Kapit lang o bitaw na… Paano ba ang mag-move on?

Hi! magaganda mga advice d2.sana matulungan nyo rin po ako.

I
baguio _ cemetery of negativism 3May nagtxt po ksi sa kin nung Oct 29,2015 ng “hu u? bf nya to” gamit nya cel# ng gf ko.nireplyan ko sabi ko “ako ang gf nya” & then nagreply sya sabi nya “bf nya din ako number 2 ka lng”.  tumawag gf ko at malakas ang boses ko habang kausap ko sya, sabi nya hindi raw sya ang nagtxt, yung mga pinsan nya.napagtripan kmi dhil siguro sa sobrang kalasingan kaya nila nagawa yun.hindi ko sya maintindihan sa phone kaya ang ginawa ko pumunta ako sa kanila kahit gabi na. Kumatok ako lumabas yung pinsan nya at binati ko at tinanong kung pwede ko makausap ang girlfriend(gf) ko. pero sinaraduhan ako ng pinto, ang ginawa ko naghintay ako panay ang txt ko sa gf ko na nasa harap ako ng house nila at gusto ko sana sya makausap kahit sandali para magkaayos na kmi kaso po hindi sya lumabas kaya inabot ako ng umaga sa harap nila,lumabas na sya ng bumagsak ako dahil lagpas 24 hours ako gising at wla tlga ako pahinga.
Nagsorry ako sa kanya dhil malakas ang tono ng boses ko sa phone, ang sabi nya sa kin hindi nman sya galit sa kin. hinatid nila ako ng pinsan nya sa min,hinalikan ako ng gf ko bago sila umalis.pagkauwi nila tumawag sya sa kin para sabihin sa kin na nakauwi na sila.dahil medyo hindi ko sya maintindihan tinext ko na lang sya at humingi ako ng pasensya sa ginawa ko pagpunta sa kanila ng gabi lalona at hindi nya alam, nangako pa nga ako na hindi ko na uulitin ginawa ko.

II
Kinabukasan,panay ang text ko sa kanya pero hindi sya nagre-reply sa kin ni kahit “hi” man lang.inisip ko na lng wala syang load kaya nagtxt na lng ako ng “good night” bago ako natulog. Paggising ko nagtxt agad ako ng “good morning! I love you.” sa kanya. Nag reply na sya,sinabi nya sa kin “please,hayaan mo muna ako para kasing hindi na ko masaya. sorry!”. Nagtext ako sa kanya sabi ko”pero kahit anong mangyari nandito lng ako,itext mo na lng ako pag ok ka na at hindi ka na galit. Sorry sa ginawa ko sa pagpunta sa inyo, nangangako ako na hindi ko na uulitin ginawa ko pagpunta sa inyo ng hindi mo alam.sana mapatawad mo na ko.mag iingat ka lagi.I love you”. Nagttxt pa rin ako ng “good morning! I love you. Nagbreakfast ka na?”, “good afternoon!musta na? galit ka pa?, “kumain ka na?, “good evening! I love you.” at nagpapahinga ka na siguro,good night. I love you”.

III
November 1 ng gabi nagtxt sya sa kin at nag decide na syang makipaghiwalay sa kin. sabi nya “ayoko na tlga,maghiwalay na tayo!kung mahal mo ko palalayain mo na ko. sinubukan ko pero hindi na tlga ako masaya. sorry!” kinabukasan ko na na-received txt nya dhl maaga ako nakatulog. tinext ko sya “gusto mo na tlga makipaghiwalay?,cge hiwalay na tayo. sinira mo promise natin na wlang hiwalayan at lokohan. gusto kong malaman mo na galit ako at sobra ako nasasaktan dhl mahal na mahal kita.”. Nag-reply sya at sinabi nyang “makakahanap ka rin ng babae na mas mabait at mapagmahal sa kin. sorry!. Yun na po ang huling txt nya sa kin. Simula nun hindi na kmi nagttxt.

