Falling out of love…paano makipag-break?

Dear ate Jevs,

Paano po makipag-break sa boyfriend ko na 6 years na po kami mag-on? Nawala na po kasi ‘yong feeling ko. Parang best friend na lang yung tingin ko sa kanya.

Nagsama po kami sa house nila last year po at magwa-one year po (yun) this year, Oct. Last month pa po ako unti-unting umiiwas sa kanya. Umuwi na rin po ako rito sa house namin para kahit papaano makaiwas ako sa kanya.

Mabait naman po s’ya sa akin, (ang) kaso ayoko naman magsisi sa bandang huli. May nagawa na rin po ako na pinagsisihan ko dahil ‘di ko sinubukan this time. Gusto ko siguraduhin itong feelings ko.

Paano po ba ako makikipag break sa kanya po? Ate jevs please help me at pwede n’yo po ba ako bigyan ng advice?

Truly yours

Grace

—————————————————————————————-

Dear Grace,

Tulad ng aking sinabi sa aking hiwalay na page (yon oh ^ between bungad and hu me?) ay sasagutin ko sa hiwalay na entry ang iyong problema.  (naku tingin ko magiging seryoso ako sa pagsagot.)

Grace napanood mo ba ‘yong One More Chance? Kasi ako ‘di ko natapos yun noong pinanood ko sa SM North. Pero nakuha ko naman ang sense ng pelikulang ‘yon, ang makipaghiwalay muna si Basha (Bea) kay John Lloyd (Popoy) para hanapin ang kanyang sarili at palawakin ang kanyang nasasakupan este pwedeng gawin. Minsan kasi kailangan ng isang individual na ma-feel talagang individual siya na kaya niyang mag-stand on her own.

Kung talagang feel mo ay kailangan mo ng umaksyon, gawin mo. In the end, “double jeopardy” sa iyo yan kasi niloloko mo na lang siya at pati ang sarili mo. Ano ba ang trip mo maghiwalay kayo ng maayos o talagang may  drama with action scenes  and special effects? Honesty is the best, than police, este policy.

Ngayon kung gusto mo talaga ng step by step advice ito ang multiple choice ko.

  1. Kausapin mo siya once and for all “honey, I love you and you love me, but isn’t okay if I break up with you? Gusto ko lang alamin ang real feelings ko. Parang naba-vibrate ko kasi mas gusto na kitang maging BFF kaysa BF e.” ( note: tago mo muna ang mga patalim at pwedeng ibato, bago ka magtapat)
  2. Magsimba kayo sa St. Jude, Quiapo Church o saan man. Baka kailangan mo na ng Divine intervention. If you feel habang nagdadasal kayo na magkatabi na “ah baka naguguluhan lang ako (dahil sa ganito-ganyang factor). Hindi ko siya kayang hiwalayan, dahil mahal ko siya at mahalaga siya sa akin. I’m blessed na na-meet ko ang taong nagmahal sa akin kung ano ako.” Ay girl, mag-MCDO o Jollibee kayo at sabihin mo sa kanya ‘yon. Sa gitna ng Large french fries (sawsawan ay gravy) at sundae chocolate, malalaman mo ang kanyang saloobin nang magaan at malinamnam.
  3. Kung ‘di mo kaya ng personal at mahihirapan kang harapin ang magiging mangyari. Sulatan mo siya (utang na loob ‘wag mo siyang i-text o i-email lang) ng note, doon mo sabihin ang lahat. Idetalye mo lahat, pati kung kailan mo narandaman na nawala na yung  love. (note: wag naman sa yellow pad paper mo lang isulat at gawin mong special kahit papaano, pwede na yung scented stationery. At mas best pa rin kung makikipag-usap ka ng personal).

Sana’y nakatulong ako kahit paaano sa iyong problema Grace. And please mag-isip ka ng ulit bago ka gumawa ng malupit na hakbang. Kung practical lang din ang usapan, “mabuti na yung sumama sa taong mahal ka talaga kaysa doon sa mahal mo pero di naman binabalik ang pag-ibig mo. kasi ang fame, fortune and beauty madaling hanapin pero ang true love, sooobrang hirap”  At para sa iba pang suhestiyon I think may mababasa ka pang maganda-gandang comment dito.

