Falling out of love…paano makipag-break?

Dear ate Jevs,

Paano po makipag-break sa boyfriend ko na 6 years na po kami mag-on? Nawala na po kasi ‘yong feeling ko. Parang best friend na lang yung tingin ko sa kanya.

Nagsama po kami sa house nila last year po at magwa-one year po (yun) this year, Oct. Last month pa po ako unti-unting umiiwas sa kanya. Umuwi na rin po ako rito sa house namin para kahit papaano makaiwas ako sa kanya.

Mabait naman po s’ya sa akin, (ang) kaso ayoko naman magsisi sa bandang huli. May nagawa na rin po ako na pinagsisihan ko dahil ‘di ko sinubukan this time. Gusto ko siguraduhin itong feelings ko.

Paano po ba ako makikipag break sa kanya po? Ate jevs please help me at pwede n’yo po ba ako bigyan ng advice?

Truly yours

Grace

—————————————————————————————-

Dear Grace,

Tulad ng aking sinabi sa aking hiwalay na page (yon oh ^ between bungad and hu me?) ay sasagutin ko sa hiwalay na entry ang iyong problema.  (naku tingin ko magiging seryoso ako sa pagsagot.)

Grace napanood mo ba ‘yong One More Chance? Kasi ako ‘di ko natapos yun noong pinanood ko sa SM North. Pero nakuha ko naman ang sense ng pelikulang ‘yon, ang makipaghiwalay muna si Basha (Bea) kay John Lloyd (Popoy) para hanapin ang kanyang sarili at palawakin ang kanyang nasasakupan este pwedeng gawin. Minsan kasi kailangan ng isang individual na ma-feel talagang individual siya na kaya niyang mag-stand on her own.

Kung talagang feel mo ay kailangan mo ng umaksyon, gawin mo. In the end, “double jeopardy” sa iyo yan kasi niloloko mo na lang siya at pati ang sarili mo. Ano ba ang trip mo maghiwalay kayo ng maayos o talagang may  drama with action scenes  and special effects? Honesty is the best, than police, este policy.

Ngayon kung gusto mo talaga ng step by step advice ito ang multiple choice ko.

  1. Kausapin mo siya once and for all “honey, I love you and you love me, but isn’t okay if I break up with you? Gusto ko lang alamin ang real feelings ko. Parang naba-vibrate ko kasi mas gusto na kitang maging BFF kaysa BF e.” ( note: tago mo muna ang mga patalim at pwedeng ibato, bago ka magtapat)
  2. Magsimba kayo sa St. Jude, Quiapo Church o saan man. Baka kailangan mo na ng Divine intervention. If you feel habang nagdadasal kayo na magkatabi na “ah baka naguguluhan lang ako (dahil sa ganito-ganyang factor). Hindi ko siya kayang hiwalayan, dahil mahal ko siya at mahalaga siya sa akin. I’m blessed na na-meet ko ang taong nagmahal sa akin kung ano ako.” Ay girl, mag-MCDO o Jollibee kayo at sabihin mo sa kanya ‘yon. Sa gitna ng Large french fries (sawsawan ay gravy) at sundae chocolate, malalaman mo ang kanyang saloobin nang magaan at malinamnam.
  3. Kung ‘di mo kaya ng personal at mahihirapan kang harapin ang magiging mangyari. Sulatan mo siya (utang na loob ‘wag mo siyang i-text o i-email lang) ng note, doon mo sabihin ang lahat. Idetalye mo lahat, pati kung kailan mo narandaman na nawala na yung  love. (note: wag naman sa yellow pad paper mo lang isulat at gawin mong special kahit papaano, pwede na yung scented stationery. At mas best pa rin kung makikipag-usap ka ng personal).

Sana’y nakatulong ako kahit paaano sa iyong problema Grace. And please mag-isip ka ng ulit bago ka gumawa ng malupit na hakbang. Kung practical lang din ang usapan, “mabuti na yung sumama sa taong mahal ka talaga kaysa doon sa mahal mo pero di naman binabalik ang pag-ibig mo. kasi ang fame, fortune and beauty madaling hanapin pero ang true love, sooobrang hirap”  At para sa iba pang suhestiyon I think may mababasa ka pang maganda-gandang comment dito.

Good luck!

Ate Jevs

%d bloggers like this: