KAPAYAPAAN, KALAYAAN, KARANASAN…noynoy aquino

May party akong napuntahan na hindi ako ganoon ka kumportable. Hiwalay ang kuwarto kung saan may kainan, doon sa kuwartong may mga program gaya ng sayawan, kantahan at palaro sa parang hotel na ‘yon.

Noong marinig ko na parang may dance contest, nagpasya akong sumali. Pumasok ako sa loob ng kuwarto at doon ko lang naalala na naka-dress pala ako kaya inabot ko ang aking sinturon at sapatos sa aking kaibigan na nanonood lang sa program.

Sa mga kasali, alam ko dalawa doon ay kakilala ko. bigla nag-alala ako na baka stop-dance ang laro. Dyahe naman sa akin ang sumali pa sa ganung laro pero nandoon na rin lang, sumige na ako. Ang nakakaloka lang ay imbes na pasayawin kami ay nagkaroon ng question and answer portion.

Pinakitaan kami ng tatlong que cards na naglalaman ng mga salitang KAPAYAPAAN, KARANASAN at KALAYAAN. Mamimili ka alin sa tatlo o i-enumerate mo ang tatlo ayon sa pagigingg importante nito sa iyo.  Panghuli ako sa sasagot at yong nauna sa akin ay si Tita Cory pala. Ang sagot niya ay KAPAYAPAAN.

Naisip ko ay may punto siya pero ako ang nasa isip ko, kalayaan ang gusto ko na unahin. Pero naisip ko rin nung pagkakataon na ‘yon, mahirap idepensa at may pipili kaya nung cue card na may nakalagay na KARANASAN? Pero noong ako na ang sasagot ay hindi na ako nakapagbigay ng kuro, kasi nagising na ako.

Wala lang sa akin ang panaginip na ‘yon, bagama’t weird at nakasama ko pa talaga si Tita Cory ha.  Pero kanina habang nakikinig ako sa speech at pagdedeklara ni Noynoy Aquino na tatakbo na siya na sa pagkapangulo biglang bumalik sa akin ang panaginip ko.

Marahil pinili ni Tita Cory ang Kapayapaan kasi yun naman talaga ang nagawa niya during her time, gusto ko ng Kalayaan bilang indibidwal at mamamayan at ang KARANASAN ay para kay Noynoy. Sa totoo lang kasi, ‘yon ang tingin kong kulang sa kanya at mas gusto ko siyang tumakbo bilang pangalawang pangulo.

nais ko'y kalayaang,'di papel lamang
nais ko'y kalayaang,'di papel lamang

Siyempre, ayaw ko rin naman sa mga TRAPO (traditional politician) na punong-puno sa karanasan pero wala namang kakuwenta-kuwenta at integridad. Ang sa ganang akin ay kaya nga bang mamumuno, desidido, maaasahan, mapagkakatiwalaan at  may magandang hangarin para sa bayan.

Naniniwala naman ako na mayorya sa mga binanggit kong  katangian ay tinataglay ni Noynoy. At kung titingnan ang mga posibleng kakandidato, namumukod tangi  nga siya sa maraming aspeto.  Pero may bunga kasi ng isang magandang puno na nababalewala ang pagkalinam-naman at sustansya pag piñatas ng hilaw. Nakakatakam man tingnan pero nakaka-frustrate pag hindi naibigay yung hinahanap mong dapat na lasa nito.

Dagdag na tanong lang… kung hindi ba namatay si Tita Cory at iba ang ginawang taktika ni Mar Roxas (lalong-lalo na ang flop niyang padyak ad), papaimbulog kaya ang name ni Noynoy?  May isa lang akong gustong purihin sa kanyang mga sinabi niya iyon ay dapat wag mawalan ng pangarap o pag-asa.

Knowing Aquino Couple sa Aquino Museum

Noong isang taon, isa sa pinagpapasalamat ko ay ang makapaglakbay sa Pura, Tarlac.Taga-roon kasi ang isa kong matalik na kaibigan at tamang-tama naman na piyesta. At siempre, naisip ko kaagad ang bisitahin ang Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng pamilya ng namayapang pangulong Cory Aquino. Para sa akin kasi, pag sinabing Tarlac – bayan ng mga Aquino.

Probinsyang-probinsya ang pakiramdam nang nilalakbay namin ang loob ng Hacienda na malaking-malaki. Luntian ang paligid dito dahil punong-puno ng pananim. May mga area na may gusali at kung anu-anong pwedeng gawin (parang may pang golf ata) pero mas marami pa rin ang taniman.

Ninoy's prepared arrival statement
Ninoy’s prepared arrival statement

Disappointed ako na hindi kami pinapasok sa Azukarera, trip ko pa man ding pagpi-piktyuran ang pamosong gilingan ng asukal. Pero okay lang, naiintindihan ko naman kung bakit hindi pwede. Memorable lang si manong guard kasi sinabihan talaga ako kung Muslim daw ba ako. Nagkataon naman kasing trip kong itakip sa aking ulo ang itim kong balabal. (at tinanong ak ulit nung pumasok ako sa Camp Servillano Aquino.)

Wala naman kaming ibang alam na mapupuntahan doon, although sabi nga ay mga business at activity areas na roon, na bago para sa amin. Taga-Manila ako kaya hindi na ako ganon ka-interesado sa mga ganung lugar. Iyon hanggang sa napadpad na kami sa Aquino Museum na nasa Aquino Center.

tarlac_-may-15-17-117
a very touching moment

Isang daan ang entrance dito at ang saya-saya kasi at that time na maulan ilan lang kami sa loob. ganun pala ang museum na dedicated sa iilang tao, mas maa-appreciate mo yung pagkatao nila. Ang aquino Museum ay naglalaman ng mga memorabilia ng mag-asawang Sen. Benigno “Ninoy” at Ex. pres. Aquino. Siyempre kasama na roon yung mga personal nilang gamit at litrato na noon ko lang nakita.

Buhay pa si Tita Cory last year kaya naman damang-dama ko yung pagka-proud, hindi lamang sa mga nagawa niya bilang babae at ina kundi bilang asawa. Mahirap din magbigay ng suporta sa ganung lalake na mainit sa mata ng gobyerno at sugod ng sugod sa hamon ng buhay.

Nakabulatlat ang ilang diary nilang mag-asawa at nakakaantig ang mga mababasa sa mga ito. yung isang nabasa ko ay yung sulat ni NInoy nang mag-decide siyang mag-hunger strike at yung kay Cory ay nung sabihin niya ang aniya’y pinakamalungkot na bahagi ng kanyang buhay, ‘yon ay nung mamatay ang kanyang ama.

a wife's promise
a wife’s promise

More than sa pagiging hero nila sa bayan , ang in-admire ko sa kanilang dalawa ay ang pagmamahalan nila. Na kahit naipamalas nila ang kani-kanilang laban sa buhay, sila ay mag-asawa, nagbibigayan ng suporta sa isa’t isa.