Pinoy, masuwerteng matalino o masuwerteng madiskarte?

Isang araw tinanong kami ng aming college professor kung ano ang motto, battlecry o islogan namin sa buhay. Marami akong kaklase na nagsabi ng seryosong sagot na puwedeng pamosong quote o inimbento nilang islogan. Pero nung ako ang tinanong ang sabi ko ay “It’s smarter to be lucky than it’s lucky to be smart.” Nagtawanan ang ilan sa mga kaklase ko lalo na nung malaman nila na kinuha ko ‘yon sa anime program na “Samurai X.”

Puwedeng katawa-tawa nga ‘yon pero seryoso talaga ako sa sinabi ko. Buti na lang pinagpaliwanag ako ng aming professor kung bakit ‘yon ang islogan ko.

Nakakalungkot kasi isipin na kapag mahirap ka na nga, minamaliit ka pa.  Hindi ka na nga nakapagtapos ng pag-aaral o hindi katalinuhan, ipamumukha pa sa’yo na hanggang d’yan ka na lang.  Napakatindi nang paghanga ng marami sa matatalino at mayayaman. Wala namang masama doon, ang masaklap ay iyong mawalan ka ng pag-asa kasi ito ka lang.  Hinalimbawa ko ang buhay ni Manang Juling at ang kilala kong mag-asawa na mula sa mayamang pamilya.

Si Manang Juling ay isang probins’yanang namasukan bilang katulong. Sinikap niyang pag-aralin ang kanyang sarili habang nagtatrabaho. Hindi nga lang niya naipagpatuloy ito dahil siya ay nakapag-asawa at naging sunud-sunod ang kanyang panganganak.

Samantala, ang mag-asawang aking kilala ay nagtanan at bumuo ng pamilya. Hindi lang klaro sa akin ba’t sila nagtanan, puwedeng dahil buntis si babae o ayaw ng magulang nila sa kanilang pagsasama. Ang maganda lang ay pareho na silang patapos sa pag-aaral noong panahon na ‘yon.

Sa dalawang halimbawang binanggit ko, madaling sabihin na napakalaki ng tsansa ng mag-asawa na magkaroon ng komportableng buhay. Lalo pa nga’t ‘di naglaon ay tinanggap din ang kanilang relasyon ng kani-kanilang pamilya. Habang si Manang Juling ay nabalo nang walong taon pa lamang ang kanyang bunso at pansampung anak.

Pero ang nangyari, naging pala-asa sa tulong ng kanilang kamag-anak ang mag-asawa kasama na rito ang pagpapa-aral sa kanilang mga anak. Samantalang si Manang Juling ay nagsumikap na buhayin at pag-aaraling mag-isa ang kanyang mga supling sa pamamagitan ng pagpasok sa kahit anong hanap-buhay na marangal.

Napagtapos ni Manang Juling ang kanyang mga anak. May naging lisensiyadong dentista, nurse at Med Tech (medical technician). Mayroong ding nagtapos ng banking and finance, HRM (Hotel and Restaurant Management) at vocational courses na nagawang mangibang bansa dala ang kanilang lakas ng loob at kakayahan.

Maaaring sa simula ay may mga taong parang pinagkaitan ng tadhana at wala silang potensyal na umasenso sa buhay. Subalit, sino nga bang makapagsasasbi kung ano ang mangyayari bukas? Lalo pa nga’t wala namang ginagawa para magkaroon ng magandang kinabukasan.  Para sa akin, sa diskarte, positibong pananaw at determinasyon nating mga Pinoy tayo nagiging suwerte at hindi sa katanyagan, katalinuhan o kayamanan lamang.

Nakumbinse ko naman ang aking professor at mga kaklase sa aking paliwanag. Hindi naman na nila ako pinagtawanan bagkus ay may ilan pa ngang binati ako, lalo na noong sabihin ko na akong kaklase nila ang pansumpung anak ni Manang Juling.