IV
Wala na kmi communication, pero nasasaktan pa rin ako dhl mahal na mahal ko sya. Lagi ko naiisip yung mga good memories namin. Nakilala ko sya sa carwash last year pero hindi sya nagtagal sa carwash dhil sa mga nagawa nyang mga palpak.simula nang pinatalsik sya sa carwash araw araw na kmi nagttxt,inaya nya ko makipag- date,nagkita kmi sa sm north,inaya nya ko gumala sa star mall at sm megamall at last nmin pinuntahan MOA. Sa MOA siya simulang na fall sa kin,naramdaman ko rin yun. 2nd date nmin nanood kmi ng sine sa sm fairview at kinabukasan nun nagkita uli kmi dahil binalikan nmin yung couple ring pero hindi pa raw ok. after 1 week binalikan nmin yung ring nasusuot ko na pero yung kanya hindi nag-fit kaya pinaayos na lng nya uli at nagpunta kmi sa wildlife at doon nagsimula ang love story namin. July 14 sinagot nya ko sa text,nagkita kmi july 27,nag inuman kming 2 sa cubao inamin nya sa kin na nag start syang ma fall nung nasa MOA kmi at inamin ko sa kanya 2nd day nmin na magkakilala kmi na nagstart ako ma fall sa kanya at tapos nun nakitulog ako sa kanya,magkatabi kmi pero walang nangyari sa min. Nagkita uli kmi nung birthday ko. Nagpunta kmi sa luneta park at ocean park,nagkuhaan kmi ng picture at habang nagseselfie sya bigla ko sya hinalikan at tapos naghalikan na kmi.yun ang first kiss namin.

V

August 12 nagkita kmi at nakitulog ako sa kanya sa pasay. May nangyari sa min nun 2 araw at simula nun pg nagkikita kmi lagi na may nangyayari sa min nagpupunta kmi sa hotel at motel pero hindi nman lgi.nung last date nmin sya lahat halos gumastos at sya rin nagbayad ng pang motel nmin. Ang huling pagkikita nmin yun yung sumugod ako sa knila dhil sa kagustuhan ko na magkaayos kmi agad, Ngayon nagsisisi na ko sa mga nagawa ko sa kanya. Mahal na mahal ko sya at hindi ko pala sya kayang mawala sa kin. kahit 3 months and 18 days lng naging kmi,minahal ko talaga sya.

VI

Ano po kaya pwde ko gawin? May pag asa pa kaya na magkabalikan kmi or try to move na lng ako? Masaya pa kmi nun bago nangyari yung nagtrip yung mga pinsan nya.sinasabi pa nga nya sa kin na mahal na mahal nya ako at gusto na nya na magsama na kami. Nag-propose na ko ng kasal sa kanya at pumayag sya na magpakasal kmi sa February 14 2017 pero hindi na mangyayari yun dahil tapos na kmi.

black combatron mora 

_______________________________________________________

Dear Black Combatron,

Dahil sa  haba ng text ng kwento mo at  hindi na ito pang-comment area, kaya ang sabi sa akin ng mahaderang si Hitokirihoshi ay separate post na lang ang pagsagot. Huwag kang mag-alala in-approve naman nya ang commentserye mo. Hehehe

Anyway Black Combatron ‘naniniwala ka ba sa Forever’ o ‘kung mahal ka babalikan?’ Ako  di ko alam basta nanonood lang ako at kilig-kilig lang sa mga love team na ‘yan. And in fairness talaga sa faithful night ng October 29 mo, talagang highlight kung highlight ang waiting for the moon and sun to rise and shine above.  Im sure sino mang actor na magdo-double sa iyo  (Alden, Daniel or James?)  ay bibilib. Mamaya  sasabihin ko ano kinalaman ng mga tanong na  yan sa iyo…

Ang magandang isipin dito ay sino at ano ka  before  more than 3 months ninyo?   So far  yan ang the best advice na nakuha ko pagdating sa pagmo-move on at gusto ko rin ibato sa iyo- tamaan ka sana hehehe. Diretsahan di ba?  Oo  my advice is move on ka na, hindi sa na-judge ko si ex mo o ikaw pero kasi bumitaw na sya sa iyo.  Ano pa ba ang kailangan mong ipaglaban?    I guess sa lahat ng effort mo kahit ilang beses lang yun, alam na ni ex mo na mahal mo siya.  Yun ang the best mong ginawa  so far,  na kahit bokya ang result… hindi ka nag-atubuli na gawin yun at sabihin sa kanya ang nararamdaman mo.  Matapang ka and you do your part na.  so what’s next?

