Bilang pagtatapos sa 7
months day Gratitude Challenge, naisip ko lang mag-reflect for my colorful 2014. Sayang hindi ako nasama sa mga na-engage at ikinasal dahil ba hindi ako artista (makapag-PBB nga next year) ? Pero kahit ano pa man, I am thankful sa blessings and challenges na ibinigay sa akin ng Year of the Red Green / Wood Horse .
Upgrading my Technologies – Go Wifi
Natatawa ako pero talagang nasa wish list ko dati ( 2008 ata) na ma-upgrade yung internet connection namin. Naalala ko pa nung isa pa akong hampaslupa – walang pc at renta ng renta…mahalaga sa akin ng oras kasi meaning nun ay peso. Pero ayun, ako rin ang nakaisip na magpa-DSL at nitong taon (yes nito lang) ay saka na ako nagpakabit ng Wifi. Kailangan ko na rin kasi bilang homebased entrepreneur and employee. Pero actually bonus lang ang wifi gusto ko lang magpataas ng mbps. hehehe
Test of Spokening Dollar: Working with Foreigners
Iba yung mga experiences ko ngayong taon sa mga work experiences ko sa past Japanese at half-Austrian bosses ko. Kasi nakakapagpahinga yung brain ko sa kaka-Ingles at madalang ko naman sila kausapin. Eh ngayong taon talagang umiinom na ako ng Vitamin C with lots of Iron dahil pag sinabing work time, English time. Ano ba itong pinasok ko? hehehe
Pero kidding aside, iba rin kapag directly foreigners ang ka-deal o ka-trabaho mo. Papasok yung baka minamaliit ka, yung misinterpretation (tandaan may pagkakaiba ang mga Filipino, American, Canadian at British English sa isa’t isa), culture shock, etc. Pero kapag pinupuri ka, may kakaiba ring saya kasi parang pang-international ka. Yo!
Goodbye Itang
Ngayong taon ay nagpaalam na ang aking Itang. Iyong kaisa-isang lolo ko na nagpaala sa akin na may saya sa simpleng buhay, mahalaga ang pag-i-invest ( insurance, piggery, at house for rent) at may wagas na pag-ibig. Gustong-gusto n’yang mamatay na para sundan si Mamang.
Lessons in Failed ventures
I have two major lessons when it comes to business. I learned them because of my failed ventures that I couldn’t push to stay longer or profitable 1. Choose your business partners – when it comes to business you can’t count on mere closeness and money… dapat even when you have differences same kayo ng aim, honest kayo sa isa’t isa at open for communication. Sa mga naka-partner ko, wala naman akong nakaaway it just that I can’t stop them to pursue their other dreams. 2. Don’t rely on one market segment – Muntik-muntik ko nang itigil yung isang retail business ko kasi from sobrang okay na benta per day, biglang wala. That was because we cater only one market na hindi namin naisip na possible biglang mawala o dumalang yung demand. Good thing, I survive and I realize na mahalaga talaga ang variety and marketing. Naisip ko na rin na itigil na lang ang pagnenegosyo, then concentrate an lang sa pagiging empleyado. Pero hindi e, sadyang galawgaw ako saka pag pinasok ko ang isang bagay ayoko nagku-quit agad dapat ini-explore. Now, I am concentrating on dealership of Pampanga’s Best ( by the way I am selling Christmas Hams), Kettle Korn, UPS, and Load Xtreme. Next year, baka at pag inadya ( still asking for a sign) magkakaroon na ako ng sariling (physical) store. yeepee!
Level up in Blogging
Dapat ngayong freelance na ako mas may time ako na i-boost ang hoshilandia, pero medyo sadsad man ito sa ratings (tv?) ay ang cool ng experiences ko this year because I am a blogger… please read all of these (kung ok lang):
James Reid’s concert for a cause
Taboan 2014 ( yeah nakapag-Subic ako)
Johnson’s Baby Powder: Play Factory
GDays Manila: Google Business Group
SEO Lead Generation Conference
to be continue…kung kaya.
Gagawin ko rin ang Challenge na ito! ‘Buti nakita ko sayo 🙂
go girl, nakakatuwa naman siya at kung dibdiban may mga bagay kang mare-realize.
Mabuhay and advance Merry Christmas