Advertisements

54 comments

  1. yey!!!may entry ka na rin para sa maikling kwento!!!

    aabangan ko na alng ang kwentong pambata.sali ka rin dun!

    pag aaral lang talaga ang susi kapag nagmula tayo sa mahirap na pamilya.sabi nga,yung edukasyon ang pinakamahalagang kayang ipamana sa atin,kayamanang hindi pwedeng nakawin.

    inspirasyon ang bawat pamilyang nagpapahalaga sa kahalagahan ng pag aaral.yun ang ag asa at tunay na hindi pag suko.

    • tingin ko kuya (pinangatawanan daw talaga) duking, hindi na ako sasali sa kwentong pambata. may iba akong market para doon. hahayaan ko na lang kayo ni tito jason sa katergoryang ‘yan. hehehe!

      yes tama ka ng 100% ang edukasyon ay hind lang para basta umahon ka sa hirap kundi para yumaman din ang iyong pagkatao. mabuhay!

  2. wow! This was your life story pala. Nakaka enganyo at pwedeng paghugutan ng lakas ang istorya mo. Alam mo, somehow kumbinsido na ako na wala naman taong lucky eh ..meron lang mga taong madiskarte sa buhay. They know how to live a life. They will do something to uplift their life and the lives of their family member. Kapag gusto mo magagawa yun. Minsan hindi sa paraang gusto mo pero makukuha at makukuha mo ang isang tagumpay kung sa pagti-tiyaga at pagsu-sumikap.
    yun lang…
    coffeebreak: http://april2004.wordpress.com/

  3. Very well written! Posting a “kudos” or “like” is difficult. I understand that everything here is all in Tagalog and believe me, I am not anal about these things but could you please revert the terminologies (in terms of the “Mag-Iwan Ng Tugon” section to English….or even just the “eMail” label.

    Other than that. I so very agree. I swear, you could be writing about my family. As you probably know from our numerous heart-to-heart talks with the barkada…my mother is my own Manang Juling. The couple is…yes my headStrong brother …who constantly plays the victim. He and his wife actually think that because they did not make wise decisions in eloping…the world OWES THEM to make their lives easier. I truly find them annoying and for the lack of a better term…they are a thorn in my side. I guess the sad part is that…no matter how well “my Manang Juling” raised her kids. Some people just decide to be influenced by their “elope partner of choice”. So instead of making society a better place. They choose to be dependent on others–making them a burden to live with.

    • salamat-salamat Conrad at nagustuhan mo itong post ko.

      oo nga sad to say, sa kabila ng sacrifices at tagumpay ng ibang Pinoy especially ang mga Filipina mother may humihila sa kanila pababa. At ang matindi na nga doon ay minsan ay kanila pang kapamilya. ang pagbabago ng buhay ay hindi manggagaling sa iba kundi sa ating sarili.

      ang bawat choice na pinipili natin, yan talaga ang nagde-determine ng ating pamumuhay. hindi crisis o chance. ayan ay base na rin sa Go Negosyo book na nabasa ko.

      well sana magising na sa katotohanan yang so headstrong brother mo. Bangon Pinoy!

  4. Tama, ang buhay ay parang kalapati, dahil ang buhay ng kalapati ay kalahati… sensible??? naaah let’s say a shallow analogy of life. why life is half, simple coz half of your life is making decisions and half of it is dwelling with that decision. Life is a choice. It is not about fate. Whatever paths you’re into right now is because it is your choice and not by fate.

  5. Bilib naman ako kay Manang Juling forever and ever. Halata namang strong ang kanyang personality at talagang pinaghirapan nya yung kung saan man kayo naroon ngayon. Hanggang ngayon nga, rumaraket pa rin. Heheheh.

  6. magandang araw! hindi ko natanggap ang email, pakisend na lang sa bernardumali@gmail.com. Gayunman, nilink ko na rin sa blogsite ng saranggola.
    Nakarelate ako sa kwento mo, 8 kaming magkakapatid at pang pito ako, lahat kami ay nakapagtapos bagaman hindi nakapagtapos ng pag aaral ang nanay ko.
    Kudos sa mga Ina at Ama na nagsumikap para itaguyod tayo!