Babalikan ko ang tanong  na naniniwala ka ba sa forever? Maniwala ka na may forever sa mga taong  TUNAY na nagmamahal  pero huwag kang maniwala na lagi sweet moments at siya lang ang magpapadama nito sa iyo.  Kung talagang  mahal ka  n’ya hindi ka nya itatrato ng ganun –  actions speaks louder than voice. Iba ang sinasabi sa salita kaysa gawa – sinagot ka sa text iniwan ka sa text.

Ang pinaka-the best hugot dito ay i-improve ang iyong sarili  at  iyong pagkatao para sa iyong next relationship..  Iyong tipo bang masasabi mo kaagad na ah  “hindi lang katawan ko ang hanap nito “ (naka naman).  talagang love namin ang isa’t.  From my perspective yun ang malaking butas ng relasyon ninyo  usapang TUNAY na pagmamahal kasing lawak ng butas na iyon ang MOA.  Peace!

Hope na marami rin ang mag-comment dito para mag-advice din sa iyo. And May you have a happy love life soon!

Nag-a-ice-cream sa daang malupit,

Ate Jevz

Advertisements

5 thoughts on “Kapit lang o bitaw na… Paano ba ang mag-move on?

  1. black combatron mora,

    Sa txt palang na “hu u? bf nya to” magtaka kna..

    Move On! — eto ang tamang kasagutan kung ayaw mo ng masaktan pang muli. Tama si ate Jevz na iimprove mo nalang ang iyong sarili at pagkatao para sa susunod mong relasyon e may improvement.. 3 months palang kayo, yung iba jan years pa ang pinagsamahan, mas masakit at mahirap yun.. Palitan mo na rin agad yung number mo kung tlgang gusto mong mag-move on, kung mahal ka rin nya, gagawa rin sya ng paraan para makita ka at di sa txt ang communication.. for short, eeffort rin sya. Wag kang mag-alala, both parties dapat umeffort di lang puro lalake.. 🙂

    Tinanong mo ba sya kung anong problema? Ang sakit nyan kasi hiniwalayan ka ng di mo manlang alam kung anong nagawa mo. Pero you did your best, tinext mo naman, nagsorry ka na rin.. maaring may iba na sya kaya ganon kadali sa kanya ang iwan ka.. maaaring di kna nya mahal..

    Anyway, di nman masamang umasa.. Naniniwala ka ba sa destiny?

    Kung ngayon plang babaliin mo na yang sim mo, maaring wla pang 1 minute magtxt na sya ng “sorry”.. pero kung yan lagi ang iisipin mo, maaring umasa ka nalang forever (at dito mag-eexist ang forever mo.. forever aasa at masasaktan). Malay mo tawagan ka nya at super desperada syang makausap ka e bigla nlang yang sumulpot jan sa gate nyo 🙂

    Ang pagmMove on kasi, choice mo yan.. ung dapat buo ang loob mong magmmove on ka. Mahal mo pa sya? Di mo kayang mag-Move on? Hanggat may pinanghahawakan ka pang feelings, naku bro, di ka makakaMove on.!

  2. Kahit ayokong magka relasyon, magbibigay ako ng obserbasyon ko sa yo, ginoong black combatron. mahirap manduhin ang relasyon na iisa lang ang kumikilos. kailangan kasi lahat ng kasangkot dito ee kumikilos para sa mabuting takbo ng relasyon. ngayon paano mo gagawin yun kung nag lilihim sayo ng saloobin ang kapareha mo? kilala mo ba talaga siya? kilala ka ba niya? kilala niyo ba ang isa’t isa? kung ibabase sa liham mong ito, wala akong ibang nabasa sa mga pinagsaluhan ninyong mga memorya kundi sa inuman, text, minsanang dates, at h/motel. sa 3 months na iyon, nalaman mo ba o nagka idea ka ba mga pangarap niya sa buhay? prinsipyo? ambisyon? mga takot? pananaw sa bagay-bagay? kung sa mga bagay na ito e di mo nahinuha mula sa kanya, wag ka na mag taka kung bakit pati dahilan ng pag break niyo e hindi mo rin mahinuha. siguro buo na ang loob mo na siya na sana katuluyan mo, pero siya hindi. hindi mo gugustuhing makapiling habambuhay ang isang tao na malabo, gaya netong ex mo.
    kaya gaya ng mga naunang payo, MOVE ON na koooooya. :33

    (thanks mareng Hoshi sa oportunidad na ito! idol ka talaga! :))

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s