Paano ba mag-blog?

notesKa-simple ng tanong at ilang taon ko na itong ginagawa, kung experience ang usapan, pero bakit ba ang hirap sagutin  ito para sa akin  nang madalian? Nitong nakaraang week lang kasi ay may dalawa akong kaibigan na trip na mag-blog  para mai-share sa madlang pipol ang kanilang travel stories. Ang unang sagot ko ay tanong din- gaano mo katagal balak gawin at ano ang vision mo?

Sa kabuuan ito ang sagot o tips ko sa tanong sa title:

  • Know first why you are blogging – ang pinakatama sigurong ginawa ko sa buong tanan ng pagba-blog ko ay ilista ang dahilan ko ng pagba-blog. Kasi either dumaan ka sa point na mawala ka sa focus or nagsisimula ka na wala ka na agad pinatutunguhan. Oo nga nandoon na tayo na gusto nila na travel stories pero paano ang approach,  puro pictures lang, mas maraming text, humorous, inspirational or informative, mataas ang traffic, at maka-attract din ng advertiser.  Puwede naman all of the above  o ibahin kapag di naglaon, pero dapat klaro  sa simula pa lang. Iwas pagod, gastos, at sakit sa bangs. Gets mo ang point ko? avi dcor8s my pc
  • Choose your platform and as much possible, think long term. Halos lahat ng nakausap ko ang gusto lang nila ay mag-share. Pero gaano sila kahanda na pag-aralan ang technical side.  Na-try ko mag-blog sa blogspot, tumblr, dito sa wordpress at iba pa. Para sa akin medyo mas complicated ang wordpress pero maraming gumagamit at kilala. Sunod d’yan ay kung free or paid. Kung iniisip mo na gusto mo na mag-dotcom ka na or sarili mong domain, I think idiresto muna. Wag ka ng mag-free para mag-practice muna at saka ka magda-dotcom.

Kasi kahit halimbawa from hitokiroshi.wordpress.com to http://www.hitokirihoshi.com lang ang mabago at particular ka pa sa ranking, followers, at iba pa. Malaki ang adjustment na gagawin mo.  Isa pa may iba isang beses lang mag-travel sa isang taon, eddie yearly post  ba ito?

  • Design and Pattern – Maganda kung may kausap ng web developer na puwedeng tumarabaho ng iyong site. Maganda rin kung alam mo na rin kung anong gusto mong  layout, design at format. Simple lang ba? Magazine style?  May live chat at slide shows?  Makakatulong kung may peg ka na gaya ng isa sa nakausap ko na ang gusto ay ang design ng blog ni Saab Magalona at blog style ni Bianca Gonzalez.

Bianca_moderation

  • Study your platform as in – Mahirap mag-tutor ng hindi hands-on at mabilisan hindi ba? Mabuti na lang ay may video tutorial na sa Youtube at sa iba pang website para malaman ang teknikal na aspeto ng wordpress, blogspot o iba pang social media.  Bukod sa basic, kailangan updated ka rin kahit konti kung paano yung mga pagbabago lalo na kung naka-dotcom para alam mong i-tweak,  pagbutihan at pagandahin pa ang iyong blog. Tandaan din na sa travel – puro pictures at  baka kailangan na i- re-size, lagyan ng watermark at anu-ano pa.
wordcamp
WordCamp 2010
  • Choose to share your blog post and interact –  Majority, kaya nagba-blog ay para mag-share di ba ? Subalit may iba rin na gusto lang ay mag-post ng kanilang magagandang kuha at nakaka-inspire na mga articles but not willing to share. Puwede naman yun siempre. Pero kung malungkot sa totoong buhay na alone ka, aba ganun din sa blogosphere ano? Ikaw lang nagbabasa ng blog mo, paulit-ulit mong iki-click para kunwaring  tumataas nag hits (may hugot moment ako dun a).  Masaya at may sense ang pagba-blog hopping marami kang matutuhan at makikilala.  Siempre maganda rin na malaman ng mga friends mo sa Facebook, Twitter, Pinterest, at iba pang social media sites na walastik  “Blogger na ako!!!”

    Chris Lao,Bianca Gonzalez, and Maria Resa of Rappler at Social Media Summit

Ikaw ano ang payo mo sa kanila? Share mo na sa comment box!

Para naman sa ibang gusto ng level up blogging may tsika ako sa iyo sa Hoshi Magazine.

My 10 Blog Events in 2012

Alam mo bang ang susunod na theme  ng scrapbook ko ay tungkol sa blogging? Hindi? Puwes ,now you know.  Dapat bandang May ko pa ito sisimulan pero mabuti na rin na hindi ko ituloy kasi may hindi pa ako napapa-develop este napapa-print.

Giant Lantern Festival

December 10 and 15 – Dahil masyado pang latest ang post na ito click here na lang. hohoho! At mabuhay sa mga bumubuo nang magarbo, makulay at kumukutitap na event na ito ng San Fernando, Pampanga.

Letters in a case 3Pinoy Expats/ OFW Blog Awards

December 15 – For the second time, sumali at naka-attend ako sa awarding ceremony ng PEBA. Wala pa man ang pangtanggap ko sa aking certificate ay maluha-luha na ako dahil sa nakaka-antig ng awitin ng mga batang nagpe-perform at sa videos na pini-play sa stage. Mabuhay sa PEBA at maraming salamat po sa inyong pag-appreciate sa aking gawa!