Good luck!

Ate Jevs

Napagtanto ni Bunso

Para sa selebrasyon ng Holy Week, narito ang emosyonal na sulat na aking natanggap. Nais ko itong ibahagi sa inyo upang inyong pagbulayan…maraming salamat po!

Dear Ate Jevs,

Ang magkaroon ng maraming kapatid ay tinatawag kong tadhana.  Technically, pinalaki ako ng aking ina kasama ng aking 9 na nakatatandang kapatid. Out of my five brothers and four sisters, may tatlo akong kuya na lagi kong nakakasama. Yung isa, ‘yon ang minsang nag-alaga sa akin- as in siyang nagpakain at nagpaligo, yung isa nagbabantay sa akin ‘pag walang maiiwan at ‘yong isa ang palagi kong kalaro at nakakaaway. Of course, normal na sa amin ang mag-away o palaging mapagalitan ako. Basta, isa lang masasabi ko, binayayaan ako ng mga kuyang maiinitin ang ulo.  Tatlo sa mga ate ko ang naging ka-close ko, specially the younger one & significantly yong second to the eldest.  May ate naman ako na extraordinary in so many reasons.

I remember my debut at part ng party ay ang speech ko. That time there were no gaps and complications, except of course of our irreversible intriguing past.  Kahit nakalipas na iyon, walang part ng speech ko ang madi-delete bagkus ay baka nadagdagan pa

Habang tumatagal, I realized lumaki pala ako sa environment ng mga taong may kanya-kanyang personality and background. Pero may common denominator sila na kung saan naiiba naman ako… masyado silang sociable & friendly. Just imagine na lang na kapag may handaan, habang aligaga sila sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita, nandoon ako sa kuwarto mag-isang nanood ng TV or worst nasa taas ng cabinet para magmukmok.

Hindi ko na binibilang at inaalala kong nakaaway ko ang ilan sa kanila, obviously, ako bata kaya ako ang talo at dapat na magparaya.  But may isa sa kanila, ang hindi ko na kinaya na hanggang ngayon ay civil lang ang aking pakikisama.  Medyo makulay ang aming samahan – from friend to foe sisters. Ang masakit dun isa pa naman siya sa bung-buo kong kapatid.

Magkagayon man, pare-pareho lang naman kami na tinadhanang magsama-samang mamuhay kahit may mga bagay kami na hindi type sa isa’t isa. Anuman sila, bahagi sila ng aking pagkatao. Kung wala si Bestfriend ate – hindi siguro ako palaban, independent, at mapangarap. Kung wala yung mga kuya ko na nakasama ko, siguro hindi ko ma-a-appreciate ang kahalagahan pagkain sa aming mesa, ang magkaron ng pananampalataya, na ang swerte ko na normal akong ipinanganak, at di ko dapat i-expect na lahat ng tao sa mundo ay tulad ng iniisip ko o papabor sa mga gusto ko.

May panahon na nasabi ko na balang araw magagantihan ko ito,  na sana ito ang mangyari sa kanya, hanggang kailan ba susunod ako sa kanila at bakit ba naging kapatid ko ito? Pero noong nag-mature ako, na-appreciate ko sila. Ibinigay sila ni God sa akin as blessings & challenge. Kung baga, hindi ko kailangan na magkaroon ng sobrang caring at loving na mga ate para lang maging self-centered spoiled brat.  At hindi naging ganun kabait at generous ang mga kuya para matutoto akong mapagkumbaba at magpasalamat sa mga bagay na natatanggap ko.

Sincerely,

Nemitz B.

Dear Nemitz,

I’m happy na sa pagdaan ng panahon ay nag-mature na rin ang pagtingin mo sa iyong mga kapatid. Hindi mo lang naiitindihan kundi nauunawaan mo rin sa mas malalim na konsepto ang kahalagahan ng kanilang pag-e-exist sa iyong buhay.

