aNO KIA memory? 3210!

Pinaka-memorable na Nokia phone ko ay ang 3210 unit na ibinigay sa akin ng ate ko. Kahit pinaglumaan niya ay tuwang-tuwa ako sa phone na iyon dahil:

– Easy to use– hindi mahirap pumindot sa keypad at hindi mahirap intindihin ang paggamit kaya ‘di rin nakakatamad mag-text.

It was affordable to beautify – Dahil ginagamit ng karamihan ay maraming available na accessories para rito gaya ng housing o casing, bag at holder.  Dagdag pa roon iyong puwedeng palitan ng backlight, mapalitan ng graphic na picture message, at mag-compose ng ringtones na aminado akong pinagbubuhusan ko talaga ng panahon.

No problem with charger, battery and service centers – maraming available bilihan o mahihiraman.

Ang mga rason na ito, kasama na sa bigay ng ate ko, kaya espesyal ang Nokia 3210 kong iyon. Subalit wala na rin sigurong mas magiging memorable pa rin doon. Bakit?

September 20, 2001 nang nanalo ako ng award sa aming unibersidad. Tuwang-tuwa ako dahil iyon ang unang award na natanggap ko noong college ako. Bunga na rin ng aking paghihirap at gastusin sa pag-aaral. Subalit ang kasiyahan na iyon ay nangalahati dahil ‘yon din ang petsa na nawala ang Nokia 3210 ko.

Hindi ko napansin na isa rin pala ito sa mga tumapong laman ng bag ko noong biglaang magpreno ang driver ng sinasakyang kong jeep.  Napansin ko na lang na wala ito sa bag ko noong nakasakay na ako sa FX taxi at nasa kalahati na ako ng biyahe pauwi. Tinawagan ko ang phone at may sumagot pero, sabay isinara ang phone.

my latest Nokia Phone

Maligayang-maligaya ako sa sa aking award pero hindi talaga ako makangiti at mapakali nong nawala na ang kauna-unahang Nokia Cellphone ko. Naglalaman kasi iyon ng mga ringtones na pinaghirapan kong i-compose, pinakamataas kong score sa larong snake, picture messages na ipinapasa ko, importanteng contacts sa buhay ko at higit sa lahat mga mensaheng naglalaman ng inspirasyon, hinaing, pangarap at pagmamahal.

Ito ay lahok sa Nokia Essay Writing Contest