  7. sige ni-send ko na ulit kuya gamitn yung isa ko pang email. kaya pala wala ako natatanggap na notification.

    talaga galing pala tayo s malalaking pamilya e. at tama ang pinakamahirap na trabaho ay maging responsableng magulang.

    mabuhay!

  8. nakakainspire ang iyong kwento.
    Mabuhay ang mga magulang na ginagawa ang lahat kahit ano pang hirap ang dinaranas mabigyan lang ng magandang kinabukasan ang mga anak.

  9. cheers para sa matyatyagang magulang na meron tayo! xD

    lima kami, dalawa palang sa amin ang graduate. bata pa kasi yung iba kong kapatid kaya nagsusumikap pa din sina mama. edukasyon ay may malaking role na ginagampanan sa pag-angat mula sa hirap ^^

  10. hoshi! 🙂 ang kwentong ay nagbibigay pugay sa mga magulang na nagsusumikap para sa mga anak nila. 🙂 mabuhay ang ating mga magulang! 🙂
    sana manalo ! 🙂 sumali na rin ako para maki-uso. hahah. 😉
    Magandang araw hoshi! 🙂

    P.S. super favorite ko yang samurai x! 🙂

  11. At parang ‘di mo nasabi na ung bunso ni Manang Jules ay naging e___-b___-raketera-businesswoman. O di ba? hehe

    Saludo ako kay Manang Jules at sa mga katulad pa niya! You’re one blessed (And lucky) woman to have her :p

  12. sabi nga ng nanay ko sa akin, di tayo mayaman anak matuto kang magsikap ang tanging maibibigay lang namin sa inyo ay makapag-aral kayo pero nasasa inyo pa rin ang desisyon at mga kamay kung paano mo huhubugin ang buhay mo…

  13. yan ang masikap, masipag at matiyaga
    saludo ako kay manang juling!
    kung ano naman ang maging battlecry/islogan o panuntunan natin sa ating pamumuhay hindi iyon dapat pagtawanan bakit? kasi ito lang ang tarok at abot ng ating kaisipan pero ang totoo nagsusumikap ang bawat isa na malaampasan iyon, mula sa simpleng baitang papunta sa mas nakatataas na baitang!

    yehey!
    live your battlecry!

  14. Maligayang pagbati po! Umaasa po ako na maghahatid sa inyo ng tuwa ang aking pag-kabit (link) ng inyong sapot-lugar (web site), kasama ang lahat ng kasali sa Saranggola Dos, sa aking 2Rivers na kung saan lahat kayo ay malugod na inaanyayahan. Maaari din po ninyong ikabit ang inyong sapot-lugar sa MukhaLibro Pader (Facebook Wall) ng inyong likod. Tara, tena! Sumasainyo ang Pwersa at mabuhay ang panitikang Pilipino! Lubos na gumagalang, Jonathan Aquino

  15. hi, lam ko nakapag comment nako dito eh.. una ko tong nabasa using my fone palpak pala connection kagabi.. haha.. nice story.. touching and inspiring rin… at akala ko this year mo to entry sa SBA dun ko lang kasi nakita link nito.. harhar.. 😀 anyway, yuki says you’re the best friend she ever had… 😉

  16. salamat gien! hindi ko na matandaan kong napadpad ka na dito before pero thank you sa iyong pag-visit at pagko-comment.

    salamat at nagustuhan mo ang true story na ito. sayang dagdag ka sana sa voter ko just in case last year. hahahaa.

    naks naman um-straight at pinkish ang aking pisngi sa comment mo. Mabuhay!

  17. tulad ko, negative thingker din ako pero sa bandang huli ako pa rin pala ang talo, kaya ngayon ako bumabawi sa sarili ko, hindi lahat ng mga iniisip natin ay tama na akala mo’y ganito o ganyan, ang mahalaga lumalaban ka sa buhay at maging positibo at masaya at kasunod niyon ay tagumpay, hindi naman talaga kailangan na maging sobrang matalino ka sa buhay kundi maging madiskarte lang at lakasan ang loob!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s