Maaaring may time na naging pasang krus mo sila pero yang krus na ‘yan ang nagtatag ng iyong pagkatao.  Minsan kasi hindi lahat ng blessings ay dumarating sa anyong masarap na lunukin. May mga pagkakataon na kailangan mo munang namnamin ang pait at kakaibang katangian nito bago ka masarapan sa paglunok.

Thanks for sharing your thought and may you have wonderful Lenten vacation!

Ate Jevz

Head to Toe: Street Catastrophes (reality show)

Dear Ate Jevs,

Medyo nagsawa na po ako manood ng reality show ngayon. Nagiging normal na po kasi ang trend na ito sa TV. Hinihintay ko na nga lang kung anong klaseng gimmick ang gagawin sa Pinoy version ng Fear Factor at Survivor.Kayo po ba ate Jevs, anong paborito at mairerekomenda ninyong reality show?
Henri Caplong

Dear Henri,
Alam mo hindi mo naman na kailangan ang manood ng TV para makakita ng reality show. Maglakad ka man o sumakay sa mga ordinary bus o pampasaherong jeep, pihadong may makikita ka na interesante.

Actually, sa sobrang reality niya pati ikaw mismo nakaranas na rin ng mga ito. narito ang top 10 reality experiences na makikita mo sa real world reality.. ‘di kailangan ng tv, tipid sa kuryente, at walang entrance.

  • Natamaan ka na ba ni Lola o ni Ale? Iyong payong na mahaba tas isinukbit niya sa kili-kili niya. Pusa kawawa ang mga malalaki ang hinaharap, asintado.
  • Nabingi ka na ba sa busina ng mga jeep at bus? Iyong kahit halos nagpa-park na sila sa kalsada sa pagsasakay ng mga pasahero eh panay pa rin ang busina ng mga drivers. Tas yong kundoktor niya eh romoronda na sa kalsada at nangangako na maluwag pa ang bus pero sardines na sa loob ng bus. Nakakabingi, taas ng decibels.
  • Naulanan ka na ba? Hindi ng tubig-ulan ha, iyong singa at dura. Hay ang mga durara proud ng pamana nila sa sangkatauhan.
  • Kahit tumatawid ka sa pedestrian crossing (o sige sa mga taga- Maynila, Ped Xing), may humaharorot pa ring sasakyan na dadaan sa harapan mo.
  • Ang ganda ng lakad mo at pormang-porma ka then suddenly iyong nag-lilinis ng kanal natilamsikan ang khaki mong pants o nabuhusan ka ng kumukulong sabaw sa carinderia or yong malala, ihi sa arenola mula sa bintana ni lola. Wahhhhh
  • Ikaw na babae, tumayo ka sa waiting shed ni kong sining politico then napansin mo na parang mapanghe. Iyon pala may mama sa likod ng pader nagdidilig ng damo, pati bulate tinitigok.
  • Gutom na gutom ka galing trabaho o school, so bili ka naman ng makakain. Nginat-ngat mo na iyong food ng biglang lumapit sa iyo ang isang gusgusing mama o babae. Kukulitin ka nila hanggang sa maging food holdup na iyon.
  • Diretso ang iyong tingin dahil dadaan ka sa mataong lugar o ‘di kaya sa pa-cute ka pa sa istambayan ng crush mo. Yakang-yaka na sana ang lahat ng suddenly na-feel mo may something sa iyong nilakaran. Sorry Dong o Day hindi putik ang inapakan mo ebs ng aso.
  • true story ititch! Nag-aabang ang pinsan ko ng masasakyan sa Cubao ng biglang may sumampal sa kanya. Siempre, di papayag ‘yon gusto rumesbak. Kaso sinabihan siya ng katabi niya na baliw yong sumampal sa kanya. Pag tingin niya sa baliw, nanampal pa ng iba. Fair naman pala.
  • weh to pa. iyong dinadaanan ko sa school , may nakaparada doon na na kariton. Tirahan iyon ng isang mag-asawa na pagala-gala at palimos-limos doon. Hindi naman sila nang-aano, ni hindi nga ako hiningan non kahit kailan. Ang siste, mataas pa ang araw nagdyog-dyogan na ang mga hitad at payong or kumot lang ang takip. Hindi ko alam kung matagal ba ang interval ng pagdaan ko roon pero ‘pag pinapansin ko sila parang padami ng padami ang bata sa kariton nila. Oh di ba taob ang bahay ni kuya sa kariton ni manong.

