Paano ba mag-blog?

notesKa-simple ng tanong at ilang taon ko na itong ginagawa, kung experience ang usapan, pero bakit ba ang hirap sagutin  ito para sa akin  nang madalian? Nitong nakaraang week lang kasi ay may dalawa akong kaibigan na trip na mag-blog  para mai-share sa madlang pipol ang kanilang travel stories. Ang unang sagot ko ay tanong din- gaano mo katagal balak gawin at ano ang vision mo?

Sa kabuuan ito ang sagot o tips ko sa tanong sa title:

  • Know first why you are blogging – ang pinakatama sigurong ginawa ko sa buong tanan ng pagba-blog ko ay ilista ang dahilan ko ng pagba-blog. Kasi either dumaan ka sa point na mawala ka sa focus or nagsisimula ka na wala ka na agad pinatutunguhan. Oo nga nandoon na tayo na gusto nila na travel stories pero paano ang approach,  puro pictures lang, mas maraming text, humorous, inspirational or informative, mataas ang traffic, at maka-attract din ng advertiser.  Puwede naman all of the above  o ibahin kapag di naglaon, pero dapat klaro  sa simula pa lang. Iwas pagod, gastos, at sakit sa bangs. Gets mo ang point ko? avi dcor8s my pc
  • Choose your platform and as much possible, think long term. Halos lahat ng nakausap ko ang gusto lang nila ay mag-share. Pero gaano sila kahanda na pag-aralan ang technical side.  Na-try ko mag-blog sa blogspot, tumblr, dito sa wordpress at iba pa. Para sa akin medyo mas complicated ang wordpress pero maraming gumagamit at kilala. Sunod d’yan ay kung free or paid. Kung iniisip mo na gusto mo na mag-dotcom ka na or sarili mong domain, I think idiresto muna. Wag ka ng mag-free para mag-practice muna at saka ka magda-dotcom.

Kasi kahit halimbawa from hitokiroshi.wordpress.com to http://www.hitokirihoshi.com lang ang mabago at particular ka pa sa ranking, followers, at iba pa. Malaki ang adjustment na gagawin mo.  Isa pa may iba isang beses lang mag-travel sa isang taon, eddie yearly post  ba ito?

  • Design and Pattern – Maganda kung may kausap ng web developer na puwedeng tumarabaho ng iyong site. Maganda rin kung alam mo na rin kung anong gusto mong  layout, design at format. Simple lang ba? Magazine style?  May live chat at slide shows?  Makakatulong kung may peg ka na gaya ng isa sa nakausap ko na ang gusto ay ang design ng blog ni Saab Magalona at blog style ni Bianca Gonzalez.

Bianca_moderation

  • Study your platform as in – Mahirap mag-tutor ng hindi hands-on at mabilisan hindi ba? Mabuti na lang ay may video tutorial na sa Youtube at sa iba pang website para malaman ang teknikal na aspeto ng wordpress, blogspot o iba pang social media.  Bukod sa basic, kailangan updated ka rin kahit konti kung paano yung mga pagbabago lalo na kung naka-dotcom para alam mong i-tweak,  pagbutihan at pagandahin pa ang iyong blog. Tandaan din na sa travel – puro pictures at  baka kailangan na i- re-size, lagyan ng watermark at anu-ano pa.
wordcamp
WordCamp 2010
  • Choose to share your blog post and interact –  Majority, kaya nagba-blog ay para mag-share di ba ? Subalit may iba rin na gusto lang ay mag-post ng kanilang magagandang kuha at nakaka-inspire na mga articles but not willing to share. Puwede naman yun siempre. Pero kung malungkot sa totoong buhay na alone ka, aba ganun din sa blogosphere ano? Ikaw lang nagbabasa ng blog mo, paulit-ulit mong iki-click para kunwaring  tumataas nag hits (may hugot moment ako dun a).  Masaya at may sense ang pagba-blog hopping marami kang matutuhan at makikilala.  Siempre maganda rin na malaman ng mga friends mo sa Facebook, Twitter, Pinterest, at iba pang social media sites na walastik  “Blogger na ako!!!”

    Chris Lao,Bianca Gonzalez, and Maria Resa of Rappler at Social Media Summit

Ikaw ano ang payo mo sa kanila? Share mo na sa comment box!

Para naman sa ibang gusto ng level up blogging may tsika ako sa iyo sa Hoshi Magazine.

One thought on “Paano ba mag-blog?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s