. 

NCCA Bloggers’ Hour

March 27 – 2 bagay ang naramdaman ko sa pag-attend ko sa event na ito ng  NCCA, una ay kasiyahan na mabigyan ng pagpapahalaga bilang blogger. Ang sarap pa rin kasi sa pakiramdam na maimbitahan ka ng isang respetadong ahensya, iyong out of the blue may mare-receive kang email.

Isa pang naramdaman ko yung pagka-proud ko bilang Pilipino. Sa event na iyon ma-a-amaze ka sa kanilang kampanya para ma-uplift pa ang kamalayan ng lahat sa yaman ng ating kultura at sining ng mga Pilipino. In fact, ang maupo at makinig lang kay NCCA Chairman Felipe de Leon ay bibilib ka na.

Maraming salamat sa lahat nang nag-imbita, nag-asikaso at na-meet ni Hoshi sa mga events na ito. Worthy talaga kayo na ma-scrapbook (meaning maging part ng good memory ko). Happy Blogging sa lahat and Merry Christmas and Happy New Year!

May-akda: Ate Jevs

fairy god sister ni Hitokirihoshi ng Hoshilandia.com, eat food, sing songs, explore life, travel places, meet people and love...advice/stories/tips

12 na mga thought (isipan) sa “My 10 Blog Events in 2012”

  1. di ko ba nasabi sa iyo? hehehe pero okay lang yan. mabuti at ngayon nalalaman ko nagbabasa ka pala ng blog ng buo. hahaha!

    Hmm ako kasi nung sumali especially last year, what’s my mind ay support them at ganoon din naman sa ibang blog awards like Saranggola. Siyempre sinong hindi nag-wish na hindi manalo pero yun na lang din. In a way din kasi when you join contest ay nahahasa ang creativity mo sa writing and how you market you post. Aminado ako na hindi malawak ang network ko compare sa iyo.

    isa lamang akong pobreng mushroom sa Forest mo.

    pero yun din e, when you join contest in away natse-check ng iba ang entry or blog mo. thank you naman dun sa nagla-like, nagli-link at nagko-comment sa iyo.

    Pero honestly pinapangarap ko na manalo sa PBA. hehehe ( pero so far masaya ako na mapasama na finalist noong 2011 nila sa dami ng personal blog sa Pinas.)

    tamo nga nakilala kita ulit dahil sa mga blog events. Ka-suerte mo na-meet mo ako in person. hahahaha

    happy new year! wag na tampo, malay mo si Crush pa ang magbigay ng award mo next year with hugs and kisses pa. hohoho!

    1. Hindi mo sya nabanggit, kabute. Alexa listed kasi your blog as a site that links to my blog, so na-curious ako. Katuwaan lang naman yung pagsali ko sa mga contests at first pero since I started winning, you want it to go on and on na. 😛

      May 2013 bring us better luck in blog contests. Haha. Ay kailangang madamay si crush? Haha. Ang kulit. we comment on each other’s posts every now and then. Haha. #SoKayoNa?LOL

      1. sige aasahan ko yang pangalan mo ay mananalo sa mga blog contest. siguro kailangan mag-shift na ako ng focus this year, iwasan ko muna ang mga contest para manlo ka naman ulit. hahaha!

        Mabuhay ka Sir Madrona.

Mag-iwan ng puna

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.