Siya nood na,

Ate Jevz

Head to Toe: Personality or Face Value

Dear ate Jevz,

For so many times… nababati ako na may ganitong kamukha o naalala nila through sa akin ang kanilang kakilala. Well siempre hindi na nawawala diyan na kamukha ko raw ang ina ko, isa kong kuya, ang bestfriend sis ko at ang isa kong namapayapang pinsan… May isa rin akong lolo na nung isang taon ko lang nakita ang nagsabing kahawig ko raw sa mukha o kilos ang lola o lolo ko…(di ko na matandaan kung sino sa kanila).. eddie ibig sabihin boyish din lola ko kung nagkaganon hehehe…

Pero sa lahat nang magsasabi sa akin na kamukha ko ang kakilala nila.. naiiba yong hindi ko naman kaano-ano… di ba ang pagiging kawaii naman e sa dugo nanalaytay yan kaya okay lang kung kamag-anak. first na naalala ko na nagsabi sa akin na kamukha ko raw ang pamangkin niya ay ang naging ex live-in partner ng tita ko.

Ilang beses na rin ba akong nasabihan na “naalala ko sa iyo iyong pinsan/ kaibigan ko.” In fairness okay naman ata ang mga qualities ng mga taong hinahawig nila sa akin. Nito namang nakaraan, nilapitan ako ng isang big official ng isang ice cream company…sabi niya sa akin… naalala niya sa akin ang pamangkin niya… then tinanong niya ang course ko, same pala kami…

I’m touched kapag through me may naaalalang tao ang kausap ko lalo na kung malapit sa kanya iyon. Mas gusto ko iyon kaysa sabihin ako na kamukha si ganitong kamag-anak ko… hindi naman sa ayaw pero mas gusto ko lang na pag-ugali ang pinapansin… although di ba in some point ng ating life e gusto natin hanapin ang ating sariling style na wish ng ating kuning-kuning na atin lang at walang pair.

Adorada Lambong

Dear Dora,

In ur story mapipiga na tlagang it’s hard na wla kang ka-like d2 sa earth. I knw sometime ka-asar na sabihin na kamukha mo si ganito lalo na kung di mo naman feel yung karakas nun.

Pero don’t feel miserable, especially kung di naman mukha ang puhunan mo… what important tlga sa mga tao ay ang ganda ng personality na mahirap gayahin o pantayan…

Just be yourself… hindi naman sa lahat ng pagkakataon ganun ka nila titignan dahil kapag nakilala ka nila… eddie ikaw naman si Dora the Cute or Dora the great explorer…

Mabuhay!

ate Jevz

Head to Toe: Environment friendly tips

Dear Ate Jevs,

Grabe na po tlaga ang global warming. Lahat ng bagay, may buhay o wala ay naaapektuhan. Pati nga po hair ko sobra ng dry.

I think kailangan ko ng mag-care because I believe hindi lamang po kalat o dumi, ang mare-resolve kapag naging mapanuri tayo sa ating ginagawa at ginagamit. Ako, aminado ako na hindi ako dugyot at burara, makakalimutin lang at saka makalat.

May maibibigay po ba kayong tips na tipong kahit simple ay makakatulong ako para wag dumumi at magkaroon ng basura?

Bebong Pinlat

Dear Bebong,

Mbuti nmn at may k2lad mo n cncern n rin s atng mother earth. Nawa’y may 2mulad sau. Nri2 ang few smple tip q n kering gawin pra mpakinabangan ang mga old things na itinatambak lang.

Para hindi na sila maging kalat, gawan na natin ng paraan.

