What is Your Future?

May silbi ang figures of speech at hindi puwedeng mawala ang synonym para ma-explain mo ang isang bagay. Pero maiku-compare mo man sa isang hayop, bagay o lugar ang isang tao, hindi ito masasabing kasing accurate tulad ng iniisip ng karamihan. Hindi natin basta maipipilit ang ating paniniwala sa isang taong may sariling pinagdaanan, paninindigan at mga pangarap. Para yang thumb mark, may unique pattern at unique identification.

rica and the candlesdriven by emotion

Minsan ko nang naitanong kung ano ang mas matimbang-pag-ibig (love) o galit (anger) para ma-motivate ang isang tao para gumawa nang malaking hakbang sa kanyan buhay.  Although it is ideal and natural na sabihin na dapat love, hindi nakaka-surprise na may magsasabi ng anger. Because it is true, hindi lahat ng bagay ay sweet at imposible rin naman na walang facial expression ang taong nakatakam ng bitterness. Hindi ako pumapanig sa taong magsasabing ang taong pinangungunahan ng emosyon ay hindi nagtatagumpay.  Hindi lahat ng nagpapakasal ay dahil sa pera at maraming successful entrepreneur ang naging matatag dahil ang kanilang pinanghahawakan ay ang kanilang pagmamahal sa kanilang ginagawa. Ano ba ang passion? Bagay na walang buhay? eeeeekkkks!

Maaaring nakakasira ang emosyon sa konsentrasyon kung ito  ay hindi hahaluan nang pag-iisip. Pero anumang pag-iisip ng walang emosyon at konsiderasyon, ay isa lamang magandang ideya na hindi posible sa bawat tao.  Parang dictatorship, konsepto at pinapatakbo ng iisang tao pero hindi lahat sang-ayon.

The danger of unknown

kapurpurawan_agimat ni entengKung napanood mo ang last installment ng Twilight o Breaking Dawn part 2 o kaya naman alam mo kung bakit pinipilit na burahin ang lahi ng mga mutant sa X Men ( siempre favorite ko yung part 1 at X Men: First Class) ito ay dahil sa takot na  harapin ang  taong may hindi klarong pagkakakilanlan. Kapag ‘di alam, threat na agad?

Siempre sinong taong hindi mate-tense na humarap sa bagay, tao o sitwasyon na hindi mo alam. Pero kaya nga magandang may “will” sa structure ng future tense ay dahil titingnan mo talaga kung kaya mo at determinado ka kaya may “shall” na part dyan.

Madadapa ka, babalik ka sa umpisa o worst case scenario mas masahol pa ang sitwasyon mo kaysa dati. Pero alin ba ang mas nakakapanghinayang, ang magpatali sa paniniwala ng iba na hindi ka aasenso o sumuong ka sa isang bagay na gusto mo kahit alam mong parang malabo.  How Deep is Your Love is it Ocean Deep?

In the first place,  ang taong makakaalam ng totoong gusto mo o kaligayahan mo ay hindi ibang tao kundi ikaw mismo. Kung ang kaligayahan mo ay ang magpipisil ng bubble wrap maghapon o magbilang ng dolyar sa tuktok ng inyong bubungang lata, why not?  Hindi lahat ng tao ay masaya sa malalaking bagay, kahit ikaw na ang pinakamataas o powerful na leader ng bansa, may perang hindi na  kinakaya ng scientific calculator or above na sa 500,000 na kayang i-insured ng PDIC at may mukhang head turner ( mga 360 degrees) , kung hindi ka masaya- hindi ka masaya period!

grandpa's innBelief + action + emotion = direction/ fate 

May mga pagkakataon na kahit anong gawin natin, parang sablay lagi. Totoo nga siguro ang saliwikain na kung hindi bubukol, hindi uukol at kung hindi Yes eddie Love, ohah! chuz!

But it is a mistake if you don’t  do what you can do when you know you can do it (na).

Happy New Year sa lahat may you find your true self in 2013, Mabuhay and God Bless !!!

15 thoughts on “What is Your Future?

  1. hello, hoshi… Happy New Year, kapatid! Sana ay marami ka pang maisulat at ma-accomplish nitong taon. Sana ay masaya ang 2013 para sa iyo… 🙂

    maganda pala itong post mo. ikaw na ang matalinghaga, napapaisip tuloy ang nakakabasa, hahaha. keep on writing… 😉

    1. Maraming salamat Ate San, sana nga ay maging maganda ang aking 2013. I have big plan for this year and with God’s grace I know magbubunga rin nang maganda ang lahat.

      Mabuhay! I’ll do my best to write more especially here in my Hoshi Sr.

      Happy New Year!

  2. I love this post madam hoshi.

    dapat talaga, check natin lagi at aware tayo sa kinikilos natin para mas controlled natin ang ating decisions and emotions. Regarding anger and love, naniniwala ako na mas malakas ang impact ng anger kesa love. Para sakin kasi, ang love ay pang matagalan samantalang ang anger ay normally burst of emotion yan at sobrang lakas. kahit anong emosyon natin ngayon, pag may dumating na nakakagalit, nakakalimutan na natin lahat.

    And tama, normal naman din na tayo ay matakot sa mga di pa dumarating. pero ano pa man e lilipas din yan at ang buhay sa mundo ay tutuloy, andito man tayo o wala. ang importante e nakapag iwan tayo ng magandang yapak na puedeng sundan ng iba. yipee! happy new year uli madam hoshi. 🙂

  3. wow nakakatuwa naman at nagustuhan mo itong post ko na ito. ako rin e. hahaha!

    Correct ka about sa sinabi mo about anger and love. may magagawa ka siempre if you love something or someone pero bakit nga ba ganoon. mas mabilis pa minsan ang galaw mo kapag galit ka. siguro kasi kapag galit ka hindi lang puso ang gumagana kundi kokote, muscles at pati kalyo. hehehe!

    maraming salamat ulit sir rogie, napangiti mo ng mga 3 minutes. hehehe

  4. “Minsan ko nang naitanong kung ano ang mas matimbang-pag-ibig (love) o galit (anger) para ma-motivate ang isang tao para gumawa nang malaking hakbang sa kanyang buhay.”

    di ko pa naranasan gumawa ng malaking hakbang dahil sa pag-ibg. Siguro hindi ko lang napapansin. Natural lang marahil sa akin ang magdesisyon na naayon sa kaligayahan ng mga mahal sa ko sa buhay. Pero, pag nagalit ako, na madalang lang mangyari, mas nagiging matiyaga ako gawin ang isang bagay at mas mabilis ako makapagdecid. Kaya sa tingin ko “anger” ang mas malakas na driving force.:))

    1. di ba noh! may mga bagay tayong hindi napapansin na desisyon ng ating isipan. Iyon pala ang lahat o malaking bahagi nito ay base pa rin sa tindi ng ating nararamdaman.

      para rin siguro ng sining yan. mas nagiging artistic ka pag nasa rurok ang iyong damdamin. galit man o masidhing pag-ibig.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s