Ali Gaga

Dear Ate Jevs,

Hindi po ako Gaga as in, aanga-anga at hindi rin ako nakiki-ride on sa popularity ni Lady Gaga, kundi talagang Aligaga lang akong tao. Tipong lagi akong naghahabol ng oras, hindi ko alam kung ano ang uunahin ko, madalas may nakakalimutan akong bagay o tao, maramin dalang anik-anik at kung anu-ano pa na nagso-show na talagang busy ako.

Pero pag tinamaan naman ako ng topak ay tamad kung tamad ako. Kayang mag-stay ng buong araw sa kuwarto. Kung mangyari yun ay by trip lang o minsanan lang din.

Ang nakakaloka pa nito, kahit napapagod at medyo nai-stress ako gusto ko ang maraming ginagawa. Hindi yung iisa lang yung ginagawa ha, yun talagang marami akong inaasikaso. Walang lugar ang aantok-antok at pabagal-bagal. Iyon nga lang, alam ko dahil sa ganito kung ugali ay may mga trabaho akong kulang sa quality o hindi kaagad-agad matapos-tapos. Nawawalan na nga ako ng poise eh.

Pinipilit ko naman ang maging organisado at palagi akong nagti-take notes para paalalahanan ang aking sarili pero sadyang aligaga talaga ako. Hay paano po kaya ang gagawin ko?

Judith”Ali Gaga” Jones

Dear Judith,

Ikaw na ang nagsabing gaga ka ha, hindi kami. Pero ang pinakatutulong sa iyo ay ang sarili mo. Disiplina at patient, ang dapat mong matutuhan dahil malamang yan ang kulang kahit marami kang inaalam. Ewan ko ba sa iyo, ang gulo-gulo mo.

Kung wala ka naman minamadali at walang hinahabol, maghinay-hinay ka. Aanhin mo ang trabahong mabilisan kung hindi naman ito kay dahil hindi ka naka-deliver ng tama. Saka one at a time lang iha, para hindi ka mawindang at maguluhan.Β  Matatapos mo rin ang iyong mga gawain sa sikap, tiyaga at concentration.

Hay pati ako naaaligaga na at nangangarag Β na e.

Mabuhay!

Ate Jevs

20 thoughts on “Ali Gaga

  1. Oi, ale gaga apir naman jan…
    hindi kamay kundi paa ah..

    pareho tayo minsan, dun sa part na kayang magkulong sa kwarto kahit na isang pa.. πŸ˜€

    ang sarap kayang matulog.. πŸ™‚

    Pero sa problema mong ganyan, hayaan mo na iyan hahaha…

    1. heheh at nakiki-ayon din ako sa inyo ale gaga. parang masarap tlagang magtutulog lalo pag weekend.

      at walang labasan ng kuwarto kaka-marathon hehe ng movie o series at audiobook/ book. wala pa ang scrapbook dyan.

  2. Ammm, lady gaga.

    kailangan mong maglaan ng kahit isang araw sa isang linggo para sa iyong sarili.

    oras mo yun para makapag unwind, para makapagayos ng sarili at para makapgrelax at magsave ng energy.

    sa araw araw naman, try to sleep kahit 15 mins sa break time mo.. makakatulong yun pramis
    πŸ˜€

    1. ay oo tito tumpak ka sa advice mo kay ali gaga kasi baka nga kulang siya ng time para makapag-isip ng mabuti bago gumawa ng mga panibagong mga gawain. hehehe

      oh ayan nabasa mo na siguro ali gaga ang advice ni tito matulog ka raw ng 15 hours este 15 mins. kada break.

      mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s