6 of 7-Day Gratitude Challenge: Leadership

school in BinondoNitong November 29, for the first time, ay naimbitahan ako bilang guest speaker para sa team building ng  Holy Rosary School of Science and Technology. Bago pa man dumating yung araw na yun medyo kabado ako, hindi dahil  may stage fright ako ( slight lang) kundi dahil hindi ko alam kung paano ko ide-deliver yung samo’t saring naglalarong ideas sa kokote ko.  Noong una nag-aalangan pa ako kung karapat-dapat ako sa mga ganoong event pero na-convince ko ang sarili ko…

Hitokiri: Kita mo na?

Hoshi: Naks!

Hindi ako tatayo dun dahil isa akong matagumpay na tao (hindi pa talaga), kundi may gusto akong i-share sa mga estudyante.  Iyong mga natatago kong agimat at ibinebenta kong anting-anting para magtapos sa pag-aaral.  At isa pa, hindi naman ako iimbitahan ni Sir Ramon Naanep kung hindi ako nararapat.  Sana!

What is leadership?

Ang topic ng team building ay leadership.  Kung usapang experience , mangilan-ngilan at kung oobserbahan mo ako, hindi ako mukhang  leader. So paano ko naman ipinalusot, naipaliwanag ang tungkol sa mahusay na pamamahala.

Nag-concentrate ako sa sariling pamamahala sa buhay.  Dahil kung ikaw mismo hindi mo kayang bigyan ng direksyon ang buhay mo, paano ka pa magiging leader sa ibang tao.  Kung ikaw hindi mo alam kung paano ipaglaban ang mga karapatan at pangarap mo, paano pa sa inyong grupo? Saka naniniwala ako sa buhay  ng tao, hindi puwedeng hindi ka tatayo para sa sarili mo.

Wala akong sinulat na speech o nagsanay man lang ako nang todo bago ang speaking engagement ko (taray!). Sa ganang akin, ayokong makahon ako sa ganitong set up na hndi naman pala swak sa audience. Wala naman akong pinagsisihan sa mga pinagsasabi ko, pero kung bibigyan ako ng pagkakataon sana pinag-exercise ko yung mga bata. hehehe!

Okay, naisip ko na ibahagi talaga ang secret ko para ma-motivate ako na maging in charge sa buhay ko… ano yun? Quotes and  Bible Versus  

Marami akong ipon na ganyan na parang dinadasal ko pag talagang naghihina na ako.   Hindi naman madalas na galing sa mga matitinong tao -mayroon nga mula sa Samurai X at sa tambay naming kapit-bahay. Yung mga wikang simple pero  nabago ang buhay ko.  Ganunnn!

Tips to become Good Leader…of your life

Ito naman ang naisip at personally  sinusunod kong prinsipyo sa pakikipag-kaibigan, pagsama sa organisasyon at pagiging leader:

1.be humble and proud

na-blog ko na noon ang tungkol sa paniniwala ko na dapat humble ang tao and I quote my own quote :

When you are humble at nagku-compare ka sa iba. Hindi ka maiinggit kundi pupurihin mo yung magagandang bagay. Tatanggapin mo ang iyong mga kahinaan at magiging bukas ka sa maraming bagay na puwede mong matutuhan. Maging kuntento sa kung ano muna ang mayroon at mangangarap kang makuha yung trip mo by faith, perseverance, and changes.

dagdag ko pa dyan na ang pagiging humble ay ang organic approach to get connection and opportunities. Tingin n’yo bakit?  Saka sa kayabangan, dadale pa ‘yan ng bad elements like pride, lying and enemy.

Yung kayabangan iwan mo sa iyong sarili at ilalabas pag nanghihina ang iyong self-esteem at kapag minamaliit ka.

2.  Be a team-player

Paano nga ba?  ang isang hakbang d’yan ay matutong makinig.  Marami kasing tao na gusto sila ang bida at mayroong makikinig nga pero hindi naman umintindi. Kapag ang isang tao natutunan na makisama, makinig at makipag-usap. Simula na yun ng pagiging team-player niya at sunod na yung ibang traits.

3. Have a positive mindset

Hindi naman natin sinasabi lagi na doon ka lang nakatingin sa positive side.  Mahirap yun, pero ang ini-encourage natin ay choose happiness and positive mindset.  Because  even you experiencing negative things and encountering negative people, if you have positive mindset gagawa ka ng positive action at ano ang resulta? eddie Positive Result.

Natutuhan ko ito kay Sir Chinkee Tan.

So saang part ng post na ito papasok ang Gratitude?  Thankful ako sa mga nag-lead o naging leader sa buhay ko gaya nina Sir Naanep, Ma’am Victoria Diaz, Manang Juling, Mga Kapatid ko, mga kaibigan, katrabaho, amo at  higit sa lahat sa Panginoon. Kung hindi dahil sa kanila, baka nahirapan din akong i-lead ang buhay ko.

Hitokiri: Tama?

Hoshi: Tumpak!

 

Advertisements

One thought on “6 of 7-Day Gratitude Challenge: Leadership

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s