Ate Jevz

old damit. Maraming pakinabang sa mga lumang damit. Pwede itong ipamigay, i-donate at kung pangit na ay gawing basahan. Kung puting shirt, aba’y mas lalong maraming gamit diyan. Pwedeng panala sa gripo o posong makalawang, ulong kinukuto, at pampatong sa noong nilalagnat.

ice cream containers. Maraming mahilig sa ice cream ( mabuti na lang hindi ako mahilig rito) pero kapag ubos na ay kung saan-saan itinatambak ang galon, cup o anumang lalagyan nito, plastic man o lata. Pwede ang mga itong lalagyan ng mga pantahi (sinulid o karayom), krayola, pantali, panty & brief etc. Papasa rin ang mga itong paso para sa mga halaman at arenola sa gabi. Ang cup nito ay pwede ring lalagyan ng ebs or wewe kapag papa-medical check-up.

Old magazines and newspapers. Punit-punit na ang linyang pagbebenta sa mga ito pero iilan lang ang gumagawa. Hindi ba’t masaya ang kumita kaysa matambakan ng basura. Hanap ka na lang ng mahal bumili ng mga ito. Pwede mo rin itong ipangsapin sa iyong cabinet, cover sa iyong notebooks or books, panlingas sa kalan, pambalot sa tinapa o di kaya sa sanitary napkin na bibilin o itatapon na. May mas luma pang gamit diyan,’wag mo na lang ipa-elaborate kasi may CR naman siguro kayo.

Cellophane, paper bags or plastics. Itago mo ‘yong mga pinaglagyan ng mga pinamili mo sa grocery o talipapa. Para pag nakapamili ka hindi ka na kakalabitin ng mga bata o aleng nagbebenta ng plastic. Baka nga makapagbenta ka pa?

Pringles, ricoa, or boxes. Well tulad din ito ng ice cream containers mas maliliit na bagay lang ang mailalagay mo. Pwedeng ilagay sa mga ito ang mga nalaglag na botones, nahanap na pardible, o mga tali. Yong mga barya na hindi mo pinapansin dito mo na lang ihulog para dumami. Kapag may reregaluhan maigi rin ang naka-box.

Itlog. Dahil may kanya-kanyang expertise ang 2 parte ng itlog, may isa rito ang natatapon. Kapag ang egg white ang ginamit, ilagay ang egg yolk sa sinaing para maluto maipakain pa sa mga bata. Kapag ang egg white naman ang natira, lagay mo sa mukha mo, maigi raw yang facial mask. Tas yung egg shell lagay mo sa mga orchids… ginagawa yan ng maderaka ko kaysa sa ihi..hahaha.

Lumang kalendaryo and political paraphernalias. Ito gamit na gamit ko ang taktikang ito noong high school at college. Instead of cartolina and manila paper (na gingamit ko lang pag may pera ako), why don’t you try likod ng mga malalaking calendars or yung mga likod ng mga posters na ginamit mga politico. Hindi mo dapat ikahiya yon, dahil part ng buwis ng parents mo ginagamit lang mga pulitiko sa mga ‘yan. (naks mag-ala aktibista ba?) pwede mo rin silang pamaypay, panggatong at sapin para sa maduming sementong uupuan mo.

retaso, tickets, negatives etc. Well pwede na rin ito sa last kong letter sender. Yong mga magagandang gamit-gamit, pwedeng pagtiyagaan para magamit sa scrapbook like ng retaso ng tela, ticket sa bus, film negatives, balahibo ng ibon, natuyong rosas etc. (pwede rin kaya ang hibla ng buhok, ingrown, naipit na lamok sa libro etc. hehehe)

Mag-alaga ng Hayop. Kung laging may nasasayang na food, mag-alaga ng aso, pusa o baboy. Nakatulong kana sa kanila wala pang naaksayang food. Pero wag mo namang tratuhing hayop ang mga hayop na sobrang panis na ang ipinapakain mo. Redundant na yan!

Napkin. Every time na kakain tayo siempre di pwedeng walang tissue. Kunin mo ang matitirang tissue mo kaysa itapon lang. Magagamit yang sa emergency.