Pinaka-memorable na Nokia phone ko ay ang 3210 unit na ibinigay sa akin ng ate ko. Kahit pinaglumaan niya ay tuwang-tuwa ako sa phone na iyon dahil:
– Easy to use– hindi mahirap pumindot sa keypad at hindi mahirap intindihin ang paggamit kaya ‘di rin nakakatamad mag-text.
– It was affordable to beautify – Dahil ginagamit ng karamihan ay maraming available na accessories para rito gaya ng housing o casing, bag at holder. Dagdag pa roon iyong puwedeng palitan ng backlight, mapalitan ng graphic na picture message, at mag-compose ng ringtones na aminado akong pinagbubuhusan ko talaga ng panahon.
– No problem with charger, battery and service centers – maraming available bilihan o mahihiraman.
Ang mga rason na ito, kasama na sa bigay ng ate ko, kaya espesyal ang Nokia 3210 kong iyon. Subalit wala na rin sigurong mas magiging memorable pa rin doon. Bakit?
September 20, 2001 nang nanalo ako ng award sa aming unibersidad. Tuwang-tuwa ako dahil iyon ang unang award na natanggap ko noong college ako. Bunga na rin ng aking paghihirap at gastusin sa pag-aaral. Subalit ang kasiyahan na iyon ay nangalahati dahil ‘yon din ang petsa na nawala ang Nokia 3210 ko.
Hindi ko napansin na isa rin pala ito sa mga tumapong laman ng bag ko noong biglaang magpreno ang driver ng sinasakyang kong jeep. Napansin ko na lang na wala ito sa bag ko noong nakasakay na ako sa FX taxi at nasa kalahati na ako ng biyahe pauwi. Tinawagan ko ang phone at may sumagot pero, sabay isinara ang phone.
Maligayang-maligaya ako sa sa aking award pero hindi talaga ako makangiti at mapakali nong nawala na ang kauna-unahang Nokia Cellphone ko. Naglalaman kasi iyon ng mga ringtones na pinaghirapan kong i-compose, pinakamataas kong score sa larong snake, picture messages na ipinapasa ko, importanteng contacts sa buhay ko at higit sa lahat mga mensaheng naglalaman ng inspirasyon, hinaing, pangarap at pagmamahal.
Ito ay lahok sa Nokia Essay Writing Contest
Noong mga panahong iyon, nakawin pa ang 3210. hehehe hindi ko malimutan yung nag-wish-upon-a-debut-gift sa sister ng friend ko, hinoldap lang. 🙂 wahahaha
yan na yung entry ko! LOL! 😉
tama..kapag naka noki 3210 ka feeling sayo ng tao mayaman at marami ka ng pera..;-) namiss ko tulooy din nokia 3210 ko..
hi ANGTAMBAYNASIMYR!
hehehe, ka-miss din nu yung dating pinakauso ay simpleng bagay na lang ngayon.
oh well ang tingin ko sa nokia 3210 pa ngayon ay mga taong mahusay mag-alaga at mahilig sa vintage/ classic. hohoho!
mabuhay!
oo nga sa amin dati. sabihin mo lang kung anong unit may mag-aalok na sa iyo bandang hapon o gabi. hehehe GSM kung baga.
grabe yung agawan na yan dati buto ngayon medyo nabawasan na.
ahaha… yong N3210 ko rin ang pinakamatagal kong ginamit. medyo asiwa nga lang dahil noong time na ‘yon ay mas maliliit na nokia phones ang uso, hihi… 🙂
naku naalala ko rin yun… marami akong kaklase ang nakaiwa o nakawala nun… dahil sa liit. 8210 ata yun.
haha, N8210 at 8110 nga. nagkaroon din ako noon later. noon naman, ang uso na ay malaki ulit – N7650, haha…. parating pahuli-huli ako sa model. 🙂
hindi ka nag-iisa ate. ako laging tagasalo. yang nasa pic ako na talaga ang bumili. hehehe
aNO KIA hilo?
hehe unang cellphone 3310 hehe.. wala lang more power
paborito ko yang pinakasimpleng nokia at kasya kahit na saang bulsa. paborito ko din ung game na snakes, hehehe..
yang snakes na yan ate kahit gaganyan-ganyan maraming inaliw, pinakaba, at pinuyat. hehehe
hindi ko pa sinasama yang space saka bantumi dyan,ha! hehehe!
nokia nga ang syota -este- celphone ng bayan (dati)
hehe
hmmm may tama ka talaga este tama ka talaga. hehehe
3210 cellphone ng bayan, raft3r ang blogger ng bayan… naka naman!
bakit kelangan mo pa akong bolahin, ha?
hehe
pero ang sarap pakinggan ng bola mo
nyahaha
grabe naman talaga nun, nakawin talaga yan 3210, pero ngayon la na ata papansin.hahah ano na bang phone mo ngayon? 😀
korek sobrang pamporma then precious na kailangan itabi-tabi mo kasi baka maging katumbas pa ng buhay mo. hehehe
yung nasa picture, yun ang bago kong nokia phone. hindi pa rin high tech pero okay naman ang service masarap sa kamay.
sayang talaga …