Knowing Aquino Couple sa Aquino Museum

Noong isang taon, isa sa pinagpapasalamat ko ay ang makapaglakbay sa Pura, Tarlac.Taga-roon kasi ang isa kong matalik na kaibigan at tamang-tama naman na piyesta. At siempre, naisip ko kaagad ang bisitahin ang Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng pamilya ng namayapang pangulong Cory Aquino. Para sa akin kasi, pag sinabing Tarlac – bayan ng mga Aquino.

Probinsyang-probinsya ang pakiramdam nang nilalakbay namin ang loob ng Hacienda na malaking-malaki. Luntian ang paligid dito dahil punong-puno ng pananim. May mga area na may gusali at kung anu-anong pwedeng gawin (parang may pang golf ata) pero mas marami pa rin ang taniman.

Ninoy's prepared arrival statement
Ninoy’s prepared arrival statement

Disappointed ako na hindi kami pinapasok sa Azukarera, trip ko pa man ding pagpi-piktyuran ang pamosong gilingan ng asukal. Pero okay lang, naiintindihan ko naman kung bakit hindi pwede. Memorable lang si manong guard kasi sinabihan talaga ako kung Muslim daw ba ako. Nagkataon naman kasing trip kong itakip sa aking ulo ang itim kong balabal. (at tinanong ak ulit nung pumasok ako sa Camp Servillano Aquino.)

Wala naman kaming ibang alam na mapupuntahan doon, although sabi nga ay mga business at activity areas na roon, na bago para sa amin. Taga-Manila ako kaya hindi na ako ganon ka-interesado sa mga ganung lugar. Iyon hanggang sa napadpad na kami sa Aquino Museum na nasa Aquino Center.

tarlac_-may-15-17-117
a very touching moment

Isang daan ang entrance dito at ang saya-saya kasi at that time na maulan ilan lang kami sa loob. ganun pala ang museum na dedicated sa iilang tao, mas maa-appreciate mo yung pagkatao nila. Ang aquino Museum ay naglalaman ng mga memorabilia ng mag-asawang Sen. Benigno “Ninoy” at Ex. pres. Aquino. Siyempre kasama na roon yung mga personal nilang gamit at litrato na noon ko lang nakita.

Buhay pa si Tita Cory last year kaya naman damang-dama ko yung pagka-proud, hindi lamang sa mga nagawa niya bilang babae at ina kundi bilang asawa. Mahirap din magbigay ng suporta sa ganung lalake na mainit sa mata ng gobyerno at sugod ng sugod sa hamon ng buhay.

Nakabulatlat ang ilang diary nilang mag-asawa at nakakaantig ang mga mababasa sa mga ito. yung isang nabasa ko ay yung sulat ni NInoy nang mag-decide siyang mag-hunger strike at yung kay Cory ay nung sabihin niya ang aniya’y pinakamalungkot na bahagi ng kanyang buhay, ‘yon ay nung mamatay ang kanyang ama.

a wife's promise
a wife’s promise

More than sa pagiging hero nila sa bayan , ang in-admire ko sa kanilang dalawa ay ang pagmamahalan nila. Na kahit naipamalas nila ang kani-kanilang laban sa buhay, sila ay mag-asawa, nagbibigayan ng suporta sa isa’t isa.

May-akda: Ate Jevs

fairy god sister ni Hitokirihoshi ng Hoshilandia.com, eat food, sing songs, explore life, travel places, meet people and love...advice/stories/tips

16 na mga thought (isipan) sa “Knowing Aquino Couple sa Aquino Museum”

  1. waw naman pamangkin.. may fieldtrip sa museum
    teka sure ka di ka muslim? LOL

    hehehe

    bat wala kang pic kasama mga frends mo
    hehe

    sana makapunta rin ako dyan sa tarlac. hahanapin ko yang museum na yan.

    1. oo nga. ang sarap ng trip tito na lakad nyo lang mismo. walang magsasabi na teacher oi balik na kayo mga bata. tapos na. hehehe, sana nga makapunta ka ng tarlac. may isa pa kaming hindi napuntahan e, yung dinaanan ng death march.

      mahilig akong kumuha ng larawan pero hindi ng sarili ko. ayoko ng masyadong akong maraming exposure at baka ma-discover ako.

    1. bakit naman? feel na feel ko nga ang reception nila sa akin. wierd pero parang may sense of pride kahit napagkakamalan lang. parang pakiwari ko magkahalong respeto at cautious sila kong paano nila ako tatanggapin.

      ewan mahilig lang talaga ako magbalabal, may time na may nagkaroon ako ng apat na ganyan. hehehe

      mabuhay sa ating mga kapatid na Muslim!

    1. heheh! naimbitahan lang ako ng kaibigan at libre kami sa mga kabagayan ( siempre pwera pamasahe).

      oo nga, marami pang makasaysayan at magagandang bagay na makikita sa museum. ang mga ito lang allowed na kunan.

      by the way dun sa mga hindi pa nakakaalam, yung mga message mababasa ninyo pag klinik yung pics. hindi ko na nilagyan ng link yung pic nina tita cory at sen. ninoy ( ibalato na ninyo sa akin yan.)

    1. oi that’s cool! mayroon akong hipag, matalik na kaibigan at kuya-kuyahan dati na mga muslim. nakakatuwa silang mag-alaga, napaka-warm.

      hayaan mo na si raft3r, baka ako lang ang pinatatawanan nyan. (na tingin ko ay lagi naman.) hehehe

      mabuhay!

    1. hi minez and welcome dito hoshilandia!

      wala po kong contact number sa aquino museum. pero pwede kang mag-drop in dun at siguro punta na lang po kayo during regular working days at around 10 -5pm. ang entrance fee po doon ay 100 pesos.

      mabuhay po!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: