Bakit ang bilis ng oras?

Ang bilis ng oras literally. Madalas napapansin ko ito kapag naggagayak  (lalim!) ako. Parang nag-isip lang naman ako  kung anong ternong  hikaw,  komportableng t-shirt, at  hagurin ko pa sandali ang hair ko.  Sa trabaho rin lalo na kapag may deadline at nagkataon na sunod-sunod, parang hindi lamang ako nakikipagpatintero sa dami ng aasikasuihin kundi sa orasan.  Pero alam mo ang nakaka-frustrate ay yung akala mo puwede pa, pero hindi na dahil napaglipasan ka ng pagkakataon.

Minsan damay ang kalusugan din sa maling paggamit ng oras o kaya naman ay mabilis na takbo ng oras. Ang  pangaral ko nga sa mga pamangkin ko ay ‘ yang pagtulog, hanap-hanapin n’yo yan paglaki n’yo.’ Hindi nga ba’t  bilang mga mangagawa ay minsan ay parang luxury na lang ang pagtulog.  Katunayan halos ganoon na rin sa mga estudyante lalo na sa college at kumukuha na ng major subjects. Naranasan ko ‘yan dati na kung minsan pati pag-uwi para makaligo man lang  ay utang na loob mo pa.  Hahaha kaya college pa lang ako buwiset na buwiset na ako sa traffic. May extra time for concert sana ako sa loob ng CR.

Pero alam mo isa sa napagtanto ko pagdating sa mabilis at mabagal na oras ay may kinalaman din sa pananaw mo sa buhay o sa iyong tunay na passion.  Mabagal ang  oras kapag batong-bato ka sa iyong ginagawa, kahit kumikita ka pa nang malaki. Nauubusan ka naman ng oras parati kapag sinasamahan mo ng pasakalye at side trips ang iyong pinakaginagawa. Subalit kapag gusto mo ang iyong ginagawa at pinagtutuunan mo ito ng pansin, walang nasasayang na oras. Para bagang sulit lang kahit mapuyat ka o malipasan ng konti. In fact, hinid ka malilipasan at mapupuyat kapag pakiramdam mo ay na-maximize mo ang oras mo sa iyong passion.  Kailangan mo lang din malaman kung ano ba talaga ang pang-aliw lang at  alin ang  totoong nagpapaligaya sa iyo.

Napagtanto ko rin na ang bilis ng araw at nakakapanghinayang, kapag wala ka man lang naplano at na-accomplish.  Halimbawa ay kahit man lang mapuntahan ang iyong kaibigan dahil may chance naman.

Sa ngayon bukod sa gasgas ng “Time is Gold” ay naniniwala ako na Time Is Asset.  Gawin mo ang magagawa mo ngayon dahil hindi ka kagaya kahapon gaya ngayon para bukas.  Sabi nga ni Benjamin Franklin…

You may delay, but time will not.

 

 

2 thoughts on “Bakit ang bilis ng oras?

  1. Haynako, sobrang agree ako na sobrang bilis ng oras na lalo na pag naggagayak ka papasok sa trabaho, lalo pa’t hindi mo yun gusto! Kung bakit ba naman kasi inimbento pa ng tao yang oras na yan, ayan tuloy nagkukumahog tayo 😛

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s