Patapat,Pagudpud Ilocos Norte dSaranggola Blog Awards

December 15 – Pangatlong beses ko nang mag-join sa SBA, at pangalawang beses ko nang hindi naka-attend awards night dahil sa mga saktong date ko rin ( na mapapansin sa itaas na mga date). Hindi man ako nakakadalo ay naniniwala ako na buhay ang paglipad ng Saranggola at marami akong name-miss na happenings. Hohoho!

FBW” 1st Grand Eyeball

ImageDecember 7- Dahil member ako ng Filipino Bloggers Worldwide fan page alam ko ang event na ito  pero mabuto rin na na-remind ako ni Jube. Nung una ay nagulumihanan at medyo nalungkot  ako dahil ‘yong invitation na una kong nabasa  ay ‘di pala from FBW.  Hanggang sa maisip ko na lang na, check ko nga ‘yong spam folder.  Hay  talaga namang may something sa basurahan (kahit sa digital world).

Ang siste lang  ay closing at bigayan na ng giveaways ang timing ko kaya may nauwi pa ang lola n’yo. Pero siempre nakakapanghinayang ‘yong mga aral at kwentuhan, pero na -meet ko naman dun ulit si AXL at Mark na nakita ko sa iBlog8 sa UP at siyempre nandoon din si Jube. Salamat din kay Ma’am Myrns Geronimo Roman at Lawrence Chan sa pag-welcome sa akin kahit late na late ang arrival ko.

bianca gonzalezSocial Good Summit

September 22- Mabuti na lang at mabilis  na nai-share sa akin ni Tim ang link na kung saan makakakuha ako ng free ticket sa event na ito dahil kung hindi, baka hindi ako nakapagpa-picture kay award-winning journalist Maria Ressa aTV personality Bianca Gonzalez este makakakuha ng  total awareness sa power ng Social Media sa madlang people.

Uuulitin ko na lang , ‘wag sumali sa Cyberbullying lalo na kung hindi mo alam ang isyu at pagkatao nung tao. At hindi dahil nakunan ng kamera ay may right ka na mang-criticize to the max at ganun na siya sa kabuuan.

Scrap n Tell

June 30 12 – Speaking of my hobby, Scrapbook. Buti na-try ko rin maka-attend sa event na ito na organized by Mr. Jeman Villanueva of Orange TV Magazine and ng Filstar Distributor Corporation.  Isa pa, hobby lang at alam kong hindi pa pang award-wining ang aking galing sa scrapbooking kaya naman challenging at bukod pa sa  naiiba ang experience ko na ‘yon dahil scrapbook bloggers ang mga kasama ko.

Carlo OpleiBlog 8

May 25- 26 – First kong maka-attend sa iBlog 8 sa UP na pinamumunuan ni Ms. Janet Toral.  Maganda ang experience ko rito dahil  sa dami ng aking natutuhan about sa blogging, ito man ay may kinalaman sa writing, pagpo-promote ng blog, monetizing or marketing, at sa mga hardcore technicalities gaya ng SEO.

Pero ang isang cool part nun ay ma-meet ko ang mga younger and “hunger” bloggers na gaya ko ay naroon para mas mapagyaman ang kanilang sarili bilang mga bloggers.

Prizes from iBall of AyosDito.PhiBall of AyosDito.Ph

June 8- Swerte-swertehan lang ang manalo sa raffle, ako medyo mailap sa akin yan pero kapag tinamaan ng roleta ng swerte kung hindi sunod-sunod, panalong-panalo  ang prize.Ganyan ang naganap sa aking experience sa event na ito na nagturo sa akin ng isa pang alternative kabuhayan online. Makapaglaku-lako na nga online – #bilibilina @hoshilandia

Halli-Cruz Ballet dancers
Halli-Cruz Ballet dancers

Dance Exchange

April 19 – second ako maimbitahan nito ng National Commission of Culture and the Arts (NCCA) at sobrang thankful ako rito lalo na at hilig ko talaga ang magsayaw – for fun at for exercise. Bukod sa info about sa convention sa Cebu at panood sa mahuhusay na sample performances ng Halili-Cruz Ballet Company at Kislap Sining Troup, nakaka-inspire ang makausap ang head ng National Committee on Dance na si Shirley Halili-Cruz. 

NCCA Bloggers’ Hour

March 27 – 2 bagay ang naramdaman ko sa pag-attend ko sa event na ito ng  NCCA, una ay kasiyahan na mabigyan ng pagpapahalaga bilang blogger. Ang sarap pa rin kasi sa pakiramdam na maimbitahan ka ng isang respetadong ahensya, iyong out of the blue may mare-receive kang email.

Isa pang naramdaman ko yung pagka-proud ko bilang Pilipino. Sa event na iyon ma-a-amaze ka sa kanilang kampanya para ma-uplift pa ang kamalayan ng lahat sa yaman ng ating kultura at sining ng mga Pilipino. In fact, ang maupo at makinig lang kay NCCA Chairman Felipe de Leon ay bibilib ka na.

Maraming salamat sa lahat nang nag-imbita, nag-asikaso at na-meet ni Hoshi sa mga events na ito. Worthy talaga kayo na ma-scrapbook (meaning maging part ng good memory ko). Happy Blogging sa lahat and Merry Christmas and Happy New Year!